Naranasan niyo bang magkaroon ng linya sa tiyan habang nagbubuntis? Alamin kung ano ang sanhi at ibig sabihin ng linea nigra, dito!
Ang pagbubuntis ay maraming naidudulot na pagbago sa lahat ng aspeto ng buhay ng isang babae. Maliban sa mga emosyonal na aspeto, marami ring pisikal na pagbabago.
Importanteng malaman ang mga bagay na ito para iwasan ang pag-aalala at para rin maagapan ang mga maituturing na hindi “normal” na pagbabago.
Isa sa mga ito, na pag-aaralan natin ngayon, ay ang tinatawag na Linea Nigra. Ito ay isang maitim na linyang pahaba na karaniwang nakikita sa tiyan, pusod at puson.
Ayon sa mga eksperto, hindi naman daw nawawala ang linya na ito, mas nahahalata lang ito kapag buntis dahil sa natural na pag-itim nito pagdating ng 23 na linggo ng pagbubuntis.
Dahil daw ito sa mga “pregnancy hormones,” na nagpapaitim din sa “areola ng nipples.” Kapag daw hindi maitim ang linea nigra, tinatawag itong Linea Alba o “white line.”
Dahil sa hyperpigmentation na dulot ng mga hormones pagbuntis ka, maaaring umitim din ang mga bahagi ng mukha mo. Ang tawag dito ay chloasma, o “mask of pregnancy.”
Hindi dapat ikabahala ang pag-iba ng kulay ng balat o mukha dahil normal ito sa buntis. Mawawala din ito makaraan ang ilang buwan matapos kang manganak.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang mga nangyayaring pagbabago sa iyong balat kapag nagbubuntis?
Mahigit sa 90% ng mga mommies ay nakakaranas ng mga pagbabago sa kanilang balat habang nagbubuntis. Ang iba naman ay nagsasabing mas gumaganda ang kanilang balat. Dahil may pagkakaiba naman ang sitwasyon ng bawat nagbubuntis, maraming dapat i-consider tungkol sa pagbabago sa balat.
Ayon sa mga doktor, may mga kategorya ang mga kondisyon sa balat habang nagbubuntis:
- pisikal na pagbabago sa balat
- mga kondisyong meron na bago pa magbuntis at nagbago
- mga partikular na pagbabago sa balat na may kinalaman mismo sa pagbubuntis, tulad ng pagkakaroon ng guhit sa tiyan ng buntis, o linea nigra
7 na mahalagang kaalaman tungkol sa linya sa tiyan ng buntis: Linea Nigra: Guhit sa tiyan ng buntis
Ang iyong katawan habang nagbubuntis ay maaaring dumaan sa maraming pagbabago. Ito ay madalas na mapapansin lalo na sa balat sa iyong tiyan dahil nai-stretch ito dahil nag-aadjust habang lumalaki si baby sa iyong sinapupunan.
Isa ang linea nigra sa mga karaniwang kondisyong nagaganap sa iyong tiyan. Karamihan sa mga mommies na nagbubuntis ay nakakaranas ng kondisyong ito sa harapan ng kanilang tiyan.
1. Ano ang ibig sabihin ng guhit sa tiyan ng buntis?
Sa Latin, ang linea nigra ay nangangahulugang literal na “itim na linya”. Ito ay bunga ng hyperpigmentation na nangyayari tuwing nagbubuntis at wala naman itong dulot na kapahamakan sa buntis. Maaari itong mawala nang kusa pagkatapos mong manganak at kapag bumalik na ang iyong hormones sa normal.
Bago ka mabuntis, ang guhit o linyang ito ay tinatawag na linea alba o “puting guhit”. Kapag naman ikaw ay nagbubuntis na at umitim ang linyang ito, tinatawag itong linea nigra.
May mga haka-haka at nabubuong kwento kung ano ang ibig sabihin ng guhit sa tiyan ng buntis. Ayon sa sabi-sabi, maaaring malaman ng mga mommies ang gender ng kanilang magiging baby.
Kapag ito ay dumaan sa iyong pusod, maaaring babae ang gender ni baby. Kapag naman sa iyong ribs dumaan ang guhit, lalaki ang magiging baby mo.
Ngunit, mas tinitignan ng mga doktor at health care providers ang mga maaaring sanhi ng pag-itim ng guhit sa tiyan ng buntis.
2. Bakit may guhit sa tiyan ng buntis?
Natural na nagkakaroon ng guhit sa tiyan ng buntis o linea nigra dahil sa mataas na level ng hormones sa iyong katawan.
Hindi pa sigurado kung bakit may guhit sa tiyan ng buntis. Ngunit, tinitignan ito ng mga eksperto na bunga ito ng pagkakalikha ng placenta ng melanocyte-stimulating hormones (MHS).
Ang pagkakaroon ng MHS ay nagdudulot ng pagtaas ng melatonin sa balat, lalo na sa tiyan ng buntis. Ang melanin ang nagibbigay ng kulay sa balat ng tao, at ito ang dahilan rin ng pag-itim ng balat habang nagbubuntis.
Bilang karagdagan, ito rin ang sanhi ng pagkakaroon ng melasma at maitim na areolas sa nipples ng buntis.
Hindi rin sigurado kung bakit may mga partikular na area ng katawan ang apektado ng melatonin, at ang ibang bahagi naman ay hindi.
3. Kailan madalas lumitaw ang linea nigra o itim na guhit sa tiyan ng buntis
Mga mommies, lagi kayong may itim na guhit sa tinya, at halos invisible ito kung hindi dahil sa pagtaas ng iyong hormones. Sa mga nagbubuntis na ina, lumilitaw o nagiging visible ang linea nigra sa ikalawang trimester (20 linggo).
4. Mga pagbabago sa balat ng nagbubuntis maiban sa linea nigra
Kapag napansin mo agad ang itim na guhit sa iyong tiyan pababa sa puson, maaaring makaramdam ka ng pagkabahala. Pero kung pagtutuunan ng pansin, ang ibang area ng iyong balat ay maaari ring umitim.
Ang ilan sa mga balat na nagkakaroon ng pagbabago ay ang mga sumusunod:
- nipples at areola
- balat sa ari ng bababe
- pagkakaroon ng freckles
- mga sugat na nagpeklat
Maaari mo ring pansinin na ang area ng balat ay laumalaki, o kumakalat ang pangitngitim. Tulad ng linea nigra, ang hyperpigmentation ay tuwirang nakaugnay sa pagbabago rin ng hormones sa iyong katawan.
5. Sino ang maaaring magkaroon ng linea nigra?
Kahit sino ay maaaring magkaroon ng guhit sa tiyan o maitim na guhit pababa sa tiyan. Pero, mas bihirang magkaroon ng ganito ang mga buntis na may fair skin kaysa sa mga may darker complexion.
Dagdag pa, ang mga ina na may maputing balat ay maaari naman ding magkaroon ng itim na guhit kaysa sa mga mas maitim ang balat. Ito naman ay dahil sa mas mababang antas ng skin pigmentation.
6. Treatment para sa linea nigra
Ang linea nigra ay hindi nagiging sanhi ng anumang kondisyon at komplikasyon sa iyo at sa iyong baby. Maaari ka lamang maapektuhan nito as pisiyolohikal na aspekto, tulad ng pag-itim ng bahagi ng balat.
7. Kailan nawawala ang linea nigra o itim na guhit sa tiyan ng buntis
Specifically, ang linea nigra ay bunga ng mataas na antas ng melanocyte stimulating hormone o MSH, estrogen, progestrerone habang nagbubuntis. Pagkatapos manganak ay maaaring bumalik sa normal ang inyong balat.
Maaaring tumagal rin nang ilang buwan ang iyong linea nigra pagkatapos na mawala nang kusa.
Paano mababawasan ang pag-itim ng balat?
Puwede mong bawasan ang pag-itim sa pamamagitan ng pagsuot ng long sleeves at mahabang palda o pantalon. Gumamit ng sunblock na at least SPF 15. Puwede mo ring subukan lagyan ang tiyan mo ng cocoa butter o Vitamin E gel.
Kumain ng maayos. Ayon sa mga eksperto, maaaring lumala ang pag-itim ng balat dahil sa kakulangan sa folic acid. Makakatulong ang folic acid supplements pero makakatulong lalo ang healthy diet.
Ugaliing kumain ng gulay, prutas tulad ng orange, at cereals o whole wheat bread, para rin sa pangkalahatang kalusugan mo at ng magiging baby mo.
Tandaan mga mommies! Walang masama sa pagiging sensitibo sa alinmang pagbabago sa iyong katawan kapag ikaw ay nagbubuntis.
May mga pagbabago sa iyong katawan na maaaring nakaka-alarma sa iyo na kailangan ng agarang solusyon. At may mga pagbabago rin na maaaring sabihin ng iyong doktor na normal para sa mga nagbubuntis.
Dagdag na impormasyon mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.