Sa isang episode ng Heart’s World na programa ng GMA Network, ibinahagi ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista ang masakit na yugto ng kanyang buhay—ang pagkawala ng kanyang ipinagbubuntis.
Mababasa sa artikulong ito:
- Heart Evangelista muling binalikan pagkawala ng anak
- Paano ba suportahan ang mga mommy na nakunan?
Heart Evangelista muling binalikan pagkawala ng anak
Habang abala siya sa pag-attend ng fashion week, dala-dala niya ang mabigat na karanasan na ito.
“I was doing fashion week and people thought that I was having a good… I did New York, I did Paris pa nga and akala nila okay pa ako, pero may dinadala po akong bata,” emosyonal na pahayag ni Heart.
Larawan mula sa Instagram ni Heart Evangelista
Hindi niya umano naiwasang tanungin ang sarili kung bakit nangyari ito sa kanya, lalo na’t lagi niyang ginagawa ang tama at nagpapakita ng kabutihan sa iba. “Mabait naman ako, bakit ganun?” tanong niya. Aminado rin si Heart na nagkaroon siya ng takot na muling magdalang-tao pagkatapos ng karanasang ito.
Larawan mula sa Instagram ni Heart Evangelista
Suporta para sa kababaihang nakaranas ng miscarriage
Ang pagbubukas ni Heart tungkol sa kanyang karanasan ay nagpapaalala kung gaano kahalaga ang emosyonal at mental na suporta para sa mga babaeng nakaranas ng miscarriage. Narito ang ilang paraan upang makatulong:
- Makinig nang walang panghuhusga – Tulad ni Heart, maraming kababaihan ang nagdadala ng mabibigat na emosyon. Hayaang magbahagi sila ng kanilang nararamdaman nang hindi pinipilit.
- Iparamdam na hindi sila nag-iisa – Ang simpleng pagkakaroon ng kausap na handang makinig ay malaking tulong.
- Huwag magbigay ng hindi kinakailangang opinyon – Ang mga simpleng salita tulad ng “Nandito ako para sa’yo” ay mas makabuluhan kaysa sa pagbibigay ng unsolicited advice.
- Suportahan ang kanilang proseso ng pagbangon – Ang bawat babae ay may sariling timeline para maka-move on. Tulungan silang mahanap ang kanilang lakas sa sarili nilang paraan.
Larawan mula sa Instagram ni Heart Evangelista
Ang tapang ni Heart Evangelista na ibahagi ang ganitong karanasan ay nagbibigay liwanag sa isang madalas na tahimik na paksa. Sa pamamagitan ng kanyang kwento, naipapakita niya na ang bawat babae ay may karapatang humingi ng suporta at maghilom sa sarili nilang oras at paraan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!