Dapat daw ay maidagdag na ang limang taon ng hiwalay na mag-asawa (na mukhang wala ng pag-asang magbalikan pa) bilang grounds for annulment in the Philippines.
Ito ang iminumungkahi ng House of Representatives sa pangunguna ni Surigao del Norte Representative Roberto Ace Barbers.
House Bill 503
Sa pamamagitan ng House Bill 503 ay isinusulong ni Rep. Robert Barbers na amyendahan ang ilang probisyon sa Family Code of the Philippines. Partikular na ang tumutukoy sa annulment o ang legal na proseso ng paghihiwalay ng mag-asawa dito sa Pilipinas.
Mula sa anim na grounds of annulment in the Philippines ay nilalayon ng batas na maidagdag ang limang taon nang hiwalay o pagtira ng isang mag-asawa sa magkaibang bahay para maging grounds na pagfi-file ng annulment ng kanilang kasal.
Ayon kay Barbers, sapat na ang limang taon para makapag-adjust at makapag-move on ang mag-asawang naghiwalay na. Sa pamamagitan daw ng panukalang ito ay mas magiging madali at mura ang pag-fi-file ng legal separation ng isang mag-asawa.
Ito ay hindi lang daw para sa mga mag-asawang hindi na masaya sa kanilang relasyon, kung hindi pati narin sa ikakabuti ng mga anak nila.
“Instead of being stuck in an unhappy marriage, or exposing the children to harm when their parents are fighting, or couples brazenly engaging in extramarital affairs, is it not fair to give these couples a way out for them to move on with their lives?” giit pa ni Barbers.
Mas mabuti na rin daw ito kaysa matukoy pa o mahalungkat ang mga issue ng mag-asawa na mas mabuting hindi na pag-usapan pa.
“Tanggapin natin ang katotohanan na sa ibang mag-asawa, walang forever,” dagdag na hirit pa ni Barbers.
Grounds for annulment in the Philippines
Sa ngayon ay may anim na grounds of annulment in the Philippines. Ito ay base sa Article 45 ng The Family Code of the Philippines.
Hindi kabilang dito ang mga mag-asawang naghiwalay na at wala ng komunikasyon kahit pa ilang taon na ang nakalipas. Pati narin ang infidelity o ang pagiging hindi faithful ng isang mag-asawa.
Ang mga grounds for annulment in the Philippines ay ang sumusunod:
1. Absence of Parental Consent o ang kasal na kung saan ang isa sa babae o lalaki ay 18 o below 21 years old nang ikinasal ngunit walang consent na ibinigay ang mga magulang, guardian o sinumang substitute parental authority.
Pero kung ang ‘kinasal na walang parental consent ay nakisama sa pinagpakasalan bilang asawa sa iisang bubong hanggang siya ay mag-21 anyos, hindi na puwedeng mag-file ng annulment. Ngunit kung hindi naman ay dapat mai-file ang annulment sa loob ng limang taon matapos tumungtong ng 21 anyos ang walang parental consent ng maikasal.
2. Mental Illness o isa sa ikinasal na lalaki o babae ay wala sa tama nitong pag-iisip ng maikasal.
3. Fraud o kung ang consent na mula sa isa sa mga ikinasal ay nakuha sa pamamagitan ng fraud o panloloko. Ngunit kinakailangang mai-file ang annulment sa loob ng limang taon matapos malaman ang ginawang fraud o panloloko.
4. Ang consent na ibinigay ng isa sa mga kinasal ay nakuha sa force, intimidation o undue influence. Dapat ay mai-file ang annulment sa loob ng 5 taon matapos gamitan ng puwersa, intimidation o undue influence ang kasal.
Ngunit kung ito naman ay natigil at nakisama naman bilang asawa sa loob ng iisang bubong ang ginamitan ng sumusunod ay hingi na maaaring mag-file pa ng annulment.
5. Isa sa mga ikinasal ay hindi na physically incapable na ipagpatuloy pa ang marriage. Tulad ng mga nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo o kaya naman ay may physical incapacity o sakit na hindi na magagamot pa. Ang petisyon ay dapat mai-file sa loob ng limang taon matapos ang kanilang kasal.
6. Isa sa mga ikinasal ng panahon ng maikasal ay mayroong sexually transmitted disease o STD na malubha at hindi na magagamot pa. Ito din ay tinitingnang uri ng fraud o panloloko. Muli ang petisyon ay dapat mai-file sa loob ng 5 taon matapos maikasal.
Source: Philippine Law Firm, Manila Bulletin, ABS-CBN News
Basahin: Annulment of marriage: A step-by-step guide to annul a marriage