Batang babae, nahimatay habang inaayusan ng buhok dahil sa kondisyong ito

Alamin ang kwento ni Gracie Brown, isang 10 taong gulang na babae mula Tennessee na biglang hinimatay habang inaayusan ng buhok ng kanyang ate.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang babae mula sa Tennessee ang tumatawag ng pansin para sa kondisyong kinikilalang hair grooming syncope. Isa itong disorder kung saan maaaring himatayin ang pasyente kapag inaayusan ng buhok na nagsusuklay man lang.

Gracie Brown

Si Alicia Renee Philips ay tumatawag ng pansin sa kondisyong hair grooming syncope sa kanyang post na nag-viral na ngayon. Ayon sa nasabing post, ang simpleng pag-aayos niya sa buhok ng kanyang kapatid ay nagdulot ng pagsugod sa ospital. Sa kanyang kuwento, naisipan niyang ayusan ng buhok ang 10 taong gulang na kapatid na si Gracie Brown linggo ng umaga, July 7. Ginawa nila ito bago magpunta ng simbahan.

Sa gitna ng pag-aayos ng buhok ng kapatid, pumikit si Gracie at sumandal paharap. Dahil likas na pala-biro si Gracie, inakala ni Alicia na nagbibiro lang ito. Nang ulitin ito ni Gracie na may kasamang mga tunog na tila ay masusuka siya, dito na nag-alala si Alicia.

Tinawagan niya agad ang kanilang nanay na si Lisa Brown upang ipaalam ang nangyayari sa kapatid. Ayon pa kay Alicia, normal ang temperatura ng kanyang kapatid ngunit bigla itong hinimatay.

Ilang minuto ang nakalipas na pinipilit siyang gisingin ng asawa ni Alicia, dumilat si Gracie at muli nang nakaka-usap.

Dinala nila si Gracie sa East Tennessee Children’s Hospital kung saan ilang tests ang isinagawa sa bata. Kasama dito ang pagkuha ng blood pressure, electrocardiogram (EKG) at sensory exam. Lahat ng resulta ay lumabas na normal. Maya-maya ay nagbigay na ng diagnosis ang duktor sa ER, hair grooming syncope.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hair grooming syncope

Ang hair grooming syncope ay isang uri ng disorder ng pagkahimatay na nauugnay sa pagsusuklay ng buhok. Karaniwan itong nakikita sa mga batang may edad 5 hanggang 16 taong gulang.

Kadalasan, ang sintomas nito ay nakikita habang nagsusuklay, nag-aayos, ginugupitan, nagkukulot o nagblo-blow dry ng buhok. Ang sintomas nito na pagkawala ng malay ay kadalasang sinusundan ng mga kombulsyon. Ang migraine, sakit sa tiyan, o paglabo ng paningin ay maaari ring maranasan bago o pagkatapos ng seizures.

Ayon sa isang pag-aaral nuong 2009 na isinagawa ng University of Nevada sa 1,525 na kaso ng pagkahimatay. Mula sa 1,525 na kasa na ito, 111 ang na-trigger ng pag-aayos ng buhok at 78% sa mga ito ay puro babae. Kadalasan, ang mga babae ay hinihimatay habang nagsusuklay at ang mga lalaki naman ay habang ginugupitan ng buhok.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kabutihang palad, kinikilala ang kondisyon na ito na walang masamang ibig sabihin sa pasyente. Kadalasan din ay kinalalakihan lang ito ng mga bata.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: WSMV, Good Morning America

Basahin: Bata, namaga ang utak at nag kombulsyon dahil sa kagat ng lamok

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement