Nanay ni Heart Evangelista, nagsalita na sa umano'y hiwalayan ng anak kay Chiz Escudero: "I know they will be OK!”

Ayon pa sa ina ni Heart, ipinagdadasal niya ang pagsasama ng anak at mister nitong si Chiz Escudero.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mother ni Heart Evangelista na si Cecile Ongpauco, nagsalita na sa isyung hiwalay na ang kaniyang anak at mister nitong si Senador Chiz Escudero.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Isyung hiwalayan nina Heart Evangelista at Chiz Escudero.
  • Reaksyon ng ina ni Heart na si Cecile Ongpauco tungkol sa diumano’y hiwalayan ng mag-asawa.

Isyung hiwalayan nina Heart Evangelista at Chiz Escudero

 

Nitong Lunes ay ibinahagi ni Heart Evangelista na siya ay may hinaharap na mabigat na problema. Ito ay kaniyang ginawa sa kaniyang vlog na kung saan pag-amin ni Heart siya ay napre-pressure at in search sa mga bagay na tunay na magpapasaya sa kaniya.

“I’ve always been such a happy person. I’ve always been somebody who just goes against the tides and just let the waves crash on me. I’m not gonna to lie.  I’ve been going through a lot of personal stuff in my mind.”

“I’ve been going through some personal struggles like I feel a lot of pressure in my life. And basically now, I’m really in a search for just being happy."

Ito ang bahagi ng pahayag ni Heart sa kaniyang vlog.

Bagamat hindi tinukoy ng fashion icon ang dahilan ng problemang kinakaharap, lumutang ang ispekulasyon na maaring ito ay tungkol sa pagsasama nila ng mister na si Chiz Escudero. Lalo pa’t bago ang pahayag na ito ni Heart ay naging usap-usapan ang pag-alis niya ng apelyidong Escudero sa IG username ng aktres.

Base pa sa mapanuring mata ng mga netizens, si Heart daw ay mapapansing malungkot sa mga huling larawan nila ni Chiz na magkasama. Pero si Heart wala pa ring opisyal na pahayag tungkol dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heart Evangelista mother na si Cecile Ongpauco nag-react tungkol sa diumano’y hiwalayan nila ni Chiz

Heart Evangelist kasama ang mother niyang si Cecile at sister niyang si Camille/Larawan mula sa YouTube account ni Heart Evangelista

Samantala, sa isang panayam ng ABS-CBN sa ina ni Heart na si Cecile Ongpauco ay nag-react ito sa isyung kinakaharap ng anak at kaniyang buhay may asawa.

Ayon sa kaniya, hindi pa niya nakakausap si Heart at Chiz tungkol sa napag-uusapan na paghihiwalay umano nila. Pero umaasa siya na kung anumang pinagdadaanan ng mag-asawa ay maayos nila ito. Lalo pa’t alam niyang matured at grounded naman daw si Chiz.

“It’s their private life so I am just praying for them. I know they will be OK! I’ve known Chiz to be a mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter.”

Ito ang sabi ng ina ni Heart.

Matatandaang noong 2013 ay nagkaroon ng gusot sa pagitan ni Heart at mga magulang niya dahil sa pagtutol nito sa relasyon nila ni Chiz. Sa katunayan ay hindi ito um-attend sa naging kasal ng dalawa. Pero sa paglipas ng panahon ay nagkaayos naman si Heart at kaniyang mga magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Relasyon ng mga magulang ni Heart at mister na si Chiz Escudero

Sa isang vlog episode kung saan nakasama ni Heart ang kaniyang inang si Cecile, kapatid na si Camille at mister na si Chiz ay makikitang magkasundo na ang mga ito. Sinabi pa nga ng ina ni Heart na natutuwa siya kay Chiz para sa anak niya. Dahil sa nakikita niyang pagsuporta ni Chiz sa mga bagay na gusto at hilig gawin ni Heart.

“You know what I like about your marriage? You allow each other to grow, you don’t stunt her growth.”

“Full grown ka na. You don’t cramp her style. I think that’s what’s good about your marriage.”

Ito ang sabi pa ng ina ni Heart sa mister na si Chiz noon.

Nitong nakaraang taon ay ipinakita niya rin sa isa niyang vlog kung paano nagkabonding ang tinatawag niyang “dalawang lalaki” sa buhay niya. Doon tinanong ni Heart ang amang si Reynaldo Ongpauco kung bakit sila nag-away ni Chiz.

“So, bakit kayo nag-away dati?”

“Nag-away? Hindi ko naman siya naging kaaway.”

Ito ang pagpapaliwanag ng ama ni Heart noon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang sumunod niyang tanong ay kung bakit hindi ito pumunta sa kasal ng anak. Ito ang sagot ng ama ni Heart sa kaniya.

“Bakit hindi ka pumunta sa wedding?”, sabi ni Heart.

“Sayang. Sana naging bati na kami noon pa.”

Ito ang sabi pa ng ama ni Heart.

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga nauna ng adulting video ni Chiz at Heart ay umamin silang may mga pagkakataon na nag-aaway parin sila. Ito ang pahayag ni Chiz noon tungkol dito.

“Of course, we do para kapag nagbati may gigil.”

“Kapag hindi na kayo nag-aaway ibig sabihin wala ng pagmamahal. Kung hindi mo na inaaway, wala ka ng pakialam.”

Ito ang sabi pa ni Chiz.

“I guess it’s really more of if a person is toxic, though, then you get to say goodbye. But if you guys are discussing, it's actually part of getting to know each other. So, you basically fight kasi mahal ninyo ang isa't isa.”

Ito naman ang sabi noon ni Heart.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement