Gaano na kalaki ang iyong sanggol?
Ang development ng iyong sanggol
Dito sa aming guide sa pagbubuntis, matututunan mo ang mga sumusunod:
- Napakabilis ng development ng utak ng iyong sanggol: halos 250,000 na neurons o brain cells nag nabubuo kada minuto!
- Lahat ng kaniyang organs ay buo na, at nagsisimula nang gumana.
- Naghihiwalay na ang kaniyang mga daliri sa kamay at paa, at tumutubo na rin ang kaniyang mga kuko.
- Nagsisimula na ring tumigas ang kaniyang mga buto buto.
- Tumutubo na ang mga buds para sa kaniyang ngipin.
- Kung lalaki ang iyong sanggol, nagsisimula nang gumawa ng testosterone ang kaniyang katawan.
Sintomas ng pagbubuntis
- Kung nakakaranas ka ng morning sickness, malaki ang posibilidad na hindi pa rin ito nawawala.
- Madalas kang nagkakaroon ng kabag, at minsan, kahit nakakahiya, ay baka mapadighay o mapa-utot ka.
Pag-aalaga sa sarili
- Para makaiwas sa pagkahilo at pagsusuka dahil sa morning sickness, sumubok ng iba’t-ibang pagkain. Nakakatulong sa ibang mga ina ang pagkain ng crackers at hindi gaanong malasang mga pagkain. Nakakatulong rin daw ang pag-inom ng vitamin B6 at B12 upang labanan ang pagkahilo.
- Umiwas muna sa mga sushi, sashimi, o kaya mga pagkain na hilaw. Ito ay dahil hindi mabuti sa mga buntis ang magkaroon ng food poisoning, dahil maaapektuhan nito ang iyong sanggol.
- Kung may nakikita kang spotting, o kaya discharge, magpunta kaagad sa iyong gynecologist. Ito ay dahil pinakamataas ang posibilidad ng miscarriage sa unang trimester ng pagbubuntis.
- Umiwas sa pagbubuhat ng mga mabibigat. Ito ay dahil posibleng makadagdag ito sa panganib ng miscarriage.
Ang iyong checklist
- Kumain ng pagkain na mataas sa folate, vitamins, at calcium, tulad ng spinach, prutas, at dairy products.
- Maglakad-lakad upang ma-exercise ang iyong katawan at makalanghap ng sariwang hangin. Mahalaga ang iyong kalusugan sa panahong ito, kaya’t mabuting gumawa ng light exercise para mapanatili ang lakas ng iyong katawan.
- Nakakatulong din ang prenatal massage upang ikaw ay marelax at mawala ang mga sakit ng katawan na iyong nararamdaman.
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
Basahin: Bawat linggo ng iyong pagbubuntis: Ikaw at si baby sa ika-9 linggo