Gretchen Barretto: "Marjorie was not happy that I was there to reunite with family"
May balitang kumakalat na nagkaroon daw ng sabunutan nang dumating si Gretchen Barretto sa lamay ng kaniyang namayapang ama.
Bumisita na nga sa wakas ng aktres na si Gretchen Barretto ang lamay ng kaniyang ama na si Miguel Barretto, na pumanaw ilang araw na ang nakalipas, nito lamang Miyerkules, ika-16 ng Oktubre, sa Heritage Memorial Park, sa Taguig.
Dahil sa pangyayari ngang ito, marami ang umasa na magkaroon ng pagkakataon na magkabati-bati na ang mga nag-aaway na magkakapatid ng Barretto clan.
Sinubukan ng Pangulong Duterte na mamagitan
Sa araw na pagbisita nga ng celebrity mom na si Gretchen Barretto, ay naroon rin ang Pangulong Rodrigo Duterte kung saan naroon din siya upang magbigay pugay sa namayapang ama ng mga Barretto.
Nag-post pa nga ang bunsong kapatid ng mga Barretto na si Claudine sa kaniyang Instagram na sa wakas kumpleto na sila.
Aniya sa kaniyang caption, “And then,We are Complete @gretchenbarretto im so Proud of u.I admire & luv u more today #doubleinfinity #thatsmyAte WELCOME HOME ❤️❤️❤️❤️”
Nakita rin sa video post na yumakap si Gretchen sa kaniyang ina na si Inday Barretto, na matagal na rin nitong hindi nakakasundo.
View this post on Instagram
Sa hidwaang Gretchen, Marjorie, at Claudine, si Gretchen at Claudine pa nga lamang ang kamakailan lang ay nagkabati na ngunit ang dalawa nga ay mayroon pa ring hidwaan sa kapatid nilang si Marjorie.
Sa tagpo ngang ito sinubukan ng Presidente Duterte na mamagitan sa magkapatid na Gretchen at Marjorie.
Pahayag ni Gretchen sa ABS-CBN News, “It was all so nice until Marjorie had a nervous breakdown.”
Ayon nga sa mga ilang source ay sinubukan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sana’y kahit magkamay lang ang dalawang magkapatid na Gretchen at Marjorie kahit respeto man lang sa namayapa nilang ama.
“He was asking Marjorie to shake my hand for the sake of respect of my father,” kuwento ni Gretchen.
Pero tumanggi nga raw si Marjorie na gawin ito.
Dagdag pa ng aktres, “Marjorie was not happy that I was there to reunite with family.”
Hindi inaasahang mala-teleseryeng kaganapan
Ayon sa mga ilang source din nagkaroon di-umano ng mala-teleseryeng kaganapan sa burol ni Miguel Barretto—sa pagitan ng magkapatid na sina Gretchen at Marjorie at isa pang insidente kabilang naman si Gretchen at ang pamangkin nitong si Nicole.
Sambit ng mga nakasaksi nagkaroon di-umano ng sagutan kina Gretchen at Marjorie, samantala namang nagkaroon ng sakitan sa pagitan ni Gretchen at pamangkin na si Nicole, na di-umano’y nagkaroon pa ng mga galos sa mukha.
Nabigla nga raw ang Pangulong Duterte sa nasaksihan sa burol at mukha nga raw hindi siya handa sa mga ganitong pangyayari kahit na nga’y nasabihan na raw ito tungkol nga sa hidwaan ng pamilya Barretto.
Paano nga ba magkakasundong muli ang isang pamilya?
Hindi naman naiiwasan ang hidwaan sa isang pamilya, pero paano nga ba magkakasundong muli at mawawaglit na ang hidwaang nangyari sa nakaraan?
Ito ang ilang mga hakbang upang maayos ang hidwaan o gulo sa pamilya:
- Balikan o alamin ang ugat ng hidwaan o gulo.
- Ilagay ang iyong sarili sa posisyon ng tao.
- Isaalang-alang ang magiging epekto nito sa iba pang miyembro ng inyong pamilya.
- Piliing magpatawad.
- Tumayo at magpakumbaba.
- Tanggapin ang responsibilidad para sa iyong mga aksyon at humingi ng tawad.
- Simulang hilumin ang relasyong nasira at magumpisa ng mga bagong alaala habang parehas na naghihilom.
Source: ABS-CBN News
Basahin: LOOK: Gretchen Barretto pumunta sa lamay ng namayapang ama
- Gretchen Barretto “never” makikipagbati sa kapatid na si Marjorie
- Marjorie Barretto: "I always chose to ignore all the LIES that my sisters spread about me and my children"
- Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"
- Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”