Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Gaano na kalaki ang iyong sanggol?
Ang development ng iyong sanggol
Dito sa aming guide sa pagbubuntis, matututunan mo ang mga sumusunod:
- Lumalabas na ang mga tooth buds o pagtutubuan ng ngipin sa ilalim ng gums ng iyong sanggol.
- Nabubuo na ang kaniyang mga tenga at “gumagalaw” papunta sa gilid ng kaniyang ulo.
- Nagsisimula nang gumalaw ang kaniyang mga binti, pero aabutin pa ng 1-2 buwan bago mo ito maramdaman.
- Lumalanghap na ang iyong sanggol ng amniotic fluid, na nakakatulong sa paglaki ng kaniyang lungs.
- Mukhang napakalaki pa ng ulo ng iyong baby kumpara sa kanyang katwan, pero pagtagal ay mas magmumukha na siyang tao.
- Mula sa ika-11 hanggang ika-20 na linggo, magiging triple na ang laki ng iyong sanggol, at madaragdagan ang kaniyang bigat ng 30 beses!
Sintomas ng pagbubuntis
- Puwedeng mabawasan na ang sintomas ng iyong morning sickness.
- Makakaranas ka pa rin ng pananakit ng ulo o migraine, mood swings, at matinding pagod. Ngunit pagpasok na ng second trimester ay makakaranas ka na ng ginhawa, dahil mababawasan na ang mga sintomas na ito!
- Mapapansin mong lumalaki at sumisikip ang iyong dibdib, at nangingitim ang iyong areola. Normal lang ito, at ito ay ang iyong katawan na naghahanda para sa iyong sanggol.
Pag-aalaga sa sarili
- Bagama’t mahalaga ang physical exercise para sa kalusugan mo at ng iyong sanggol, siguraduhing huwag sosobra sa mabibigat na gawain. Mabuting magpakonsulta sa iyong doktor upang malaman kung ano ang safe at hindi safe na gawin sa panahong ito.
- Sa linggong ito ay madalas na nakakaranas ng hindi magandang sintomas ang mga nagbubuntis. Kaya’t mahalaga ang self-care upang maalagaan mo ang iyong sarili at hindi ka malungkot o madepress sa iyong pagbubuntis.
- Mabuting umiwas muna sa mga chemicals at ilang cosmetic procedures dahil posible itong makasama sa anak mo.
Ang iyong checklist
- Sa panahong ito madalas ginagawa ang OSCAR test(One-Stop Clinic for Assessment of Risk for Fetal Anomalies). Sinusuri nito ang posibilidad na magkaroon ng down syndrome o iba pang mga fetal anomaly ang iyong sanggol. Mabuting gawin ito ng maaga upang malaman mo agad kung mayroon bang potensyal na magkaroon ng fetal anomaly ang iyong sanggol.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Basahin: Bawat linggo ng iyong pagbubuntis: Ikaw at si baby sa ika-10 linggo