Batang babae na papasok sana sa paaralan, patay nang barilin sa ulo!

Patay ang isang grade 8 student na binaril sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek. Papasok sana sa paaralan ang bata nang mangyari ang krimen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Grade 8 student binaril sa ulo! Isang batang babae ang namatay matapos na ito ay barilin sa ulo ng di pa nakikilalang lalaki.

Grade 8 student binaril sa ulo, patay!

Pumanaw ang isang grade 8 student na batang babae matapos na ito ay binaril sa ulo. Naganap ang insidente sa Barangay Banyaga, Agoncillo, Batangas nitong Miyerkoles, Abril 17, ng umaga.

Saad ni Agoncillo Municipal Police Station Officer-In-Charge Police Major Broderick Noprada, papasok sana sa paaralan ang grade 8 student nang tambangan ito ng ‘di pa nakikilalang salarin at binaril sa ulo.

Ayon kay Noprada, katapat lang umano ng bahay ng biktima ang eskwelahan kung saan ito nag-aaral. Noong papasok na umano ang bata ay siya ring paglabas ng suspek at binaril sa ulo ang grade 8 student. Pagkatapos ay agad ding tumakas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"May mga witnesses po tayo kaso hindi ho nila masyadong namukhaan o di ho nila maibigay sa amin yung tamang description po ng ating suspek kaya medyo nahirapan po kami kahapon na makakuha po ng lead… May nakabiruan pa ang suspek, akala po kasi ng mga nandun ay naghahatid lang din ng anak, dahil noong oras na iyon marami rin magulang na naghahatid ng anak. Nakatambay siya doon," saad ni Noprada.

Ayon pa umano sa mga witness, nakasuot ng itim na jacket at helmet ang suspek. Tinatayang nasa edad 30 pataas na ito at nakasakay pa umano sa itim at orange na motorsiklo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis ng Agoncillo upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek. Gayundin ang motibo sa likod ng krimen.

Sinabi naman ng mga kaanak ng batang babae na wala naman silang alam na kaaway ng bata. At wala rin namang banta sa buhay nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Wala naman daw po kaaway o ano bata kahit po dun sa Cuenca chineck po natin baka kako meron na-witness bata na isang insidente at siya ay testigo o biktima ng pang-aabuso. Eh wala naman po tayong nakuha,"  dagdag pa ni Noprada.

Sinulat ni

Jobelle Macayan