REAL STORIES: "Ang aming superhero Dada! Mabait, mapagmahal at maalaga"

Bilang pagbati ng Happy Fathers Day sa ating mga tatay, narito ang isang espesyal na kwento tungkol sa malalim na pag-ibig ng isang ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa bawat pagbuo ng pamilya, hindi maiiwasan ang mga pagsubok at sakripisyo. Subalit, ang bawat hakbang ay nagiging mas magaan at makulay dahil sa pagmamahal at suporta ng isang natatanging tao—ang ama na kilala rin ng mga Pilipino bilang haligi ng tahanan. Sa espesyal na artikulong ito para sa Father’s Day, bibigyang-pugay natin ang isang kahanga-hangang ama na patuloy na nagsusumikap at nagmamahal nang walang kapantay. Alamin natin ang kwento ng isang pamilya na pinalad magkaroon ng isang tunay na superhero sa katauhan ng kanilang “dada” na si David Joseph Padilla. Happy Fathers Day!

Happy Fathers Day: Baka dada DJ ‘to!

Hindi naging madali ang buhay simula nang humakbang kami sa mundo ng pagbuo ng pamilya. Napakaraming struggles at ups and downs. Pero masaya ako dahil kasama ko ang asawa ko sa pagsakay sa mala-roller coaster ride na buhay na ito.

Year 2021 nang magkaroon kami ng magandang supling. Dahil we both struggle financially back then, nagpursige ang asawa ko na siya muna ang mag-trabaho para masigurong secure kaming dalawa ni baby at makapag-focus ako sa pag-aalaga once na manganak ako. Sobrang grateful ko sa asawa ko kasi pagkatapos ng shift niya sa work dahil night shift siya, at gusto niya na magkaroon ako nang maayos na tulog from night mom duties, siya ang naghuhugas ng bote at nagpapa-araw sa anak namin. Madalas pa ay bumibili na siya ng almusal namin para di na ako magluluto pa.

He always makes sure na may maayos kaming pahingang mag-ina kaya nagpursige siyang magpakabit ng aircon. Nakakatuwa na kahit siya lang ang may work samin, nagagawa niya pa rin na mapunan ang needs at wants naming mag-ina. Siya rin ang humahawak pagdating sa pagbabudget ng pera, at laging humahanap ng oras na makapag-date kami. Madalas pa nga ay napapatanong ako kung kaya pa ba ng budget pero lagi niyang sasabihin, “baka DJ ‘to”. Siya rin ang abala sa paglilinis ng bahay at mayroon din siyang pagkukusa. Bago siya matulog o bago pumasok sa trabaho, sinasamsam na rin niya ang mga sinampay at tinutupi na kahit di banggitin. Tuwing lalabas din kami ay lagi niyang sinisigurong may mabibili ako para sa sarili ko at di baleng wala siya.

Multitalented si Dada!

Proud din ako sa editing skills, pagiging computer techy, drummer, at pagiging good servant sa Lord ng asawa ko. Bilang leader siya ng production sa aming church, kahit wala pang tulog, he makes sure na makaka-attend siya para makapag-serve sa Lord through his skills and talents.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahit na sa mga panahong nagsa-struggle ako sa work at sa pagiging mentally unstable, he assures na nasa tabi ko siya to tell the blue and orange girl to stop pressing the buttons, and let the yellow girl take over instead. Palagi rin siyang naka-suporta sa ikasasaya ko at ng mga taong nasa paligid niya.

Kahit normal man sa paningin ng iba, pero para sakin, unique at unconditional ang pagmamahal na ibinibigay ng asawa ko sa amin. Totoo ngang some superheroes don’t wear capes; they are just called “dad”. Sabi nga sa kantang Superheroes ng The Script, “You’ve been struggling to make things right. That’s how a superhero learns to fly”.

Thank you for being our superhero, dada! Happy Fathers Day!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang kwentong ito ni mommy Joyce Padilla tungkol sa kaniyang mister ay isang patunay ng walang kapantay na sakripisyo at pagmamahal ng isang ama para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng mga hamon at pagsubok, ang ating bida ay patuloy na nagbibigay ng kanyang buong puso at lakas upang mapanatiling masaya at ligtas ang kanyang mag-ina.

Sa pagdiriwang ng Happy Fathers Day, nawa’y maipadama natin sa lahat ng ama ang ating taos-pusong pasasalamat at pagpapahalaga. Sa aming superhero, maraming salamat, Dada! Ang inyong pagmamahal at dedikasyon ay inspirasyon sa amin at sa lahat ng nakakabasa ng inyong kwento.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

As told by Joyce Padilla

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement