Heart Evangelista hindi pinalampas ang mga comments ng netizen tungkol sa sayang siya dahil sa hindi mabuntis ng asawa.
Mababasa sa artikulong ito:
- Komento ng mga netizen tungkol sa hindi pa pagbubuntis ni Heart Evangelista.
- Reaksyon ni Heart at Chiz Escudero sa mga nagtatanong kung bakit hindi pa sila nagkakaanak.
Heart Evangelista may sagot sa mga kumekuwestyon sa kakayahan niyang magbuntis
Image from Heart Evangelista’s Twitter account
Magandang career at masayang buhay may-asawa, ganito kung maisasalarawan ang buhay ng model at aktres na si Heart Evangelista.
Halos lahat nga ay masasabing na kay Heart na, maliban na lang sa pagkakaroon ng isang anak na inamin ng aktres na isang struggle sa kaniya.
Pero para sa iilan ay mahirap itong maintindihan. Lalo na ang hirap at sakit na nararanasan ni Heart para ang pangarap niyang ito ay maisakatuparan.
Sa isa sa kaniyang Twitter post ay inaddress ni Heart ang isyung ito. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pag-sagot sa mga comment ng ilang netizen tungkol sa hindi niya pagbubuntis kahit 6 na taon na silang mag-asawa ng mister na si Chiz Escudero.
Si Heart hindi napigilang mag-react lalo pa’t ang usapin ng pagbubuntis ay ginawang katatawanan ng mga netizen. Ito ay nadagdagan pa ng pambabastos at hindi kaaya-ayang mga salita patungkol sa kaniya.
Ang ilan sa mga comment ng mga netizen ay ito:
“Sayang lang ang ganda ng katawan hindi mabuntis ng asawa.”
“Grabe ang katawan uy parang hindi pa nagamit ng todo.”
“Swerte ng next husband ni Heart parang ‘di masyadong nagamit ni Chiz hahaha”
May isang netizen pa ang nagsabing baka baog si Heart kaya hindi ito mabuntis.
Image from Heart Evangelista’s Twitter account
BASAHIN:
Heart Evangelista’s advice on marriage life: “If you go to the toilet, close the door.”
Heart Evangelista recalls miscarriage, “worst day of my life”
#AskDok: Puwede bang mabuntis kahit hindi fertile?
Heart sinabing happy at contented siya sa buhay niya, bonus na lang umano kung siya ay mabubuntis pa
Ang sagot ni Heart sa mga ito ay naging mahinahon. Bagama’t inamin niya na siya ay nasasaktan kapag ito na ang pinag-uusapan. Pero giit niya, masaya siya sa buhay niya at kung sakaling magkaanak man siya, ito ay bonus nalang.
“Ok na sana lahat. Stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me. Nobody knows the real struggle. Also may I add life is good. People I love are fine and everything else in between is ok so bonus nalang if I do conceive again. It’s my body.”
Ito ang sagot ni Heart sa mga negatibong komento ng ilang netizen tungkol sa kakayahan niyang magbuntis.
Samantala, sa naging panayam ng TV host na si Karen Davila sa kaniyang YouTube channel sa mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero kamakailan lang ay sinabi ng mga ito ang pagnanais nilang magkaroon ng anak.
Pero naniniwala silang ito ay ibibigay ng Diyos sa tamang panahon. Kaya naman hindi nila pine-pressure ang kanilang sarili lalo pa’t may kaniya-kaniyang career at role silang parehong dapat gampanan.
“Actually, we want one. It’s just the pressure we want to get out of that frame na kailangang kailangan. If it happens, it happens and its god’s gift and it’s not as if we’re not trying to.”
Ito ang sabi ni Chiz sa nasabing panayam.
Ayon naman kay Heart, tulad ng kaniyang Twitter post ay masaya at kontento siya sa buhay niya. Kung dati ay iniiyakan niya umano ito, ngayon ay ayos na siya kung sakali mang hindi siya mabigyan ng pagkakataon na magdalang-tao.
“If it doesn’t happen I’m actually okay also, sincerely I am.”
Ito ang sabi pa ni Heart.
Image from Heart Evangelista’s Twitter account
Heart Evangelista’s miscarriage in June 2018
Matatandaang noong May 2018 ay inanunsyo ni Heart na siya ay buntis sa kambal nilang anak ni Chiz Escudero. Pero makalipas ang isang buwan ay nasundan ito ng malungkot na balita na nakunan ang aktres.
Ang karanasang ito ay nagbigay umano ng “horrible feeling” sa aktres. Ito rin ang isang karanasan umano na nagbigay sa kaniya ng matinding trauma.
“Having a miscarriage is the most traumatizing feeling. I carried my twins 4 months after because my doctor wanted me to naturally go through the process.
It was the most horrible feeling thinking maybe God can bring them back to me. Or me thinking am I not a good person for this to happen.”
Ito ang pagsasalarawan noon ni Heart sa sakit na idinulot sa kaniya ng maagang pagkawala ng kaniyang mga anak.
Ngayon, matapos ang tatlong taon ay na-overcome na daw ng aktres ang feeling na ito. Kasabay nito ang patuloy nilang pagsubok ng mister na si Chiz na magdalang-tao at magkaroon ng anak.
Source:
YouTube, Twitter
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!