LOOK: Heart Evangelista at Chiz Escudero renewal of vows sa Balesin Island Club sa Quezon

Ama ni Heart hindi na naman nakadalo sa kaniyang kasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heart Evangelista at Chiz Escudero renewal of vows sa Balesin Island Club sa Quezon dinaluhan ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Heart Evangelista at Chiz Escudero renewal of vows.
  • Pamilya ni Heart present na sa kasal.

Heart Evangelista at Chiz Escudero renewal of vows

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Naganap na ang pinakahihintay ng marami. Ito ang renewal of wedding vows nina Heart Evangelista at mister niyang si Chiz Escudero. Naganap ito nitong February 15, Huwebes sa exclusive na isla sa Quezon na Balesin.

Si Heart pinatunayan ang pagiging global fashion icon sa kaniyang wedding gown. Siya ay nagmukhang ethereal bride sa beige gown na gawa ng Lebanese fashion designer na si Elie Saab. Tinernohan niya ito ng veil at luxurios couture bouquet na dinesenyo rin ni Saab.

Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi si Heart ng ilang larawan sa kanilang naging kasal. Mayroon rin siyang maikling video ng kanilang naging wedding photoshoot na may maikling caption na kung anong kaniyang nararamdaman sa ngayon.

“Happy #chizheartchaptertwo ☁️☁️☁️”

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang caption ng post ni Heart na nakatagged ang mister niyang si Chiz.

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pamilya ni Heart present na sa kasal

Hindi tulad ng nauna nilang kasal noong 2015 ay present na sa renewal of vows nila Heart ang kaniyang pamilya. Sa katunayan ang ina niyang si Cecile Ongpauco ay sinalubong si Heart habang naglalakad sa isle at hinatid ito sa altar kung saan naghihintay si Chiz. Naluha pa nga ito ng salabungin ang kaniyang anak.

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Ayon sa mga reports, nasa Amerika ang ama ni Heart na si Rey at kasalukuyang sumasailalim sa medical treatment. Kaya hindi na naman ito nakadalo sa kasal ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero base sa mga nauna ng post ni Heart ay maayos na ang relasyon ng kaniyang ama at ng mister na si Chiz. Ganoon rin ang kaniyang ina na naglabas ng pahayag noon ng napabalitang dumadaan sa pagsubok ang pagsasama ni Heart at Chiz. Aniya, alam niyang maayos nila ito dahil tiwala siya sa manugang na si Chiz Escudero.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement