Actress Hasna Cabral tinangkang lasunin ang mga anak: “Kailangan mawala muna 'yong mga anak ko. Hindi ko sila puwedeng iwan.”

Hasna, hindi inakalang siya ay isang supermom at inspirasyon sa iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ex-PBB housemate na si Hasna Cabral, nag-kuwento kung paano niya tinangkang lasunin ang mga anak at saka mag-suicide.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Ang kuwento ng buhay ni Hasna Cabral.
  • Paano tinangka ni Hasna Cabral na lasunin ang mga anak at saka magpakamatay.

Ang kuwento ng buhay ni Hasna Cabral

Image from Hasna Cabral’s Facebook account

Lahat ng kuwento ng tagumpay ay nagmumula sa kuwento ng hirap, sakit at kalungkutan. Ganito rin ang naging takbo ng istorya ng buhay ng aktres at dating PBB housemate na si Hasna Cabral.

Si Hasna tinaguriang “supermom” sa bahay ni Kuya ay talaga nga namang may nakakainspired na kuwento. Dahil si Hasna tatlong beses nag-asawa at mayroong dalawang anak na parehong may autism o special needs.

Kuwento ni Hasna sa isang panayam sa kaniya ng TV host na si Toni Gonzaga sa YouTube channel nito, 20-anyos si Hasna ng mabuntis sa panganay niyang si Bash.

Ipinanganak niya ito ilang buwan matapos siyang grumaduate sa kolehiyo. Ang ama ng panganay niyang anak ay kaniyang college boyfriend. At dahil sa pareho pa silang bata noon ay hindi nag-work ang kanilang relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Siguro nakakapikon talaga ‘yong postpartum. Hindi niya naiintindihan and ako din so nag-aaway talaga kami hanggang sa na-ospital na ako kasi dinugo na ako sa stress.”

Ito ang kuwento ni Hasna tungkol sa naunang nakarelasyon na iniwan niya isang linggo pa lang ng matapos siyang makapanganak.

Lumipas ang panahon, at nakakilala muli ng panibagong lalaki si Hasna. Siya ay 24-anyos na noon at nabuntis na sa pangalawa niyang anak na si Baste.

Si Hasna may dalawang anak na parehong may autism

Hasna kasama ang panganay niyang si Bash/ Image from Hasna Cabral’s Facebook account

Habang ipinagbubuntis ang pangalawang anak ay doon niya nalaman na may special needs ang panganay niyang anak na si Bash. Ito ay nalaman pa ni Hasna sa pamamagitan ng kaklase ng anak. Lumapit sa kaniya ang kaklase ng anak at ito ang mga sinabi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ate, bakit ganyan yung anak mo, ang bobo. Gumanun siya sa akin. So siyempre ako parang “How dare you!” Nasaktan ako. Tapos tumingi lang sa ‘kin si Bash. Walang effect sa kaniya ‘yong sinabihan siya ng bobo.”

Ito raw ang naging turning point ni Hasna para maisip na maaring special nga ang anak at ipatingin na sa doktor.

“‘Yon ‘yong turning point ko talaga. Ay sabi ko hindi talaga sila magka-level ng utak. Kailangan ko talaga humingi ng tulong.”

“Special daw sabi ng doktor may autism. Ako naman denial ako. Sabi ko hindi, hindi ‘yan special wala lang kausap iyan. Nagdedeny ka kasi muna dahil hindi mo matatanggap.”

Ito ang kuwento ni Hasna na agad niyang sinundan ng mga aksyon para maipagamot ang anak at umayos ang kondisyon nito.

“Hindi na ko nagkaroon ng time na mag-iiyak pa. So sabi ko focus nalang ako sa goal ko na I have to be their strength. I have to work hard para mabigay ko ‘yon, ‘yong mga therapy.”

Ang strength na ito ni Hasna ay nasubok pa ng malaman niyang pati ang pangalawa niyang anak na si Baste ay special din. Dahil sa edad nitong tatlo ay hindi pa ito nakakapagsalita. Mas malala umano sa naging sintomas ng panganay niya na nakakapagsalita bagamat delayed o slow lamang.

Hasna nagmaakawa sa mister para hindi sila iwan ng mga anak niya

Hindi nagpatinag si Hasna at inalagaan ang mga anak. Binigay nito ang mga treatments na kailangan ng mga ito para mag-improve ang kanilang kondisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hanggang sa dumating ang pangatlong lalaki na akala niya ay ang taong matagal niya ng pinapangarap. Pinakasalan siya nito at sinabing aalagaan sila ng mga anak niya. Sobrang saya ni Hasna ng maikasal pero ito pala ay panandalian lang.

“10 months after naming kinasal nagpapaalam na siya. Tapos on my birthday sabi niya hindi na daw niya kaya. Hindi niya na kaya kaming pamilya.

Kasi sabi niya hindi daw niya talaga kami mahal pala. Yung realization niya after naming ikasal is awa lang pala yung naramdaman niya samin.”

“That time tingin ko sa sarili ko basura, kami ng mga anak ko. Ang tanong ko nga noon, bakit ba hindi naman ako masamang babae.”

Kuwento pa ni Hasna, ay nagmakaawa siya sa mister para hindi sila iwan ng mga anak niya. Pero iniwan parin sila ng mga ito sa mismong araw ng birthday niya.

“Nagmamakaawa talaga ako. Nakahawak ako sa binti, ‘Huwag mo akong iwan. Huwag mo kaming iwan ng mga anak ko.

Parang awa mo na.’ Bumaba ako ng ganoon kababa, nagmakaawa ako. Napahawak ako sa binti ng lalaki. Kasi wala na akong kuwenta, basura na ako.”

Ito ang umiiyak na kuwento ni Hasna na sinundan ng pagbabahagi niya kung paano niya inisip na lasunin ang mga anak at wakasan ang sarili niyang buhay.

BASAHIN:

All you need to know about postpartum check up

Signs and symptoms of postpartum anxiety and ways to deal with it

“Kylie Padilla sinagot ang tanong kung kailan nag-iba ang feelings niya para sa ex na si Aljur Abrenica”

Hasna naisip na lasunin ang mga anak at saka magpakamatay

Hasna kasama ang pangalawang anak na si Baste/ Image from Hasna Cabral’s Facebook account

Si Hasna naisip na haluan ng insecticide ang nilulutong breakfast ng mga anak. Para raw mauna ang mga itong mawala, bago siya mag-suicide at sumunod sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kailangan mawala muna ‘yong mga anak ko. Hindi ko sila puwedeng iwan sa nanay ko, sa mga kapatid ko dahil hindi nila kaya. Kasi ako nga nanay hindi ko kaya.”

“So kailangan mawala kami as a family. Kailangan muna mamatay sila then after nila ako naman.”

“Hindi ko kayang patayin ‘yong mga anak ko. ‘Yon ‘yong least na magagawa ko, nagluluto ako nilalagyan ko ng insecticide.”

Ito ang pagkukuwento ni Hasna. Sabi niya pa wala talaga siya sa kaniyang sarili noon. Hinihintay niya nalang magising ang mga anak para maisakatuparan ang nasa isip niya.

Habang naghihintay sa kwarto ng anak ay napaupo si Hasna at nag-iiyak. Tandang-tanda niya noon kung paano siya nagagalit sa Diyos at tinatanong ito kung bakit ganoon na lamang ang nangyari sa buhay niya. Sa hindi inaasahan, nangyari ang isang bagay na magpapabago sa isip ni Hasna at magpatuloy sa laban niya sa buhay.

“Habang humahagulgol ako bumagsak yung Math notebook ng anak ko. HIrap na hirap kasi si Bash sa Math. Nung tinuturuan ko siya sabi niya sa akin,

“Mama, please stop. I’m not bad girl. Why are you doing this to me. Gumaganun ‘yong anak ko. Sabi ko “Nak hindi, hindi kita pinapahirapan”. Sabi ko “Kailangan mo to sa buhay mo. Kailangan mong matutunan ang Math.”

Ito raw ang punto na kung saan na-realize ni Hasna na mali ang iniisip niya. Hindi niya ito tinuloy at nag-sorry sa mga anak sa nagawa.

Dalawang araw matapos ang planong lasunin ang mga anak at saka mag-suicide ay nakatanggap ng tawag si Hasna. Siya ay napiling makasama sa PBB Season 8. Doon niya nalamang hindi siya basura at siya ay isang supermom na inspirasyon sa marami na hindi niya alam noong una.

“From being a basura umandar ‘yong buhay ko. Pumasok ako ng PBB, unang beses kong narinig sa mga housemates ko na I’m a supermom daw. Lahat ng nakikilala ko inspiration yung tawag sa akin.”

Ito ang kuwento ng buhay ng supermom at actress na si Hasna. Siya rin ngayon ay advocate ng autism, pati na ang women at children’s rights.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement