Excited na ba ang kids na mag trick-or-treat ngayong Halloween? Nagkalat ang iba’t ibang Halloween events ngayong huling linggo ng Oktubre. Alamin dito kung saan mayroong Halloween events for kids 2023 na maaaring puntahan ng inyong pamilya.
Halloween events for kids 2023 na maaari niyong daluhan
Mamaw Run: A Halloween Costume Event Fun Run
Kung naghahanap kayo ng something new this year, saktong-sakto sa inyo ang kakaibang Halloween event na Mamaw Run. Hindi lang pang kids, puwede mong dalahin ang buong pamilya. Fun run event ito kung saan maaaring makitakbo ang pamilya habang nakasuot ng Halloween costume. Nagkakahalaga ng P1,350 per pax ang registration fee sa nasabing event. Inclusive of race bib, race shirt, finisher medal, activity booths, live music, at trick or treat na ito.
Gaganapin ang Mamaw Run sa Pacific Rim, Filinvest Alabang, Muntinlupa sa October 28, 2023 sa ganap na alas kwatro ng hapon. Para sa iba pang detalye maaaring bisitahin ang Pinoy Fitness page.
Halloween events for kids: Spookfest 2023
Isang araw na puno ng exciting activities naman ang hatid ng Spookfest 2023 ng City of Dreams Manila’s DreamPlay. Sa halagang P2,999 mayroon nang all-day pass, word hunt with prizes, free string bag, pumpkin cookies, at trick or treat session.
Gaganapin ang trick or treat session sa The Shops at the Boulevard kung saan tampok ang mga Spookfest characters. Bukod sa mga nabanggit, sa nasabing halaga ay mayroon na ring DIY Halloween paper mask ang iyong chikiting at magkakaroon din ito ng entry upang sumali sa Spookfest runway. Ang mananalo sa runway costume contest ay mananalo ng overnight stay sa Hyatt Regency Manila na may complimentary breakfast for 2.
Gaganapin ang Spookfest 2023 sa City of Dreams Manila – Luxury Resort & Casino, Aseana Avenue, Tambo, Paranaque City sa November 1, 2023. Para sa iba pang impormasyon maaaring bisitahin ang City of Dream’s website.
Halloween events for kids: Pumpkin Carnival
Mayroong 10-day Pumpkin Carnival na gaganapin sa SM Aura. Sa nasabing event tampok ang Halloween-colored ball pit at pumpkin-coloring activity. Mayroon ding mga stalls kung saan maaaring bumili ng toys at sweets. Maaaring makiisa sa Pumpkin Carnival ang sino mang mallgoers, magpakita lamang ng single or accumulated receipt worth at least P500 mula sa SM Aura establishments.
Gaganapin ang Pumpkin Carnival sa Level 3 Atrium ng SM Aura, 26th Street, Corner Mckinley Parkway, Taguig City. Magsisimula ito ng October 25 hanggang sa November 3, 2023.
Halloween Space Adventure
Kakaibang adventure naman ang hatid ng The Podium. Kung mahilig sa anything about space and galaxies ang iyong anak, tiyak na matutuwa siya sa Halloween Space Adventure. Sa nasabing event, puwedeng i-explore ng iyong anak ang treats station, at mag-travel patungo sa arts and crafts section, at ang pinaka-exciting? Ang special outer space show na gaganapin ng alas-2 at alas kwatro ng hapon.
Maaaring makiisa sa nasabing Halloween event sa pamamagitan lamang ng pagpapakita ng single receipt na nagkakahalaga ng P6,000 ng ano mang binili sa The Podium mula October 13 hanggang 29.
Gaganapin ang Halloween Space Adventure sa October 29, 2023 sa The Podium, 12 ADB Ave, Ortigas Center, Mandaluyong City.
Tricks and Musical Treats: A PPO Family Concert
Kung music lover naman ang iyong anak, siguradong mag-eenjoy siya sa Tricks and Musical Treats ng Cultural Center of the Philippines. Ang nasabing event ay annual o taunang isinasagawa sa Cultural Center of the Philippines upang pag-ugnayin ang parents at ang kanilang kids sa pamamagitan ng iba’t ibang activities.
Ang event na ito ay mayroong pre-concert activities kung saan puwedeng mag-try ng musical instruments ang mga bata o kahit na ang parents. Mayroon ding petting zoo at syempre hindi mawawala ang trick or treat. Inaanyayahan naman ang mga dadalo sa nasabing event na suotin ang kanilang best cowboy costume dahil mayroong tatanghaling Cest in Costume sa naturang event.
Gaganapin ang Tricks and Musical Treats sa Performing Arts Theater ng Cultural Center of the Philippines, Roxas Boulevard, Pasay City sa October 29, 2023, ng alas-4 ng hapon. Sa halagang P515 na ticket maaari nang ma-enjoy ang nasabing event.
Halloween Skele-bration
Gaganapin ang Halloween Skele-bration sa Activity Center ng Alabang Town Center, Muntinlupa City. Sa October 31 ang Trick or Treat activity. Habang ang Skelebration Crafts and Treats naman ay sa October 29 hanggang November 1, 2023.
Para makasali ang iyong anak sa mga activities, kailangan mo lang magpakita ng single o accumulated receipt. Na nagkakahalaga ng P2,000 o higit pa ng iyong pinamili sa Alabang Town Center establishment. Magkakaroon ng anim na one-hour slots kada araw, simula alas-dose ng hapon.
Anong meron sa Halloween Skelebration? Bawat pass ay magbibigay sa bata ng pagkakataon na ma-enjoy ang iba’t ibang activities. Tulad ng lootbag at Calavera Decorating Art Activity.
Maaaring bisitahin ang social media page ng Alabang Town Center para sa iba pang detalye.