Couple goals, ganito kung isalarawan ang relasyon nila Heart Evangelista at Chiz Escudero. Lalo na sa ngayon, kung saan makikitang happy as ever ang dalawa sa pagsasama nila.
Mababasa dito ang sumusunod:
Heart Evangelista at Chiz Escudero sa New York
Marami ang napasana-all sa post ni Heart Evangelista kasama si Chiz Escudero sa New York. Ang mag-asawa magkahawak-kamay habang namamasyal sa “big apple”. Tulad ni Heart na laging naka-postura sa kaniyang mga larawan, hindi rin nagpahuli si Chiz na gwapong-gwapo sa matching blue outfit at maong pants nila ni Heart.
“Running around town.”
Ito ang caption ng post ni Heart na may kasamang cheese emoji.
View this post on Instagram
Reaksyon ng mga netizens
Ang mga netizens hindi naman napigilang mag-react na makitang magkasama at masaya ang mag-asawa.
Larawan mula sa Facebook account ni Heart Evangelista
May isang netizen nga ang nakapagsabi na kahit magkaiba ang mundo ng dalawa ay kahanga-hangang napapanatili nila na maayos ang kanilang relasyon.
“She works. He works. Couple with two different worlds, but managed to stay together despite the controversies. Such a powerful bond.”
Ito ang sabi ng isang netizen.
May mga netizens naman na masaya ring makita ang mag-asawa na tulad ng dati ay sweet at magkasama.
“Stay in love. Love seeing both of you. That makes me happy seeing both of you. Keep your love for each other stronger more than ever and to forever. May God Bless both of you and be safe! Love you both!”
Matatandaang napabalitang hiwalay na sina Heart at Chiz noong nakaraang taon. Ito ay matapos magpost si Heart sa kaniyang vlog na may pinagdadaanan siyang matinding pagsubok sa buhay niya. Sabi pa noon ni Heart ay hinahanap niya ang tunay na magpapasaya sa kaniya.
Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista
Marami naman ang nag-speculate na may pinagdadaanan sila ni Chiz dahil noong mga panahong iyon ay walang masyadong post si Heart na kasama si Chiz. Dagdag pa ang kagustuhan niyang bumili ng apartment noon sa Paris na kung saan nagpahiwatig na mas mahaba ang panahong mawawala siya sa bansa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!