Nagpaplanong Magkaroon Ng Halloween Party? 6 Must-Haves Na Mabibili Mo Online

Nagpaplano para sa isang party this halloween? Narito ang ilan sa mga halloween party must-haves na mabibili mo online!

Isa sa inaabangang season ng mga bata man o matatanda ay ang Halloween. Sunud-sunod na horror films, kaliwa't kanang trick or treat at syempre hindi rin mawawala ang halloween party!

Kung may planong magdaos ng halloween party sa bahay, school o di kaya ay sa office, para sa iyo ang artikulong ito! Alamin ang mga halloween party must-haves para sa mas masaya at exciting na pagdiriwang!

Halloween Party Must-Haves

Decorations

Mas madarama nga naman ang halloween vibes kung may mga scary decorations na ilalagay sa venue ng party. Maraming available na halloween decors sa market kaya naman napakadali na lang din bumili nito. Ilan sa mga ito ay ang:

Glowing Hanging Ghost LED Light

Halloween Party Must-Haves: Decorations, Foods & Costumes | Ghost LED Light

Ang ghost lantern na ito ay gawa sa polyester taffeta material at may lighting mode na always on, flashing at fast flashing. At dahil sa mga lighting mode nito, mas nagiging kaaliw-aliw ang decor na ito. Battery operated ang ghost LED light na ito kaya naman mas mapapadali ang iyong pagdedecorate at puwedeng ilagay kahit saang puwesto.

Halloween Lights String

Halloween Party Must-Haves: Decorations, Foods & Costumes | Light Strings

Maganda ring gumamit ng mga light strings sa pagdedekorasyon. Mahaba ito at kayang sumakop ng malaking space ng dingding o kisame kaya naman mas makakatipid ka at di na kailangan bumili ng maraming dekorasyon. Available ito sa iba't ibang designs gaya ng pumpkin, ghost, skull, eyeball at magic cat. At gaya ng ghost lamp, battery operated din ito.

Foods

Hindi makukumpleto ang masayang halloween party kung wala ang mga sweet treats. May mga halloween themed candies na mabibili na magandang ipamigay pang trick or treat o di kaya ay gawing paghimagas sa party. At syempre, hindi rin mawawala ang chocolates.

Chupa Chups Halloween Scary Mix

Halloween Party Must-Haves: Decorations, Foods & Costumes | Chupa Chups

Limited edition lamang ang Chupa Chups Halloween Scary Mix. Ito ay naglalaman ng iba't ibang flavored halloween gummies na tiyak magugustuhan ng mga bata at maging ng adults.

Mars Mix Mini Assorted Chocolates

Halloween Party Must-Haves: Decorations, Foods & Costumes | Mars Chocolates

Kung nais mo rin maglagay ng chocolate sa iyong dessert table na maaari na ring gamiting pang trick or treat, best pick ang Mars Mix Mini Assorted Chocolates. Ang isang pack ay naglalaman ng 50 pieces all time favorite chocolates ng mga bata at matatanda. Kasama riyan ang Snickers. Milky Way, Twix and 3 Musketeers.

Costumes

Isa sa mga simpleng costumes na magagamit sa halloween party ay ang head costume. Maaaring ito ay headband o di kaya ay hat.

Halloween Pumpkin Headband

Halloween Party Must-Haves: Decorations, Foods & Costumes | Headband

Simple ngunit nakakapagbigay pa rin ng halloween vibes ang headband na ito. May disenyo kasi ito na pumpkin na madalas ginagamit pangdecorate tuwing halloween. Komportable rin ito gamitin dahil ito ay malambot kaya naman di masakit sa ulo kapag suot ng matagal.

Halloween Witch Hat

Halloween Party Must-Haves: Decorations, Foods & Costumes | Witch hat

Isa pa sa magandang addition sa iyong halloween outfit ay ang witch hat. Gawa ito sa soft at breathable fabric kaya naman hindi mainit isuot. Bukod diyan ay napakaraming designs at kulay nito na maaari mong pagpilian. Unisex ito at swak ang sukat sa ulo ng isang adult.

Price Summary

Brand Price
Glowing Hanging Ghost LED Light Php 93.00 - Php 100.00
Halloween Lights String Php 127.00
Chupa Chups Halloween Scary Mix Php 84.00
Mars Mix  Mini Assorted Chocolates Php 499.00
Halloween Pumpkin Headband Php 81.00
Halloween Witch Hat Php 137.00 - Php 195.00

Sinulat ni

Teresa Alcantara