Marami na ang bumibili ng kani-kaniyang bikes ngayon dahil sa hindi pa rin balik operasyon ang ilang PUVs. Para na rin sa safety, ito na ang nagiging alternative na transportation ngayon. Kaugnay nito, silipin ang Hermes bike ni Jinkee Pacquiao na kanya namang ibinahagi sa Instagram!
Hermes bike Jinkee Pacquiao
Kilala si Jinkee Pacquiao sa pagiging fashionista at karamihan ng kanyang mga damit at alahas ay high end. Isa rin siyang collector ng mga luxury pieces pero ang kanyang latest na purchase ay medyo kakaiba!
Magkano nga ba ang halaga ng “his and hers” na Hermes at Louis Vuitton bikes ni Jinkee at Manny? Noong 2013, naglabas ang Hermes ng kanilang bike collection at nagkakahalaga ito ng mahigit 545,000 pesos. Pero sa post ni Jinkee, iba ang disenyo ng kanyang bike, kaya naman malaki ang posibilidad na custom-made ito!
Ang Louis Vuitton bike naman na parte ng Pinarello collection ay maaring nagkakahalaga ng 167,000 hanggang 600 thousand pesos.
Marami namang mga netizens ang na-amaze sa kanilang bike set!
Samantala, balik na sa GenSan ang kanilang mag-anak matapos mag-stay sa Maynila nitong lockdown.
Pacquiao family
Giliw na giliw ang mga netizens sa mga family vlogs ng mga anak ni Manny at Jinkee Pacquiao pero bukod dito, alam niyo bang very talented din sila?
Sa katunayan, nagpamalas ng kanyang sariling boxing moves ang panganay na si Emmanuel Pacquiao Jr. o mas kilala bilang si Jimuel Pacquiao.
Tila susunod sa yapak ng kanyang ama si Jimuel Pacquiao at suportado naman ito ng kaniyang amang si Manny. Matatandaan na sumasama rin ang mga anak ni Manny Pacquiao sa kaniyang mga training noon kaya hindi kataka-taka na maging inspirasyon siya ng kanyang mga anak.
Bukod sa pagbo-boxing, sumasabak na rin sa modeling at paga-artista ang kanyang mga anak.
TikTok famous naman ang dalawa nilang girls!
Suporta ni Manny Pacquiao sa kaniyang mga anak
Sinabi ni Manny sa isang panayam noon na suportado niya ang pagbo-boxing ng kaniyang anak at wala umano siyang balak na pigilan ito. Hindi man naroroon si Pacquiao sa boxing match ng kaniyang anak ay pinanood naman niya ang naging performance nito sa pamamagitan rin ng Facetime.
Bukod dito, madalas din nga siyang um-appear sa mga vlogs at TikTok videos ng kanyang mga anak!
Ito naman ang Father’s Day message ng mga anak ni Manny sa kanya:
Mary Pacquiao
“Happy father’s day Daddy!!! I love u so so much. Thank you for always being there for us and supporting us in everything we do. Thank you for being the best! I’m so blessed that God gave us you as our dad.💖I’m not scared of the challenges that life will give in the future because you taught me that God will always be there. I love you daddy!!!! Happy fathers day! 💖💗”
Michael Pacquiao
Isang rap song naman ang alay ni Michael na talaga namang ikinamangha din ng mga netizens!
Kitang-kita naman kung gaano ka-sweet at close ang mga anak nila sa kanila. Pero paano nga ba ito magagawa sa iyong mga anak?
Paano magpalaki ng sweet na anak
1. Maging mabuting halimbawa sa mga bata
Bilang magulang, ikaw ang unang tinitingala at iniidolo ng iyong anak. Pagnilayang mabuti ang iyong iginagawi sa iyong kapwa at ipakita sa mga bata ang mabubuting asal at pag-uugali.
Malaking puntos din sa pagiging role model kung nananatili ka pa ring sweet sa iyong sariling mga magulang hanggang ngayon dahil siguradong gagayahin din ito ng iyong mga anak sa pagtanda nila.
2. Turuan silang maging mapagbigay sa kapwa
Maaari mo itong simulan mula sa mga maliliit na bagay sa inyong tahanan gaya ng pagse-share ng pagkain o laruan sa mga kapatid o kalaro hanggang sa malalaking bagay gaya ng pagbibigay ng donasyon sa simbahan, mga charities at iba pa.
Sa ganitong paraan matututo rin silang magkaroon ng compassion o malasakit sa kapwa.
“There are valuable lessons to be learned from volunteering, supporting a local cause, attending church, or donating items. Seeing a bigger picture, how their acts can influence many lives, will give them a sense of responsibility and reinforce good values.” sabi ni Eanes.
3. Gumamit ng mga malumanay na salita sa loob ng tahanan
Natural lamang na nakakapagbitiw tayo paminsan-minsan ng mga salita na maaaring makasakit ng damdamin ng iba.
Subukang sanayin ang bawat miyembro ng inyong pamilya na gumamit ng mga malumanay na salita sa isa’t-isa. Imbis na pautos na salita ang gamitin, subukang gumamit ng mga pakiusap na salita. Iwasan ring sumigaw at magmura, lalo na sa mga bata.
Mas nagiging malambing at sweet ang bawat isa kung ganito ang magiging takbo ng pag-uusap sa loob ng tahanan. Kapag nakasanayan, magiging ganito rin ang paraan ng pakikipag-usap ng mga bata sa ibang tao.
Ang ganitong uri ng pagpapalaki ng anak ay mabuti para sa mga bata dahil maaari rin nilang gayahin ito sa kanilang magiging mga anak.
4. Hayaan silang ipahayag ng mabuti ang kanilang damdamin
Isa sa mga madalas nating marinig sa mga magulang na may anak na lalake ay ang “Huwag kang umiyak, parang hindi ka lalake”, “Strong ang mga lalake”, atbp. kapag sila ay nasasaktan o nalulungkot.
Ayaw rin ng iba na nagpapakita ng sweetness ang mga batang lalaki dahil hindi raw ito dapat ginagawa ng mga tunay na lalaki.
Kabaligtaran naman ito sa mga babae. Sinasabi nilang normal lamang ang pagpapakita ng iba’t-ibang emosyon dahil sadyang ’emotional creatures’ ang mga kababaihan.
Regardless sa edad at kasarian, walang masama sa pagpapakita at pagpapahayag ng tunay na nararamdaman. Hayaan ang mga bata na sabihin nila sa atin ang kanilang nararamdaman.
Kapag pinipilit natin silang pigilan ang anumang emosyon na nararamdaman nila, nagiging matigas ang kanilang puso para sa iba. Nagiging manhid sila at walang pakialam sa kapwa pagtanda nila.
Palakasin ang kanilang loob na sabihin ang kanilang nararamdaman nang sa gayon ay hindi sila mahihiya na ipahayag ang damdamin nila sa iba.
n
5. Protektahan sila sa masamang impluwensiya ng social media at mga palabas sa telebisyon
At dahil digital age na ngayon, mas malaki ang nagiging impluwensiya ng social media at mga palabas sa telebisyon sa persepsiyon at pagpapalaki ng anak.
Mas mabuting gabayan sila sa paggamit ng mga ito at ipaunawa sa mga bata na hindi lahat ng kanilang nakikita ay totoo at dapat na gayahin.
Source:
Basahin:
WATCH: Jinkee Pacquiao proves she has moves in the boxing ring too!