Mas minahal at inidolo ng mga netizens ang mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero matapos mapanood ang kanilang Adulting 101 video na umani ng kabi-kabilang magagandang kumento.
Screenshot from YouTube Video
Heart Evagelista vlog post
Kamakailan lamang ay nag-viral ang vlog post ng sikat na actress na si Heart Evangelista nang interviewhin niya ang kaniyang asawa na si Senator Chiz Escudero tungkol sa “adulting” o ang pagiging responsableng indibidwal.
Umabot na nga sa lagpas 5 million views sa Facebook ang nasabing vlog post na kung saan ibinahagi ni Senator Chiz Escudero ang kaniyang mga prinsipiyo sa buhay at pag-ibig. Layunin ng nasabing vlog post na mainspire ang mga kabataan sa paghahanap ng kanilang purpose sa buhay, pagpili ng tamang career at kung paano gamitin at hawakan ang kanilang pera.
Heart & Chiz prenup
Naging usap-usapan nga sa nasabing interview ng mabanggit ni Senator Chiz ang tungkol sa pre-nuptial agreement nilang mag-asawa.
“By the way, we have a prenup. What’s her’s is hers. What’s mine is also her’s,” banggit ni Senator Chiz Escudero habang tumatawa.
Ito daw ay idea ng dating Senador Miriam Santiago para maprotektahan si Heart at mga anak ni Senador Chiz sa unang niyang asawa kung sakaling magkaroon ng problema ang kanilang pagsasama.
Ayon sa report ng Inquirer, P8.5 million ang idineklara ni Chiz sa kaniyang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ngayong taon. Samantalang, si Heart Evangelista naman ay mayroong magandang karera bilang artista, endorser, at artist.
Ang pre-nuptial agreement ay isang paraan para maprotektahan ang mga ari-arian o investments ng taong magpapakasal pa lamang bilang paghahanda kung sakaling masira ang kanilang pagsasama at mauwi sa hiwalayan. Sa paningin ng iba ang pagkakaroon ng pre-nuptial agreement ay pagpapakita ng hindi pagtitiwala sa isa’t-isa. Ngunit iba ang pananaw ng mag-asawang Heart at Chiz—ito ay paraan upang hindi na rin magkaroon ng isyu sa pera ang kanilang pagsasama. May kalayaan si Heart na ilaan ang kinikita niya sa kung saan man niya gusto.
Si Senator Chiz Escudero pa nga daw ang nagtuturo kay Heart para maging responsable sa paghawak nito. Nabanggit niya nga ito ng tanungin siya ni Heart tungkol sa ano ang mapapayo niya sa mga fresh graduates pagdating sa pinakawise na investment na puwede nilang gawin.
Chiz Escudero:
“Before you can invest, you should first save. No money to invest with if you don’t save. In your case I remember, umiiyak ka nung pinapapunta kita sa bangko para mag-fillout ng form. I wanted you to do it from the start. Open an account, sign your own cheques, know the balances, because you have to go through the nitty gritty so that you know exactly how much you are earning and so that it will hurt if you spend on.”
Isa pa nga daw sa laging pinapaala ni Senator Chiz sa kaniyang asawa ay ang kaniyang basic rule pagdating sa pagsho-shopping na hobby ng ni Heart.
Chiz Escudero:
“Basic rule: Anything that’s on sale. If you don’t need it, it’s expensive. That’s the basic rule I follow. if there’s something you want, you don’t have to buy it the first time you see it. You have to see it several times before finally making a decision whether or not you really need it and want it.”
Pinaintindi rin ni Senator Chiz kay Heart kung gaano siya kaswerte pagdating sa kaniyang buhay at career ng tanungin ito tungkol sa mapapayo niya sa mga kabataan sa pagpili ng tamang career path na maeenjoy at kikita sila.
Chiz Escudero:
“Yung iba maswerte tulad mo na that you get to do what you want at the same time earn from it. Others aren’t as lucky.
“About 80 or 90% don’t really like what they do, they just happen to be there. But that does not take away the fact that there is an opportunity for you or anyone else to do what you’d like to do.
“Outside of work you can still engage in whatever you’re passionate about whether its painting, whether it’s putting makeup on your face or dressing up or doing whatever. Going to the shooting range. Whatever your passion may be I mean you don’t have to be really good at it. As long as you are engage in it and that’s the important part that makes you happy.”
Pagdating sa usaping pamilya naman, tinanong ni Heart si Senator Chiz kung paano ba magiging independent ang mga kabataan mula sa mga magulang nila.
Chiz Escudero:
“Being independent, should not be an objective.
“In a Filipino setting, you are never really away or apart from your own family, your parents and from the point of view of the parents, their children. Hindi to parang sa America na pag 18 lumayas ka na sa bahay na to. Dapat maghanap ka ng trabaho. Maghanap ka na ng matitirahan.
“Hindi naman gano’n dito e. So it should not be an objective—that should not be a goal or a dream to be independent from your parents because you deciding on your own with or without them or them deciding on their own with or without you. It’s a question of helping out each other, given your capacity and their capacity as well.”
Ang pinakaexciting part nga ng interview ay yung tanungin na ni Heart si Senator Chiz tungkol sa pananaw niya sa pag-ibig o love. Dito ibinahagi ni Senator Chiz kung paano siya nagbigay ng effort para maiparamdam kay Heart kung gaano siya kaespesyal.
Chiz Escudero:
“Kasi buong buhay niya hindi pa raw siya nakakasakay ng jeep. Kaya pumarada ako malapit sa bahay namin dati sa may Quitanlad. Nirentahan namin yung jeep, natakot ‘yong mama na baka daw ma-trip cutting siya sabi ko gabi naman na at renta to which is an exemption. Hindi niya kami pareho nakilala. Umikot kami ng U.P. Isang ikot lang sa university circle tapos ikot ulit ng Welcome. Pagtapos nun kumain kami ng siomai sa Aberdeen Court.”
Kitang-kita nga sa ningning ng mga mata ni Heart kung gaano kaespeyal ang gabing iyon habang ibinabahagi ni Senator Chiz Escudero ang kwento na kita ring kinikilig habang nagkwekwento.
Nang tanungin naman kung ano ang natutunan niya sa pag-ibig at break-up ganito lang ang nasagot ng Senador habang tumatawa.
Chiz Escudero:
“Actually, love, even in politics, even in business, it’s the same rule. Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me. Kaya kung naloko ka, siya ang may kagagawan nun. Kung nagpaloko ka ng pangalawang beses sa parehong tao ikaw na yung dapat sisihin mo.”
Naging bahagyang seryoso lang ang Senador nang tanungin siya ni Heart tungkol sa pag-handle niya ng anxiety, pressure at depression. Dito nabanggit ni Heart na ni minsan hindi niya nakikitang umiyak ang Senador kahit noong namatay ang tatay nito.
Chiz Escudero:
“Because you can’t afford to do that when a lot of people rely on you, when a lot people look up to you whether they are your kids, your wife, other people. You can’t show weakness or that you’re breaking otherwise, everyone else will break. Just like the domino effect.”
Natapos nga ang interview ng tanungin ni Heart si Senator Chiz kung ano na nga baa ng purpose niya sa buhay.
Chiz Escudero:
“Hindi ko parin alam. It should be a constant search. You should never be satisfied, really. You should never stop searching for whatever else you can do. You handle and take-in what is thrown at and given at you, and given to you, and basically make the best out of it.”
Ngunit nagpahabol ang Senador at sinagot kung ano na nga ba ang purpose niya sa buhay.
Chiz Escudero:
“So ngayon alam ko na ang purpose ko sa buhay, I’m here to provide the contrast to make you look even more beautiful.”
Natapos ang video sa pamamagitan ng isang message mula kay Heart Evangelista na kung saan mararamdaman kung gaano siya kasaya at kasuwerte sa lalaking pinakasalan niya.
Heart Evangelista:
“I hope you guys learned a thing or two from Mr. Chiz over here. I’m glad I married him and I hope you guys find somebody like him.”
Sources: ABS-CBN News, Philippine Daily Inquirer, World Top Richest
Basahin: Heart Evangelista has another miscarriage, loses remaining baby
Photo: Heart Evangelista’s Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!