Gaano na kalaki ang iyong sanggol?
Ang development ng iyong sanggol
Dito sa aming guide sa pagbubuntis, matututunan mo ang mga sumusunod:
- Hindi na embryo ang iyong sanggol, ngunit isa na siyang fetus.
- Mas nakikita na ang kaniyang mga facial features. Mas mukha na siyang tao, kumpara sa dati niyang hitsura na parang tadpole. Mas kapansin-pasin din ang kaniyang ulo at leeg, at nakikita na siya sa mga ultrasound.
- Naririnig na ng malinaw ang tibok ng kaniyang puso sa ultrasound. Nahati na rin sa 4 na chamber ang kaniyang puso, at nagsisimula nang mabuo ang mga valves.
- Nabubuo na ang spleen at liver ni baby.
- Nagsisimula na ring mabuo ang kaniyang hair follicles at nipples.
- Wala na ang kaniyang “buntot” malapit sa spinal cord.
- Makikita na sa ultrasound na gumagalaw ang iyong baby. Pero hindi mo pa mararamdaman ang paglikot niya sa iyong tiyan.
Sintomas ng pagbubuntis
- Buong araw mong mararanasan ang “morning sickness”. Ngunit may ibang mga ina na hindi talaga nagkakaroon ng kahit anong uri ng nausea.
- Magkakaroon ka ng matinding pagod, pananakit ng katawan, nahihirapang mag-focus, at kawalan ng ganang kumain. Posible ka ring magkaroon ng weight loss, dahil sa napakaraming pagbabagong nangyayari sa iyong katawan.
- Mapapadalas lalo ang pagkakaroon mo ng mga mood swings.
Pag-aalaga sa sarili
- Papainumin ka ng iyong gynecologist ng mga prenatal vitamins tulad ng folate at iba pang multivitamins para maging malusog ang iyong katawan at hindi ka kulangin sa nutrisyon. Mas mainam rin na sa halip na kumain ng marami tatlong beses sa isang araw, kumain ng maraming beses, pero bawasan ang dami ng iyong kinakain. Ito ay para hindi ka masyadong mabusog at para maging mas malusog rin ang iyong pangangatawan.
- Kapag ikaw ay nakakaranas ng morning sickness, mabuting uminom ng maraming tubig upang hindi ka maging dehydrated.
Ang iyong checklist
- Posible kang makaranas ng bloating sa iyong tiyan. Mabuting magsuot ng maluluwag na damit upang maging mas komportable habang lumalaki ang iyong sanggol.
- Kung ikaw ay nagtatrabaho, magplano ka na para sa iyong maternity leave. Alamin kung ano ang inyong company policy para habang maaga pa lang ay mapaghandaan mo na ito.
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
Basahin: Bawat linggo ng iyong pagbubuntis: Ikaw at si baby sa ika-8 linggo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!