#AskDok: Puwede bang magpahilot o magpamasahe ang buntis?

Ligtas nga ba ang pagpapahilot o pagpapamasahe ng isang ina habang siya ay nagbubuntis? Alamin natin ang sagot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapamasahe o hilot sa buntis pampalaglag nga ba ng dinadalang baby ng buntis? Alamin ang sagot ng duktor tungkol dito.

Image from Freepik

Hilot sa buntis bilang pampalaglag, o pagpapamasahe sa panahon ng pagbubuntis—narinig n’yo na bang ipinagbawal ito ng matatanda, sa paniniwalang makasasama ito sa parehong kalagayan nina mommy at baby?

Para sa mga expecting moms, kung may happiness overload, nariyan din ‘yong mga panic moment at worry attacks. Ito ay dala ng kaiisip ng mga dapat at lalo na ang mga hindi dapat gawin ng isang nanay habang siya ay kasalukuyang nagbubuntis.

Hindi nawawala ‘yung mga tanong, pag-aalala, at takot na baka may gawin kang hindi pala mainam sa kalagayan ni baby sa loob ng iyong sinapupunan. Ang isa nga sa palaging iniuugnay na concern, ang pagpapahilot o pagpapamasahe ng isang buntis. Sapagkat madalas, lalo na kung ayon sa matatandang paniniwala, iniuugnay ang mga activity na ito sa possible risk na magkaroon ng miscarriage ang ina.

Siyempre, para sa ating mommies and daddies na laman regularly ng mga massage and spa, o alaga ng suking manghihilot ang calmness ng mind and body, hindi talaga maiiwasang isipin kung paano na nga ba kapag nagbubuntis na? Tukuyin natin ang mahahalagang kaalaman at dapat isaalaang-alang pagdating sa usaping ito. Sa tulong ng ating nakalap na research at panayam sa isang medical expert mula sa field ng Ob/Gyn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hilot o masahe

Ano ba ang pagkakaiba ng dalawa? Mayroon nga ba?

Maaaring ituring ang hilot bilang isang paraan ng pang-gagamot o paglunas ng karamdaman batay sa partikular na idinaraing ng isang nagpapahilot. Sa puntong ito, itinuturing itong therapeutic massage. Bahagi ng healing effects nito ang pag-gamit ng iba’t iba at matatandang pamamaraan ng paghaplos at paghagod (mas madiin at mabigat) sa bawat tiyak na bahagi ng katawan.

Sa kabilang banda, ang masaheng tampok ngayon ay itinuturing naman bilang isa sa mga recreational activity. Ito ay ginagawa para makapag-relax nang sabay ang isip at katawan ng isang tao.

Epekto ng hilot sa buntis

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Nakapanayam namin ang obstetrician/gynecologist (Ob/Gyn) na si Maria Carla Esquivias-Chua, MD, FPOGS, FPSUOG.

Ayon sa kaniya, sa pangkalahatan, hindi masama ang pagpapahilot o pagpapamasahe ng isang buntis. Bagaman, nakadepende pa rin ito sa bahagi ng katawang hihilutin at sa bigat ng puwersang ia-apply sa paghihilot sa isang babaeng nagbubuntis.

“Depende sa part ng katawan ng nagbubuntis kung ano ang hihilutin o ima-massage. Kasi kung hilot lang ng masakit, usually kapag malaki na ang tiyan ng pregnancy, late in the third trimester na. Usually ‘yong mga legs mo, masakit na. Dahil mabigat na ‘yong katawan mo, masakit na ‘yong mga ugat-ugat mo or minsan ‘yong muscle, ipapahilot mo.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ni Dr. Esquivias-Chua., “Puwede ring massage kasi relaxation din ‘yon dahil kung wala namang specific sprain na nangyari, puwede mo ring ipa-massage.”

Hindi dahil walang kaso in general ang hilot sa buntis. Maaari nang gawin ng mag-asawa o ni mommy ang ganitong klase ng activity nang basta-basta.

Tandaan, mahalagang nalalaman ng attending ob/gyn ng ang daily routines at special activities na ginagawa ng isang expecting mom during her pregnancy, gaya na lamang nga ng pagpapahilot o pagpapamasahe. Ikonsulta sa doktor kung may mga nais gawin habang nagbubuntis, at humingi ng payo at approval bago sumabak sa anumang activity.

Ani Dr. Esquivias-Chua, “Kung whole body spa, kung gusto niyang mag-relax, puwede ‘yong ulo niya, ‘yong back niya, upperback, ‘yong arms, ‘yong legs, lowerback [na] konti, pero ‘yong para sabihin mong ‘yong tiyan niya, ayaw natin ‘yon.”

Mga dapat iwasan sa pagpapahilot o masahe

Tulad ng ibinahagi ni Dok, may iba pang mga dapat isaalang-alang sa buong panahon ng pagdadalang-tao ng isang ina kaugnay ng pagpapahilot o pagpapamasahe.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya, maaaring makasama ang pag-galaw sa tiyan pagpasok ng 2nd trimester hanggang 3rd trimester na mabilog na ang tiyan ni mommy.

“May placenta na ‘yan, e. ‘Yong inunan ng baby kung saan siya nakakapit ‘yong dapat sa matres o sa uterus. Kapag minasahe? Ang hilot pa naman ng mga matatanda, madiin. Puwede nilang madiinan ng todo ‘yong abdomen ng buntis.”

“So, puwedeng mag-cause ng placental detachment, o ‘yung tinatawag nating abruption placenta. So, dangerous ‘yun… hemorrhage ‘yun, e,” dagdag pa ni Dr. Esquivias-Chua.

“Lalo na sa first trimester. Wala pang placenta ang first trimester, ‘no. Nagsisimula pa lang ‘yan nang mga starting 10 to 12—10 weeks is the age of gestation, e. Lalo ‘yon, ‘pag diniinan mo ‘yong puson ay puwede siyang mag-cause ng abortion.”

Kaya malinaw, ayon kay Dok, na sa unang trimester ng pagbubuntis ay hindi pinapayuhan at pinapayagan ang mga buntis na magpahilot o magpamasahe. Hindi lamang ito para sa kaligtasan ng unti-unting nabubuong bata sa loob ng sinapupunan ng isang ina, kundi maging mismo kay mommy na nagdadala—physically, emotionally, at mentally—ng mga hirap at manifestations ng pagbubuntis sa kaniyang katawan.

Sa mga regularly nagpapa-spa o hilot ang mag-asawa pero may instances na naghihinalang buntis si wifey, payo ni Dok na magpa-check up muna sa doktor at kumonsulta.

Kung kinakailangan, mag-undergo muna ng mga test para tiyakin kung existent pregnant si wifey o hindi naman. Makatutulong ito para sa overall safety nina mommy at baby sakaling confirmed ang pregnancy. Maaari pa rin namang ituloy ng mag-asawa ang recreation sa spa kapag natiyak na nila ang resulta.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga benepisyo ng hilot, masahe sa buntis

Image from Freepik

Wala namang bago sa pakiramdam ang naidudulot ng hilot o masahe sa isang babae kung ito man ay buntis na. Nagkakaroon lamang ito ng kaibahan sa pakiramdam gawa ng mga unti-unti at tuloy-tuloy na pagbabagong pinagdaraanan ng katawan ng isang babae sa kaniyang pagbubuntis.

Kabilang sa mga pagbabagong nararanasan during pregnancy:

  • ang paglaki at pagbilog ng tiyan
  • pagtubo ng mga balahibo sa palibot ng tiyan ni mommy at iba pang bahagi ng katawan
  • pangingitim ng mga singit-singit ng katawan
  • kalaunang pagmamanas
  • iba’t ibang indikasyon gaya ng pagsusuka, pagkahilo, pagbaba ng blood pressure, madalas at putol-putol na pag-ihi
  • pagiging maselan o di kaya nama’y pagkahilig sa pagkain

Batay sa mga pag-aaral, ang pagpapahilot o pagpapamasahe ng isang buntis bilang bahagi ng kaniyang therapy ay nakatutulong para:

  • mapapababa ang level of anxiety
  • maiayos at magkaroon ng mahimbing na tulog
  • mabawasan ang iniindang pananakit ng likod at kasu-kasuan sa binti gayundin ang kaso ng pagmamanas
  • mabawasan ang level ng norepinephrine (stress hormone) at cortisol (indicator ng stress) sa katawan
  • makapagpataas ng “feel-good” hormones na serotonin at dopamine
  • dahilan para sa overall improvement ng mood ng mga preggy mom

Ang pinagsama-samang benepisyong ito ng pagpapamasahe ng buntis ay nakatutulong para sa malakas niyang pangangatawan at panatag na kalooban. Bukod sa relief na naibibigay nito kay mommy, malaking bagay ito para sa malusog na growth and development ni baby sa loob ng kaniyang tiyan. Naiiiwas nitong makapag-develop ang baby ng abnormalities, sakit, at kondisyong may kinalaman sa pagka-stress ni mommy dahil sa puyat, pagod, at alalahanin.

MAHALAGANG PAALALA: Hindi layon ng artikulo ang maghatol ng anumang opisyal na medical advice. Kundi ito ay para makapagbahagi lamang ng mga gabay na impormasyon sa ating mga mambabasa.

Para sa mga nagnanais ng karagdagang impormasyong medikal at personal na konsultasyon mula sa ating kinapanayam na ob/gyn, hanapin at i-like lamang ang Facebook page ng kanilang clinic, MCEC Mother and Child OB-Gyne Ultrasound and Pedia Clinc.

 

Other sources: American Pregnancy Association, WebMD, Parents

Basahin: Perineal massage: A guide for pregnant moms