Gaano na kalaki ang iyong sanggol?
Ang development ng iyong sanggol
Dito sa aming guide sa pagbubuntis matututunan mo ang mga sumusunod:
- Kahit hindi mo pa nararamdaman ang paggalaw ni baby, active na siya sa loob ng iyong tiyan. Marami na siyang nagagawa, at isa na dito ang paggalaw ng kaniyang mga kamay.
- Mas napapansin na din ang facial features ni baby, at kita na ang kaniyang tenga, mga labi, at ang dulo ng kaniyang ilong.
- Hindi na gaanong webbed ang mga daliri ni baby sa kamay at sa paa.
- Nagdedevelop na rin ang tastebuds ni baby.
- Nagsisimula na ring mawala ang “buntot” ni baby.
Sintomas ng pagbubuntis
- Dahil sa hormones sa iyong katawan, mas tumalas ang iyong pang-amoy. Kaya posibleng hindi mo magustuhan ang masyadong matatapang na mga amoy.
- Sa panahong ito, nagsisimula nang lumaki ang iyong dibdib! Mas lumalaki ang iyong dibdib, dahil nagdedevelop na ang iyong mammary glands upang maghanda sa paggawa ng gatas.
- Minsan ay nakakaramdam ka pa rin ng pagod at pagkahilo o pagsusuka.
- Nagsisimula na ang mga pregnancy cramps. Ito ay dahil nagsisimula nang ma-stretch o mabatak ang mga ligaments sa iyong tiyan.
- Posibleng magkaron ka ng pananakit ng tiyan tulad ng indigestion, heartburn, constipation, at bloating. Normal lang ito, at hindi dapat gaano mag-alala. Pero kung hindi ka komportable sa mga sintomas na ito, huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa iyong doktor.
- Ang isa pang pagbabago ay dumarami ang dugo sa iyong katawan. Kapag dulo ng iyong pagbubuntis, posibleng magkaroon ka ng dagdag na 1 1/2 litre ng dugo sa iyong katawan.
Pag-aalaga habang nagbubuntis
- Kahit hindi ka palaging ginagahanang kumain, mahalaga pa rin ang pagkain ng healthy food. Dahil sa bilis ng paglaki ni baby, mahalagang makuha mo lahat ng nutrisyon mula sa iyong pagkain.
- Isa sa mga dapat tandaan sa aming guide sa pagbubuntis ay ang pag-inom ng sapat na calcium. Mahalaga rin na makakuha ka ng sapat na vitamin D mula sa iyong pagkain.
Ang iyong pregnancy checklist
- Mabuting maghanap ka na ng tagapag-alaga ni baby habang maaga, dahil hindi madaling maghanap ng yaya ni baby.
- Huwag masyadong magpakastress, at umiwas sa nakakapagod na exercise.
- Magsimula nang magplano ng mga bagay habang maaga upang magkaroon ka ng panahon para sa iyong sarili.
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!