Sobrang nakakatuwa talaga kapag nakakdiskubre ka ng mga bagay na makakatulong sa’yo sa everyday chores mo. Yung tipong gagaan ang workloads mo. Katulad ng pag ggrocery, sobrang kumakain ‘yan ng oras. Mula sa paghahanap ng parking space, mahabang pila sa cashier, sobrang traffic pauwi. Pero ngayon, may sagot na sa prolema mo! Narito ang Top 10 grocery stores with delivery in Philippines!
Online Grocery delivery in Philippines | Image from lifeforstock on Freepk
Online grocery stores with same-day delivery in the Philippines
Narito ang listahan ng mga online grocery store na may delivery services. Mula supermarket at wet market hanggang sa drugstore. Isama mo pa ang pet care. Sagot kita dyan!
1. MetroMart
Isa ang MetroMart sa kilalang online grocery store na may delivery service sa Philippines. Bukod kasi sa mga groceries, maaari ka ring makabili ng gamot, pet care, beauty & wellness products. Idagdag pa ang bakery and desserts at alcoholic products. At ang lahat ng ito ay maaaring madeliver sa inyong bahay.
I-download lang ang kanilang app ta maaari ka nang makapamili ng iyong grocery online!
Mga shops na nasa MetroMart:
- S&R membership shopping (no membership required)
- Watsons
- Pet Express
- DVF Dairy Farm
- Food Source
- Messy Bessy
- Ralph’s wines and spirits
- Dogs and the City
- Holland Tulips
- Mrs. Fields
- Foodsource
- Toy Kingdom
- Generika Drugstore
- GNC
- Pan de Manila
- FamilyMart
- Benefit Cosmetics
- The Blue Kitchen
2. Grocery Delivery Philippines: Pushkart
Isa rin sa pinagkakatiwalaang online grocery store ang Pushkart. Mula sa supermarket goods katulad ng fresh meat, frozen foods, dairy products, canned goods at snacks, maaari mo rin ditong mabili ang mga necessities mo katulad ng personal care, baby products at medicine. Teka, meron rin pet care!
Ang mode of payment naman ay thru credit card o coins.ph. Nasa 120 pesos rin ang delivery fee!
Shop now at pushkart.ph
3. Fishmonger’s daily Catch
Online Grocery delivery in Philippines | Image from Freepik
Kung nais mo naman ay fresh seafood, makakasigurado ka sa Fishmonger’s daily Catch. Wala pang 24 hours, madedeliver na agad sa iyoang order mong seafoods! Ang kanilang mga seafood products ay sariwang huli at hindi farmed. Meron rin silang fresh frozen products at madedeliver ito sa’yo sa halagang 100 pesos. Maaari ring maging free ang delivery fee kung maaabot mo ang minimum purchase ng iyong delivery.
Kung mag oorder ka bago ang 2 PM, madedeliver rin agad sa iyo ang iyong pinamili. Ngunit kung hindi naman, kinabukasan mo na ito makukuha. Ang kanilang mga produkto ay ihahatid sa’yong malinis na at nakalagay sa vacuum sealed bags.
Ang mode of payment naman ay thru COD o bank deposit.
Shop now at fishmongersdailycatch.com
4. Grocery Delivery Philippines: Farms to Families
Ang Farms to Families ay naghahatid ng all-natural meat at vegetables na galing sa local backyard farms. Ang kanilang meat products ay kasama ang pork chops, tenderloin, pata, ground pork. Umaabot naman sa P250-P390 per kilo ang kanilang paninda. Habang ang manok naman ay nasa P310 per kilo, duck ay nasa P360 per kilo at free-range chicken eggs ay nasa P285 isang tray na may 30 pieces.
Sa gulay naman, mron silang salad greens, broccoli, eggplant, ampalaya, patola, squash, potatoes, cucumbers, carrots, tomatoes, at sayote.
Shop now at farms_to_families_ph
5. Walter Mart Grocery Delivery
Nandyan din naman ang Walter Mart Grocery Delivery para sa iyong online grocery. Meron silang items sa bakery, dairy, frozen foods, grocery, produce, fresh meat and seafood, at baby care.
6. Grocery Delivery Philippines: Kitayama Meatshop
Online Grocery delivery in Philippines | Image from jannoon038 on Freepik
Kung biglaan ka namang nag crave sa premiuim wagyu beef cuts katulad ng belly, ox tail, rib eye o chuck roll mag online grocery na sa Kitayama Meatshop! Bukod dito, nag aalok din sila ng smoked meats at sausages.
Shop now at rarefoodshop.com
7. Real Food
Ang Real Food ay nagooffer ng organic vegetables, meat, rice at iba pang healthy ingredients para sa pagluluto, baking at pagkain.
Matatagpuan mo rin dito ang iba’t-ibang brands katulad ng Spectrum Culinary, 7 Grains, Jack’s Produce, Pinkie’s Farm, Farmyard Pantry, at Kaffea Coffee sa kanilang store sa Molito Lifestyle Mall sa Alabang.
Pwede ka rin namang magbayad thru cash on delivery o bank deposit.
Shop now at rarefoodshop.com
8. Marketa.ph
Dito mo maaaring mabili ang mga food items katulad ng truffle chocolates, lemon garlic and pepper sea salt, at bottled tuyo. Matatagpuan rin dito ang healthy items katulad ng Superfood Grocer’s cacao nibs, Coco Natura’s organic coconut sugar, at Take Root’s kale chips. Binibigyang importansya ng Marketa ang local micro at maliliit na entrepreneurs sa bansa.
Pwede ka ring mamili ng mga non-food items sa Marketa. Katulad ng makeup at automative tools.
Shop online at marketa.ph
9. Grocery Delivery Philippines: The Green Grocer
Ugaliin ang pagkain ng masustansyang pagkain. Sa Green Grocer hatid nila ang organic produce, meat, dairy products na direstong madedeliver sa inyong bahay.
Maaari kayong mag padeliver sa buong Metro Manila at Laguna. Pwede mo rin namang i-pick up ang iyong order sa kanilang headquarters sa Sucat, Muntinlupa
Shop online at thegreengrocermanila.com
10. MyTindahan.net
Ang online grocery na ito ay para sa mga taga-Cebu. Hindi lang grocery at wet market items ang mabibili mo dito ngunit pati na rin ang mga medicines, dog foods at flower bouquet! Maaari ka ring makakuha ng deals at promos sa kanilang cashback rewards.
Shop at mytindahan.net
11. GoCart
Kung online grocery app na pwedeng mamili sa iba’t ibang store naman ang hanap mo, pwedeng mag-shop sa GoCart. Ito ang first online store ng Robinson Retail Holdings Inc.
Sa GoCart app pwede kang mamili sa Robinsons Supermarkets, Shopwise, at The Marketplace nang hindi na kailangang lumabas pa ng bahay. Pwede rin gamitin ang GoCart app para mamili sa Trye Valur, Daiso Japan, at Toy R Us.
Available ang delivery ng GoCart sa mga lugar ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Maaaring umorder sa GoCart website o kaya naman ay mag-download ng GoCart App.
12. Grocery Delivery Philippines: Puregold
Yes, pwede na rin mamili online sa Puregold. Umorder lamang sa kanilang website o kaya naman ay mag-download ng mobile app at doon mamili ng mga nais bilihin. Sa online grocery na ito madali mong mase-search ang mga kailangang items at matra-track ang iyong order hanggang sa mai-deliver ito sa inyong tahanan.
Ang maganda pa rito, free delivery lamang kung magbabayad sa pamamagitan ng Puregold Wallet, na makikita rin sa Puregold App. Pero, pwede rin naman magbayad sa pamamagitan ng cash on delivery, credit/debit card, o kaya naman ay Gcash. Bukod pa riyan, ay nationwide ang naaabot ng delivery ng Puregold.
If you want to read the english version of this, click here.
Updates mula kay Jobelle Macayan
BASAHIN: Your Secret’s Safe with Us: The Novelty of Shopping Online
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!