Grandparents day na ngayong paparating na lingo. Ipakita sa kanila ang inyong pagmamahal at pasasalamat sa kanila sa pamamagitan ng mga treats na aming inipon. Halina at ipagdiwang ang kanilang pag-aalaga ngayong Grandparents Day Philippines 2019!
Landers Superstore
Mula ika-7 hanggang ika-8 ng Setyembre, hinahandog ng Landers Superstore ang kanilang mga regalo sa mga lolo at lola.
Ang mga ipinanganak mula 1921 hanggang 1979 ay iniimbitahan na mag sign-up bilang miyembro ng Landers Superstore. Kung ano ang edad ng inyong mga lolo at lola, ito ang discount na makukuha nila mula sa membership fee.
Shangri-la Plaza Mall
Mahilig ba sa classical music si lolo at lola? Dalhin na sila sa Shangri-la Plaza para sa live performance ng Pundaquit Virtuosi sa pamumuno ni Maestro Ruggero Barbieri. Magsisimula ang pagtatanghal nang 7pm sa Grand Atrium ngayong darating na lingo.
Araneta Center
Puno nang iba’t ibang events ang Araneta Center para ngayong 2019 Grandparents day Philippines. Mula 10:00 nang umaga, magsisimula ang Grand Chess Championship sa Gateway Mall. Mayroon ding Grand Ballroom Party para sa mga lolo at lola na mahilig magsayaw. Pagdating naman ng 4:30 nang hapon, magkakaroon ng relaunching ang DWWW 774 radio station. Bukod dito, may libreng konsultasyon at hearing screening pa ang QualiMed Surgery Center.
Cabalen Restaurant
Ang Cabalen Restaurant ay mayroon ding handog para sa mga minamahal na lolo at lola ngayong Grandparents Day. Mula ika-6 hanggang ika-8 ng Setyembre, siguradong may matatanggap na regalo ang mga lolo at lola na magtutungo sa Cabalen. Kakain lang, sigurado nang makakatanggap ng bagoong, bags, baso o bag tags at marami pang iba.
Sealy Sleep Boutique
Nais bang gawing kumportable ang pagtulog ng mga lolo at lola? Nandito ang Sealy Sleep Boutique para kayo ay matulungan. Regaluhan sila ng Sealy Posturepedic. Gamitin ang matatanggap na 25% na discount kapag kayo ay nag pre-order ng kama na magpaparamdam ng inyong pagmamahal. Bisitahin sila sa Level 5 ng Shangri-la Plaza Mall.
Arl Doner Kebab
Ang authentic na kebab ng Arl Doner ay maaari nang mabili ng inyong lolo at lola sa halagang P90 lamang. Kailangan lamang nilang ipakita ang kanilang senior citizen ID at matitikman na nila ang tunay na lasa ng kebab sa murang halaga. Dalhin sila sa Robinsons Galleria South sa San Pedro Laguna at magpahinga mula sa pamamasyal.
Yoyi’s Pastries & Desserts
Gamit ang senior citizen ID, maaaring makatanggap ng 10% discount ang mga lolo at lola sa Yoyi’s Pastries & Desserts. Mula 1:00 nang tanghali hanggang 3:00 nang hapon sa ika-7 ng Setyembre, maaari nang bumili ng treats para sa parating na Grandparents Day.
Copa De Manila
Ang restaurant na naghahandog ng masasarap na Filipino at Spanish na pagkain ay mayroong handog ngayong Grandparents Day. Mula sa P780 para sa weekdays at P850 para sa weekends, magiging P180 na ang bayad. Pumunta na sa Winford Manila Resorts and Casino at magdiwang kasama sila lolo at lola.
Art In Island
Para sa mga lolo at lola na mahilig sa sining, may handog na regalo ang Art In Island. Maaari silang makakuha ng libreng pass sa Art in Island museum gamit ang kanilang valid ID. Mabighani sa mga makukulay na likha kasama sila mula ika-3 hanggang ika-8 ng Setyembre.
The Oracle Hotel
Kung ang nais naman ay ang magkaroon ng staycation, magpunta na sa The Oracle Hotel and Residences. Para sa halagang P3,500, mae-enjoy na nila ang overnight stay at ang libreng almusal na handog ng hotel. Bukod dito, makakatanggap pa ng complimentary cake para sa Grandparents Day.
Throwback: Grandparents’ Day Celebration at Uptown Bonifacio
Magkakaroon ng Zumba para sa buong pamilya sa September 8, 7am sa Anytime Fitness sa Uptown Parade. Magkakaroon din ng Mama Mia performance sa Atrium ng Uptown Mall ng 6pm.
Vintage: Grandparents’ Day at Forbes Town
Magkakaroon ng pottery workshops mula sa Tahanan Pottery. Mayroon ding display ng vintage cars at mga performances ng musika mula ’60s at ’70s!
#OhMyGrand: Grandparent’s Day Celebration at Venice Grand Canal
Mayroong free dental consultation mula sa mga dentista ng The Medical city at susundan ng OMG Retro Disco Party, with Zumba trainers mula sa Gold’s Gym sa September 7, 5PM, Venice Piazza. Bukas naman, September 8, magkakaroon ng basic TLC workshop para sa pag-aalaga ng succulent plants at may mini-concert ang of ’67 band.
#TheGoldenApprenticeship At Eastwood City: A Grandparents’ Day Celebration
Madaming activities para sa mga lolo at lola sa September 8 sa Eastwood! Mayroong health and wellness class, at craft workshops. Magkakaroon din ng series of activities in partnership with the Office for the Senior Citizens Affairs of Quezon City.
Timeless Celebrations: Grandparents’ Day At Newport Mall
Mula September 6 hanggang 8, magkakaroon ng iba’t ibang activities sa Newport Mall. Mayroong mga contests, treats at live performances.
Forever Grand: A Grandparents Day Celebration at Lucky Chinatown
I-upload ang cool videos ni lolo at lola sa Tiktok upang manalo sila ng prizes. Mayroon ding dog show, ang The Grand Bark Ball, isang glamorous fundraiser para sa Filipino-Chinese Home for the Aged Women.
World’s best gramp and granny
Hindi lang isang araw kundi halos buong buwan ng September ipinagdiriwang ng The Village Square Alabang ang mga grandparents! Tuwing Wednesday, 6 PM, magkakaroon ng upbeat Polynesian Dance Workout sa Gran PowerSiva. Tuwing linggo naman ay magpapatugtog ng mga oldies but goodies na mga kanta.
GRANNY AWARDS: A Grandparents Day Celebration at #SanLoMall
Magkakaroon ng iba’t ibang workshops para sa mga pinakamamahal na lolo at lola natin sa San Lorenzo Place mall.
Source: Landers Superstore, Shangri-la Plaza Mall, Araneta Center, Cabalen Restaurant, Sealy Sleep Boutique, Arl Doner Kebab, Yoyi’s Pastries & Desserts, Copa De Manila, Art In Island, The Oracle Hotel
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!