STUDY: Ang rason kung bakit bawal magutom ang asawa

Alamin ang sinasabi ng iba't ibang pagaaral sa dahilan kung bakit hindi dapat hinahayaang magutom ang asawa at mga magiging apekto nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag ang isang tao ay gutom, siya ay nagiging iritable, sobrang sensitibo at reaktibo. Kapag nakakain na, nagiging mas mabait at mas matulungin. Napapansin man o hindi, may kinalaman ang gutom sa kung paano ang nagiging pananaw ng isang tao. Ayon sa psychologist na si Jason Whiting, may mga pagaaral na nagsasabing hindi dapat hayaang magutom ang asawa.

Pagsasaliksik sa epekto ng gutom

Sa isang pagsasaliksik, binigyan ng mga manika ang mga may asawa. Sila’y binigyan ng inutusan na tusukin ng karayom ang manika depende sa kung gaano sila kagalit. Ginawa nila ito bawat gabi ng 3 linggo. Natutunan sa pagsasaliksik na ito na may kinalaman ang dami ng tusok ng karayom sa pagkagutom ng lumahok.

Sa isa pang pagsasaliksik, ilang mag-asawa ang naimbitahan sa laboratoryo kung saan gagawin ang eksperimento. Pinaghiwalay sila ng kuwarto at hinarap sa isang computer kung saan makakalaro ang kanilang asawa.

Sila ay mag-uunahang pumindot sa isang pindutan kapag ang target ay pumula. Kung sino mang mananalo ay maaaring magpatugtog ng sound sa headphones ng kanilang asawa kung saan sila ang bahala kung gaano kalakas at gaano katagal.

Lingid sa kanilang kaalaman, ang kanilang kalaro ay computer lamang at hindi ang kanilang asawa. Natutunan dito na habang nagugutom ang isang tao, mas tumatagal at lumalakas ang ingay na pinaparinig sa tuwing nananalo.

May ilan ding mga nananaliksik na inaral ang mga judge upang makita ang pattern sa mga binibiyayaan ng parole. Nakita dito na matapos mag-meryenda, tumaas nang 2/3 ang dami ng mga binibiyayaan ng parole kumpara sa simula ng araw. Unti-unti itong bumaba habang hindi pa nanananghalian. Matapos kumain ng pananghalian, bumalik ulit sa 2/3 ang nabibiyayaan ng parole.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isa sa mga report na natanggap ni Jason Whiting, kanyang ibinahagi ang istilo ng isang mag-asawa. Sa kanilang kwento, sa tuwing sila ay nagaaway, humihinto sila para kumain. Matapos kumain ay nabigyang lunas na ang pinagaawayan o kaya naman ay masyado nang busog ang isa’t isa para mag-away pa.

Image: Pexels

Lihim na dahilan ng pag-aaway

Ang pagkagutom ay mapanlinlang. Kadalasan, hindi napapansin ng tao na nagbabago ang kanyang mood dahil sa gutom. Kapag gutom, ang mga tao ay masmadaling naiinis sa isa’t isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit, ang totoong pinagmumulan ng pagka-inis ay ang kakulangan ng pagkain sa sikmura. Lumalabo ang panghusga ng mga tao kapag gutom tulad ng sa pagsasaliksik sa mga judge.

Ang pagkain din ang pinagkukunan ng kailangan na lakas para sa mga relasyon.

Sa isang pagaaral, pinasuri sa tao ang body language ng isa pang lumahok. Nakita na mas-tama ang mga sagot nila matapos uminom ng lemonade na may natural na pampatamis. Ang mga calories ng lemonade ay nakatulong sa abilidad ng lumahok na mag-focus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Brad Bushman, isa sa mga gumawa ng nabanggit na study, glucose ang nagpapatakbo sa utak ng mga tao. Kailangan ito upang makontrol ang mga negatibong impulse. Kahit pa ang utak ay 2% lamang ng bigat ng tao, nasa 20% ng calories ang kinakain nito.

Sa makatuwid, mas huwag gutumin ang asawa upang maiwasan ang mga hindi pagkakaintindihan.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Psychology Today

Basahin: Sikreto sa masayang pagsasama? Paghugasin ng pinggan si mister!