Ano ang mga sintomas ng high blood sa buntis at paano ito maiiwasan?

Ang pagkakaroon ng high blood pressure habang buntis ay isang seryosong kondisyon. Ngunit ito naman ay maaring maiwasan at malunasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

High blood sa buntis: Narito ang mga sintomas, epekto sa pagdadalang-tao at paano maiiwasan para sa kaligtasan mo at ng iyong dinadalang sanggol.

High blood sa buntis

Ayon sa CDC, ang pagkakaroon ng high blood pressure o hypertension ay nangyayari sa isa sa kada 12 hanggang 17 pagbubuntis. Ito ay madalas na nararanasan ng mga babaeng buntis na edad 20-44 anyos.

Ang kondisyon na ito ay maaring magdulot ng problema sa pagbubuntis. Ito rin ay maaring maglagay sa buhay ng dinadalang sanggol sa peligro. At maaring magdulot ng problema sa babaeng nagdadalang-tao kahit siya ay nakapanganak na.

Ayon parin sa CDC, ang ilan nga sa mga komplikasyon na maaring maranasan ng mga babaeng buntis na may high blood pressure ay ang sumusunod:

  • Preeclampsia
  • Stroke
  • Labor induction
  • Placental abruption

Habang ang mga health problems naman na maaring maranasan ng kaniyang sanggol ay ang mga ito:

  • Preterm delivery o pagkasilang sa sanggol bago ang 37 weeks ng pagbubuntis.
  • Low birth weight

Pero ang kondisyon naman na ito ay maiiwasan at malulunasan. Kaya mahalagang malaman ng buntis ang mga impormasyon tungkol dito. Ito ay upang ma-protektahan ang kaniyang sarili at dinadalang sanggol sa mga nabanggit na komplikasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Sanhi ng high blood pressure sa mga buntis

Maraming posibleng dahilan kung bakit nakakaranas ng high blood pressure ang isang buntis. Ayon sa Healthline, ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Pagiging overweight o obese
  • Walang sapat na physical activity
  • Paninigarilyo
  • Pag-inom ng alak
  • First-time pregnancy
  • Family history na may pregnancy-related hypertension
  • Nagbubuntis ng higit sa isang sanggol
  • Edad 35 anyos o higit ng nagbuntis
  • Sumailalim sa assistive reproductive technology tulad ng vitro fertilization or IVF
  • May diabetes o autoimmune disease

Uri at sintomas ng high blood sa buntis

Maliban sa mataas na blood pressure na 130/80 (systolic/diastolic), ang high blood ay walang pinapakitang sintomas. Kaya naman payo ng mga eksperto ay mabuting i-monitor ng isang babae ang kaniyang blood pressure. At kailangan niya itong simulan kung siya ay nagplaplano palang magdalang-tao. Dahil ang high blood pressure sa buntis ay may iba’t-ibang uri. Ito ay maaring lumala kung kaniyang pababayaan habang lumalaki ang sanggol sa kaniyang sinapupunan.

Ang mga uri ng highblood sa buntis ay ang sumusunod:

Chronic Hypertension

Ang chronic hypertension ay ang pagkakaroon ng high blood pressure ng isang buntis bago pa man siya magsimulang mag-dalangtao o bago ang 20th week ng kaniyang pagbubuntis. Kung ito ay mapapabayaan, ang chronic hypertension ay maaring mauwi sa preeclampsia sa pangalawa o pangatlong trimester.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gestational Hypertension

Ang gestational hypertension naman ay tumutukoy sa pagkakaroon ng high blood pressure matapos ang 20th week ng pagbubuntis. Ito rin ang tawag kung ang high blood pressure ay naranasan lang ng isang babae ng siya ay buntis at kung wala namang protein na nakita sa kaniyang ihi.

Ang gestation hypertension ay nawawala pagkatapos manganak ng isang babae. Bagamat, pinapataas nito ang tiyansa na makaranas siya ng chronic hypertension kinalaunan.

Preeclampsia/Eclampsia

Preeclampsia o eclampsia naman ang tawag kung ang isang buntis na may normal blood pressure ay bigla nalang nagkaroon ng high blood pressure. Maliban rito ay may nakita naring protein sa kaniyang ihi o urine. At may iba naring problemang pangkalusugan ang kaniyang naranasan matapos ang 20th week ng pagbubuntis.

Ang pagkakaroon ng preeclampsia ng buntis ay maituturing ng seryosong kondisyon. Dahil sa ito ay maaring makaapekto sa pagdadalang-tao at maaring maglagay sa buhay ng sanggol sa sinapupunan sa peligro.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman mahalagang bantayan ng buntis ang sintomas nito at agad na ipaalam ito sa kaniyang doktor.

Image from Freepik

Ang mg sintomas ng preeclampsia na dapat bantayan ng isang babaeng nagdadalang-tao ay ang sumusunod:

  • Sakit ng ulo na hindi nawawala.
  • Pagbabago o paglabo ng paningin.
  • Pananakit sa bandang itaas na bahagi ng tiyan.
  • Pagsusuka o pagduruwal.
  • Pamamaga ng mukha at paa.
  • Biglang pagtaba o pagbigat ng timbang.
  • Hirap sa paghinga.

Sa oras na makaranas ng nabanggit ay dapat na agad na magpunta sa doktor ang buntis. Ito ay upang malaman ang tunay niyang kondisyon at kung sakali ay agad itong maagapan.

Gamot sa high blood na buntis

Kung ang isang babae ay natukoy na may preeclampsia at siya ay nasa 37 weeks na ng pagbubuntis ay maaring i-rekomenda ng kaniyang doktor na maipanganak niya na ang kaniyang sanggol. Ngunit kung siya ay wala pang 37 weeks ng pagbubuntis ay maaring resetahan siya ng gamot sa high blood na buntis na ligtas sa kaniya. Habang ito ay sinasabayan ng pagbabago sa kaniyang diet.

Ang mga pagbabago sa diet na maaring irekumenda ng doktor sa kaniya ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pag-iwas kumain ng maalat at matamis na pagkain. Pati na ang mga nagtataglay ng saturated fats o trans fats.
  • Pag-tigil sa pag-inom ng alak o paninigarilyo.
  • Pagkain ng mabeberdeng gulay.
  • Pagkain ng mga prutas na rich in fiber at vitamins.
  • Pagbabawas ng timbang.

Image from Freepik

Paano maiiwasan ang high blood sa buntis

Para naman maiwasan ang highblood sa buntis ay narito ang mga dapat gawin ng isang babaeng nagdadalang-tao.

  • Pagpapanatili ng healthy na timbang.
  • Pagkain lang ng masusustansiyang pagkain.
  • Pag-iwas sa pag-inom ng alak at paninigarilyo.
  • Pag-iwas sa stress sa pamamagitan ng yoga o meditation.
  • Manatiling active o mag-exercise.
  • Pagpapatingin o pagpapacheck-up ng regular.
  • Pag-momonitor sa blood pressure.

 

Source:

CDC, Healthline

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Normal lang ba ang pananakit ng singit kapag buntis?