David Semerad sa wedding nila ni Gwen Zamora sa pangalawang pagkakataon: “The best Wedding of the year!”

Gwen at David makikitang inlove na inlove parin sa isa’t-isa at tila hiyang na hiyang sa buhay mag-asawa at sa kanilang pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tingnan dito ang mga larawan sa ginanap na Gwen Zamora and David Semerad wedding sa Batangas.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Gwen Zamora and David Semerad second wedding.
  • Love story ni Gwen Zamora at David Semerad.

Gwen Zamora and David Semerad second wedding

Larawan mula sa Instagram account ng Nice Print Photography

Aktres na si Gwen Zamora at basketball player na si David Semerad ikinasal sa pangalawang pagkakataon. Ang kanilang kasal sa ngayon ay ginanap naman dito sa Pilipinas. Ito ay sa lugar kung saan namamalagi ang mag-asawa sa ngayon kasama ang anak nilang si Cooper, sa Batangas.

Makikitang nagniningning pa rin ang mga mata nina Gwen at David matapos ang una nilang pagpapakasal sa France noong 2021 sa isang civil wedding ceremony.

Ang kanilang naging kasal noon ay very intimate na kung saan dinaluhan lang ng kanilang mahal sa buhay particular na ang pamilya ni Gwen.

Walang kahit anong announcements, ginulat nalang nila Gwen at David ang publiko ng mag-post sila ng kanilang kasal noon sa kani-kanilang social media accounts.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang una nilang kasal ay ginanap matapos ang two years nilang engagement at halos dalawang taon rin matapos maipanganak ni Gwen ang baby boy nila ni David na si Cooper.

Ngayon naman ay ginulat muli ni Gwen at David ang kanilang fans at followers sa pagpapakasal nila for the second time around. Lalo pa’t hanggang sa ngayon ay makikita pa rin ang ningning sa mata ng dalawa at tila mas lumalalim pa nilang pagmamahal sa isa’t-isa. Ang kanilang kasal sa ngayon ay ginanap naman sa isang chapel sa Batangas na sinundan ng reception sa farm na pinagmamay-ari ng mag-asawa.

Reaksyon nina David at Gwen sa kanilang pagpapakasal sa pangalawang pagkakataon

Larawan mula sa Instagram account ng Nice Print Photography

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa Instagram ay nag-share si David ng mga larawan sa naganap nilang kasal. Isinalarawan rin ng basketbolista ang nararamdaman niya sa muling pagpapakasal sa misis at aktres na si Gwen Zamora. Nagpasalamat rin siya sa mga taong dumalo at naging bahagi ng church wedding nila ni Gwen.

“The best Wedding of the year! 12/12/2022 at the @semeradfarm

I would like to thank everyone that attended and to all those people who made it possible! Our hearts are
@gwenzamora super full. Full of love and happiness ❤. THANK YOU ❤❤❤.”

Si Gwen naman may post rin sa Instagram tungkol sa naging kasal nila ni David. Bagama't pag-amin niya ay hindi niya talaga nahawakan ang cellphone niya sa mga nagdaang araw bago ang kanilang kasal dahil sa labis na ka-busyhan. At nais niya syempreng namnamin ang mahalagang moment na ito sa buhay nila ng mister na si David. Pinasalamatan niya rin ang mga taong nagpunta at naging witness sa pagpapakasal nila ni David sa pangalawang pagkakataon.

“Oh what a week!!! My heart is full and my brain extremely full from all the happy memories. Honestly, I wasn’t on my phone much because I wanted to be in the moment and absorb all the love around me. Thank you so much to all our wonderful friends who took time out of their busy schedules to celebrate Love with @djsemerad & I!!! We love you as Big as the Sky!  #DavidnGwen2022.”

Ito ang sabi pa ni Gwen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, nangunguna sa special guest siyempre ng mag-asawang sina Gwen Zamora at David Semerad ay ang another Semerad couple na si Sam Pinto at Anthony Semerad. Si Anthony ay ang twin brother ni David na mister ng sexy actress at malapit na kaibigan ni Gwen na si Sam Pinto.

Larawan mula sa Instagram account ni Sam Pinto

Si Anthony ang tumayong best man sa kasal nina David at Gwen. Habang ang cute little girl nila ni Sam ang flower girl. Si Sam nag-share ng sweet moments ng kasal nina David at Gwen. At syempre pati na rin ang flower girl duties ng kaniyang anak na si Mia na kung saan makikitang very supportive at stage mother material si Sam sa anak.

Larawan mula sa Instagram account ni Sam Pinto

Ang kasal nila Gwen at David ay naganap nitong December 12, 2022 sa Chapel on the Hill sa Batangas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Love story ni Gwen Zamora at David Semerad

Sa isang IG post noon ay ibinahagi ni Gwen kung paano nagsimula ang love story nila ni David. Ayon sa aktres ay kapitbahay niya sina David sa Australia. At alam niyang ang love story nila ay tinadhana ng mangyari. Pagsasalarawan niya nga sa mister na si David ito ay isang blessing sa buhay niya.

“Throwback Thursday to our first abroad trip together. Time and the stars truly did align for us @djsemerad. Who knew I'd find a half Filipino/European born in Melbourne just like me 3 blocks away. Hehehe I am truly blessed to have you in my life. I can't wait for our little bundle of joy to arrive. #DavidAndGwenStory”

Ito ang sabi ni Gwen noon sa isang IG post noong 2019.

Ang anak nila Gwen at David na si Cooper ay 3 years old na ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement