Sa nangyayaring krisis ngayon sa bansa, dito na lumalabas ang bayanihan ng bawat isa. Nandyan ang mga ordinaryong mamamayan na kusang loob na nagbibigay ng kanilang mga donation o kaya naman mga organization na nagkakaisa para sa iisang goal, ang matulungan ang mga nangangailangan. Syempre, hindi mawawala dito ang mga frontliners natin. Modern heroes na kung ituring ang mga ito dahil sa tapang at dedication nila sa trabaho. Ngunit sinong mag-aakalang magkakaroon din pala ng diskriminasyon ang mga ito? Isang healthcare worker sa Sultan Kudarat ang tinapunan ng bleach sa mukha. Ano nga ba ang dahilan nito?
Healthcare worker tinapunan ng bleach
Si Ritchie Estabillo ay isang utility staff member na nagtatrabaho sa St. Louis Hospital sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, bigla na lamang umano na tinapunan siya ng bleach sa mukha.
Ayon sa kwento, papasok pa lamang si Ritchie sa trabaho. Dumaan ito sa isang tindahan upang bumili ng pagkaing maibabaon niya. Paalis na ito sa tindahan nang mapansin siya ng limang lalaki dahil sa suot nitong staff uniform ng hospital. Nabigla na lamang siya ng tinapunan siya ng bleach sa mukha.
Kahit na may iniinda si Ritchie, ligtas at maayos itong nakarating sa pinagtatrabahuang ospital.
Nagresulta ang pagtapon ng bleach sa kanyang mukha ng eye trauma. Ayon rin sa gumamot sa kanya, pwede siyang mabulag kung hindi agad naagapan ang nangyari sa mata niya.
Dahil sa nangyari sa healthcare worker na sinabuyan ng bleach sa mukha, naglabas rin agad ng saloobin ang St. Louis Hospital.
Ayon sa kanila, si Ritchie ay isang breadwinner at frontliner katulad ng karamihan na nagtatrabaho sa ospital.
“Our personnel is a bread winner, as many of our frontliners are, who in the present pandemonium, chose to bravely continue their duties to the community.”
Hangad ng ospital ang justice na maibibigay sa kanilang isang frontliner na si Ritchie na nakaranas ng diskriminasyon.
“At this time, we respectfully demand that justice be given. He is a frontliner,”
Base sa pangyayari, nagsimula ang lahat ng namatay ang isang patient under investigation habang naka-admit sa ospital. Kumalat ito sa social media kasama na ang ibang detalye sa pasyente.
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang Department of Health ukol sa mga harassment at discrimination sa mga health workers.
“We are mobilizing our own personnel in efforts to ascertain more details and hold perpetrators of these attacks liable and reporting these incidents to the Inter-Agency Task Force of COVID-19 for proper investigation and resolution. It is not enough that we thank them. We need to protect them too.”
https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/a.157979910879936/3185527648125132/?type=3&theater
COVID 19 Cases in Philippines update
As of March 29, umakyat na sa bilang na 1,418 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Habang 42 naman ang naka recover at 71 ang mga namatay.
Samantala, ayon naman sa mga health official, asahan pa ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ay dahil marami pa ang mga paparating na resulta na isinagawa sa mga pasyenteng minomonitor.
Narito ang breakdown ng COVID-19 dito sa Pilipinas as of March 29:
CONFIRMED |
RECOVERED |
DEATHS |
PIUs |
1,418 | 42 | 71 | 874 |
COVID-19 hotlines:
1555 (PLDT, Smart, Sun, and TnT)
(02) 894-26843 (894-COVID)
https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.3185062811504949/3185060511505179/?type=3&theater
Upang maging updated sa mga lugar na may kaso ng COVID-19 sa bansa, maaari mo itong i-click: COVID-19 Cases: Philippines
Source: ABS-CBN
Bashain: Pagkawala ng sense of smell at taste? Maaaring sintomas ng COVID-19