STUDY: Healthy at unhealthy characteristics ng isang family

Paano nga ba malalaman kung ang family ay healthy o unhealthy? Narito ang ilang sinabi ng experts hinggil sa usaping ito. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nga ba malalaman kung ang family ay healthy o unhealthy? Narito ang ilang sinabi ng experts hinggil sa usaping ito.

Healthy at unhealthy characteristics ng family ayon sa experts

Alamin ang healthy at unhealthy na gawaing nagagawa ng inyong pamilya. | Larawan mula sa Pexels

Katulad ng maraming relasyon, mayroong ding healthy at unhealthy characteristics ang isang family. May mga pagkakataong nalalaman natin ang mga ito, pero mas maraming beses ang hindi. Importante ito lalo sa loob ng bahay dahil nabibigyang daan nito ang healthy communication ang relationship.

Para mapabuti ang bond pamilya mahalagang malaman ito. Kaya naman inilista namin ang ilan sa kanila:

1. Pagkakaroon ng emotional at physical boundaries

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Unawain ang boundaries ng bawat miyembro ng pamilya para magkaroon ng healthy bond. | Larawan mula sa Pexels

Healthy: Nagkakaroon ng respeto sa bawat boundaries ng isa’t isa lalo sa mga bata.

Unhealthy: Kahit pa mayroong naka-set na boundaries ay nalalabag pa rin ito.

2. Pagpa-practice sa tamang rules sa loob ng bahay

Healthy: Gumawa ng mga dapat sundin na rules sa bahay na mayroong consent ng lahat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Unhealthy: Gumagawa ng rules para lamang sa sariling gain nang hindi tinatanong ang ibang member ng pamilya.

3. Pagpaparamdam na ang bawat isa ay ligtas sa tahanan

Healthy: Hayaang maramdaman lalo ng mga bata na ligtas ang tahanan at dapat dito sila mas bukas sa kanilang hinaing.

Unhealthy: Pagpaparamdam sa kanila ng takot para hindi makapagsabi ng kanilang mga nararamdaman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Pagtanggap ng mga pagkakamali

Healthy: Pagkilala na lahat ng tao ay nagkakamali at pagtanggap ng kanilang paghingi ng kapatawaran.

Unhealthy: Pagpapakita ng labis na galit sa simpleng kamalian at pagpapaalala ulit nito kahit pa humingi na ng kapatawaran.

Mahalagang malaman ng miyembro ng pamilya ang mga bagay na ito. Mas crucial din ito sa mga magulang kung nais nila ng maganda at matibay na relasyon sa kanilang anak. Nabibigyang daan nito ang isang healthy na communication dahil sa pag-iwas sa unhealthy na characteristics.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva