Binisita kamakailan ng aktres na si Gretchen Barretto ang lamay ng kaniyang ama na si Miguel, na pumanaw ilang araw na ang nakalipas. Dahil sa pangyayaring ito, marami ang umaasang magkaroon ng pagkakataon na magkabati-bati na ang mga nag-aaway na magkakapatid.
Gretchen Barretto, matagal na nakaaway ang mga kapatid
Matatandaang ilang taon nang hindi maganda ang relasyon ng mga magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine.
Noong 2013 pa nga ay nabalitang itinakwil ng kanilang ina na si Inday Barretto si Greta dahil sa kanilang pag-aaway. Noong panahong iyon ay nabalita rin na pinagtutulungan ni Gretchen at Marjorie ang kapatid nilang si Claudine upang siraan ito.
At noong simula ng taong ito ay nagkaroon ng pag-asang mag-ayos ang mga magkakapatid nang mabalitaan na nagbati na raw si Claudine at Gretchen.
Nagbahagi ng Instagram post si Claudine
Sa Instagram, nagpost kamakailan si Claudine ng isang video kung saan makikitang bumisita si Gretchen sa lamay ng kanilang ama.
Bukod dito, nilagyan pa niya ito ng caption na:
And then,We are Complete @gretchenbarretto im so Proud of u.I admire & luv u more today #doubleinfinity#thatsmyAte WELCOME HOME ❤️❤️❤️❤️
View this post on Instagram
Sa video, makikitang papalapit si Greta at Marjorie sa kanilang ina na noon ay kinakausap si Pangulong Duterte. Matapos makiramay ng pangulo ay lumapit si Greta sa ina at niyakap ito ng mahigpit.
Dahil sa nangyari, nagkaroon ng usap-usapan na baka ito ang pagkakataon upang makapagbati ang mga magkakapatid na ilang taon na rin ang naging pag-aaway.
Marami namang mga netizens at pati na rin mga celebrities ang ikinagalak ang pagsasama ng kanilang pamilya. Bagama’t nakakalungkot na nangyari ito sa lamay ng kanilang ama, masaya rin na mayroong puwang sa kanilang mga puso na magbati at magsama-sama bilang iisang pamilya.
Source: ABS-CBN News
Photo: Instagram
Basahin: Gretchen Barretto “never” makikipagbati sa kapatid na si Marjorie
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!