Hindi gusto ng biyenan? TAP moms nag-share ng kanilang horror stories tungkol sa pakikitungo at relasyon nila sa kanilang biyenan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kuwento ng karanasan at relasyon ng mga TAP moms sa mga biyenan nila.
- Paano magiging maganda ang relasyon mo sa iyong biyenan.
Hindi gusto ng biyenan
Paano pakikisamahan ang biyenan, ito na yata ang problema ng karamihan sa atin. Dahil kahit anong ganda ng pagsasama ng mag-asawa, maaaring magkaroon pa rin ng problema kapag ang mga biyenan ay pumasok na sa eksena.
Sa pinakabagong discussion forum sa theAsianparent community tuwing Miyerkules, 9 ng gabi na TAP After Dark ay nagbahagi ang mga mommies’ ng kanilang karanasan at kasalukuyang relasyon sa mga biyenan nila.
Sinagot din nila ang tanong kung bait-baitan ba sila sa harap ng biyenan nila. Sagot ng ilang mommies ay oo, habang hinaing ng iba kahit magbait-baitan, sila ay hindi gusto ng biyenan nila.
Ayon sa isang mommy, ramdam na ramdam niya na hindi siya gusto ng biyenan niya. Dahil kahit umano sa iisang bahay lang sila nakatira ay hindi man lang siya mabati ng mga ito.
“Yong sa akin naman kung hindi pa magluluto ng kaunting handa ang mister ko hindi pa nila ako babatiin. Tapos take note! sa messenger pa ‘yon ha. Hindi sila bumabati ng personal kahit sa iisang bahay lang kami nakatira.”
Hindi pinapansin at ini-etsepwera pa
Ganito rin ang hinaing ng isang mommy na sinasabing hindi man lang nagbibigay ng time ang biyenan niya para makilala siya. Pero ang kinagagalit niya ay kung kani-kanino kine-credit ng biyenan niya ang itsura ng mga anak niya at kinu-kumpara nito ang sarili sa kaniya.
“Tapos ang nakakapikon, kung kani-kanino kinukuha ung namana ng anak ko. Like may dimples si baby, kay ganitong tita daw naman.
Hello!! ako po ‘yong nanay at may dimples din ako, so natural sa akin nakuha ‘yon. Tapos ‘yong pilik mata daw kay ganitong anak niya nakuha. P
ara bang baliwala talaga ako, na ako lang naglabas sa anak ko sa mundong to. Lagi pang kino-compare na siya daw noon nakaya niyang mag isa lang. Imbis na suportahan na lang ako bilang nanay, makakarinig ka pa ng comparison.”
Kung ang naunang dalawang mommies ay nirereklamo na hindi sila pinapansin ng biyenan nila, may mga mommies naman na hindi kinakaya ang pagiging pakialamera ng mga biyenan nila. Pati na ang pagiging pa-victim umano ng mga ito at chismosa.
“Is it me na nahihirapang makisama sa byenang babae? Para kasing kinokontrol nya ako at pinakikielaman sa anak ko.” Ito ang sabi ng isang TAP mommy na sinabi ng isa pang TAP mom na hindi katanggap-tanggap para sa kaniya.
“Mabait ako kapag mabait sa akin. Pero kapag pinapaki alaman na ‘yong pagiging nanay ko, mula sa pinapakain hanggang sa pagpili ng brand ng gatas, nakooo lumalabas ang sungay ko.”
Kailangan pa ng suhol para maayos ang pakikisama ng biyenan
Mayroon namang mga mommies na ginagawa ang lahat para pakisamahan ang mga biyenan nila. Ito ay sa pamamagitan ng pagluluto ng pagkain o tinatawag nilang suhol para umayos umano ang pakikisama ng mga ito sa kanila.
Pero sa kabila nito, sabi ng isang mommy kahit anong ganda ng pakikisama niya may nasasabi pa rin ang mga biyenan niya. Ang masakit ay ginagawa nila ito ng patalikod at ang reklamo nila, hindi naman umano siya kagandahan kaya bakit umano siya nagustuhan ng anak nila.
“Kahit na magaling ka makisama, bait baitan lang din sila. Pero pag nakatalikod ka, may galit pala sa ‘yo. Minsan naririnig ko pa mismo na pinag-uusapan nila ako, na hindi daw ako kagandahan.
Bakit nagustuhan ako ng anak nila, hanggang ngayon itsura ko pa rin issue nila kahit mag-aapat na mga anak namin ng asawa ko. At maganda at ang gagwapo ng mga anak namin. Malaking bagay ba tlga itsura ng tao?”
Ito ang pahayag pa ng isang TAP mom na piniling hindi magpakilala.
Daming pamahiin na kahit nakakasama na ay ipipilit pa
Hinaing naman ng isang TAP mom, hindi lang mukhang pera ang biyenan niya. Mapamahiin ito na talagang ipipilit pa kahit nakakasama na sa kanilang mag-ina.
May iba namang naka-jackpot sa biyenan nila
Pero hindi naman lahat ng moms ay negative ang relasyon sa kanilang biyenan. Mayroong maayos at healthy ang relationship sa in-laws nila.
“Sobrang bait ng biyenan ko, caring pa. Kahit medyo madaldal lang. ‘Yong tipong hindi mo na naiintindihan ‘yong sinasabi niya at wala ng sense ba. Pero pinapakinggan ko pa rin. Senior na kasi eh.
Kaya medyo maramdamin na mga ‘yan ‘pag ‘di pinansin. Magkasundo kami pero minsan nasosopla ko siya kasi ‘yong mga nakasanayan nilang pagpapalaki sa mga bata ang itinuturo niya sa akin which is hindi naman masama sana pero kadalasan mga myths na lang.”
Isa pang mom ang nagbahagi,
“Mabait naman in-laws ko. Kung ano pinapakita ko sa kanila ‘yon na ‘yon. At saka prangka rin mother inlaw ko at palasagot din ako.
Kumokontra ako ‘pag ‘di ako sang ayon sa opinion niya lalo buntis ako ngayon, ‘yon lang. Pero overall okat naman kami pinagagalitan niya panga hubby ko ‘pag nagsusumbong ako na nakaka bwiset anak nila.”
Ayon naman sa isang mommy, kahit noong una ay hindi maayos ang relasyon nilang mag-biyenan ay naging okay na rin ito sa huli. Kahit sa totoo lang ito ay dahil wala ng choice ang mother-in-law niya. Pero ang mahalaga ayos at walang problema sa ngayon ang relasyon nila.
Para naman sa isang TAP mom, mina-mabuti niyang hindi nalang pansinin ang biyenan niya. Pero sinisikap niya pa ring pakisamahan ito ng may respeto para sa ikabubuti ng lahat.
BASAHIN:
Tips para maging maayos ang relasyon mo sa biyenan mo
Mahalaga na kahit ano mang pangit o negatibo ng pakikitungo sayo ng biyenan mo ay mahalin mo parin siya at i-respeto. O kaya naman ay subukan mo pa ring gumawa ng mga hakbang para mapalapit ang loob niya sa ‘yo. Ang mga sumusunod ay maaari mong gawin para maging kasundo mo ang biyenan mo.
Photo by RODNAE Productions from Pexels
1. Itrato sila sa paraan na gusto mong tratuhin ka nila.
Ika ng isang kasabihan, “kung ayaw mong gawin sayo ay huwag mo ring gawin sa kapwa mo.” Kaya kung gusto mong maging maayos ang pakikitungo sa ‘yo ng biyenan mo ay ayusin mo rin ang pakikitungo sa kanila. I-respeto mo sila kung gusto mong respetuhin ka nila at higit sa lahat ay pakitaan sila ng maganda.
2. Panatilihing mababa ang ekspektasyon mo sa kanila.
Laging isaisip na ang pamilya mong pinagmulan ay hindi tulad ng pamilya ng iyong asawa. Kaya naman panigurado may mga bagay kayong hindi mapagkakasunduan.
Upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan mabuting ikaw na lang ang mag-adjust. I-set lang ang iyong expectation ng tama para hindi ka masyadong ma-disappoint o madismaya.
3. Tanggapin na ang iyong biyenan ay parte na ng iyong buhay.
Kung sigurado ka na ang iyong mister o partner ang nais mo ng makasama sa habang-buhay ay kailangan mo na tanggapin ang mga magulang at pamilya niya na hindi iba sa ‘yo.
Kaya naman minsan bagama’t mahirap ay kailangan mo na lang tanggapin ang pakikialam nito sa buhay mo at ng iyong asawa. Hayaan mong maging lessons ang mga ginagawa niya sa relasyon ninyo para ito ay ma-experience mo at matuto ka mula rito.
4. Mag-adjust at respetuhin ang mga biyenan mo.
Kung pinili mong makasama ang anak nila ay kailangan mo ring matutong mag-adjust sa buhay na mayroon sila. Kailangan mong matuto ring makasanayan ang mga tradisyon at paniniwala nila.
Higit sa lahat, kailangan mong respetuhin sa kung sino sila tulad ng respetong ibinibigay mo sa iyong magulang.
5. I-compliment ang anak niya pati na ang iyong biyenan.
Isa sa mga paraan upang mapalapit sa ‘yo ang isang tao ay ang makarinig siya mula sa ‘yo ng mga positibong remarks o komento. Bagama’t minsan ay may makikita kang mali sa ugali o ginagawa ng biyenan mo ay dapat iwasan mong punahin ito.
Sa halip, pansinin lang at purihin ang nakikita mong maganda niyang ginagawa sa ‘yo pati na ng kaniyang anak.
6. Hingin ang kaniyang payo o advice.
Para maiparamdam na nirerespeto mo ang iyong biyenan ay makakatulong din na hingin ang kaniyang payo sa mga bagay-bagay na kinahaharap ng iyong pamilya.
Bagama’t hindi naman dapat at kailangan mong sundin ang mga payo na ito, magiging positibo ang pakiramdam na ibibigay nito sa iyong biyenan.
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
7. Bigyan siya ng regalo o pasalubong sa tuwing bumibisita kayo sa kaniya.
Hindi naman sa nais mong bilhin ang maayos na pakikitungo ng iyong biyenan, ngunit ang pagbibigay sa kaniya ng regalo o material na bagay ay magbibigay sa kaniya ng impression na siya ay lagi mong inaalala at tine-treasure mo na siya ay parte ng iyong pamilya.
8. I-offer ang iyong tulong sa iyong biyenan sa lahat ng oras.
Ang magkakapamilya ay dapat nagtutulungan. Kaya naman bilang pangalawa mo ng magulang ay dapat lagi mong i-offer ang iyong tulong sa iyong mga biyenan. Ito man ay sa kahit anong paraan na alam mong makakatulong o magpapagaan ng kanilang buhay.
9. Magbigay at laging palawakin ang iyong pang-unawa.
Bagama’t mahirap ay kailangan mong magbigay at umintindi para sa ikabubuti ng iyong pamilya. Hindi rin dapat naiipit sa kahit anumang isyu mo ang iyong anak at asawa. At imbis na pagsimulan ng gulo ay dapat maging instrumento ka sa maayos na pagsasama sa loob ng inyong pamilya.
Para sa mga juicy topics ng usaping parenting at pamilya ay umantabay lang sa TAP After Dark tuwing Miyerkules, 9pm sa the Asianparent Community na inyong ma-access sa the Asianparent app.
Source: