Heart Evangelista inalala pagkawala ng kambal na anak: Pinagdasal ko na they find their way back to me

Muling natanong si Heart Evangelista tungkol sa kambal nilang anak ni Chiz Escudero. Pumanaw ang kambal dahil sa miscarriage.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapang na ibinahagi ni Heart Evangelista ang kaniyang naging karanasan nang mawala ang kaniyang kambal na anak.

Heart Evangelista may hiling sa kaniyang kambal na anak

Sa interview ni Boy Abunda kay Heart Evangelista, ibinahagi ng aktres na noon ay hindi niya raw priority ang magkaroon ng anak.

Larawan mula sa Instagram ni Heart Evangelista

Ayon sa aktres, naka-focus siya noon sa kaniyang trabaho. Aniya, “A go-getter, hardworking no vacations. Takot ako mabuntis, even if I was married.” 

Aminado si Heart na binago siya ng pagbubuntis. Saad ng aktres, “I didn’t realize how much I wanted it so badly.” Dagdag pa nito, “I didn’t think I’d be a good mom. I didn’t I wanted to be a mom.”

Sa kabila nito, narealized din daw ni Heart na maaari siyang maging better person. Ipinaramdam daw sa kaniya ng mga “angel” niya ito sa kanya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Heart Evangelista

“Even for a brief moment in my life, I realized that I can be a better person. Not necessarily that you have to give birth or to physically be a mom, but the idea of what my angels made me feel — it was good enough for me.”

Ibinahagi rin ng aktres na mayroong pagkakataon na ipinagdasal niya na bumalik ang kaniyang kambal na anak sa ano mang porma.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I remember at that time, pinagdasal ko na ‘find your way back to me, in any form’ but for me, hindi ko na pinipilit yung mga bagay-bagay.”

Larawan mula sa Instagram ni Heart Evangelista

Matatandaang noong May 2018 nang ibahagi ni Heart sa publiko na buntis siya. At pagsapit ng hunyo, inanunsyo naman nito na nakaranas siya ng miscarriage.

Sa ngayon daw, kung mabubuntis man siya ay walang problema. Pero giit din ni Heart Evangelista na hindi niya pinipilit ang mga bagay-bagay.

Aniya, hindi niya ina-allow ang kaniyang sarili na maging heartbroken dahil sa mga bagay na hindi ibinigay sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

GMA

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan