Heart Evangelista ibinahagi ang naging excitement at sadness sa baby sana nila ni Senator Chiz Escudero.
Mababasa dito ang sumusunod:
Heart Evangelista lost her second baby
Sa programang “Fast Talk” ni Boy Abunda ay ibinahagi ni Heart Evangelista ang pagkawala ng second baby sana nila ng mister na si Chiz Escudero. Pagkukuwento ni Heart, excited na sana talaga siyang magkaanak. Matatandaan na bago pa man maganap ang renewal of vows nila ni Chiz isang araw matapos ang kaniyang birthday ay una ng ibinahagi ni Heart na ngayon na daw ang tamang panahon para siya ay maging isang ina. Paliwanag ni Heart sa panayam ng mga oras na sinabi niya iyon ay nag-eexpect na talaga sila ni Chiz. Pero sa kasamaang palad ay hindi ito natuloy.
“Actually, I said that in our interview because I was, technically, we were expecting a baby, actually. I wasn’t pregnant but I was expecting my only girl that I had left (eggs). So, at that time, I thought she was gonna make it but she didn’t. So that one was a bit hard for me. My God, ang hirap.”
“So yeah, I was really preparing for her. So I really thought that I was gonna have a baby at that time when I felt like with everything that we went through, it was finally gonna happen but it didn’t.”
Ito ang naluluhang pagbabahagi ni Heart.
Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista
Ayon pa sa kilalang global fashion icon, sa sobrang excited niya ay pinangalanan niya na nga ang kaniyang magiging baby. Kaya naman labis-labis ang sakit ng malaman niyang hindi magiging possible ang pagkakabuo nito at hindi pa siya magiging isang ina.
“Actually, I cried not because I wasn’t given what I want and I’m a spoiled child. I cried because it took so hard for me to produce the egg. And so, it was hard for me to accept the fact that I gave her a name. I, actually, named her.”
“I named her Sophia Heart so I was very excited to have her but I’m blessed in so many other ways, how can I complain? I’m just sad because of course, I was excited but I’m not complaining.”
Ito ang pagbabahagi pa ng naiiyak ng si Heart.
Reaksyon ni Chiz Escudero
Samantala, ang mister niyang si Chiz Escudero nakasuporta lang sa misis niyang si Heart. Paniniwala niya kung hindi man ngayon, alam niyang mabibiyayaan rin sila ni Heart ng anak sa tamang panahon.
“Ang sabi ko sa kanya. If it’s not now, if it’s not this, may mas maganda pang naka-plano. Hintayin lang namin yun.”
Ito ang sabi pa ni Chiz.
Larawan mula sa Instagram video nina Heart Evangelista
Hindi ito ang unang pagkakataon na nawalan ng baby sila Heart at Chiz. Matatandaan na noong 2018 ay ibinahagi ni Heart na buntis siya sa twins sana nila ni Chiz. Pero siya ay nakunan at parehong nawala ang kanilang kambal.
Taong 2022, ay sumubok naman sa in vitro fertilization si Heart. Ito ang naging paraan niya noon para masigurong magkakanaak siya sa oras na siya ay handa na.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!