Misis na hindi kasundo ang biyenan niya tinawag na isang “mistake o pagkakamali” ang baby niya.
Dahil hindi kasundo ang biyenan, lola tinawag na “mistake” ang apo niya
People photo created by freepik – www.freepik.com
Isang netizen ang ibinahagi ang kaniyang karanasan sa Reddit tungkol sa kaniyang biyenan. Ayon sa netizen ayaw sa kaniya ng biyenan niya. Sa katunayan ay tinawag pa niya ngang mistake o pagkakamali ang baby niya noong ito’y ipinagbubuntis pa. Dahilan ng biyenan hindi umano ito magugustuhan ng kaniyang stepson.
“Her reaction to me being pregnant with DS (darling son) was, ‘Your SS (stepson) hates babies! How could you do that to him?’ She later told me, ‘I thought after your miscarriage last year that you’d have realized God thinks it’s a mistake for you to be pregnant and you guys stopped trying.”
Ito ang pahayag ng netizen sa Reddit.
Dagdag pa niya, hindi umano rito natapos ang pagiging tila malamig na ugali ng biyenan niya sa kaniyang anak. Dahil kahit umano noong baby shower nito’y hindi ito pumunta. Ang dahilan ng kaniyang biyenan uulan kahit na tirik na tirik at mainit ang araw.
Pero may mga sumunod pang ginawa ang biyenan ng netizen na mas nagpalaki ng lamat sa relasyon nila. Ang biyenan niya bigla umano’y sumulpot sa kaniyang hospital room noong araw na maipanganak niya ang baby niya. Ito’y sa kabila ng pagsasabi niya na huwag munang pumasok dahil siya ay nagbibihis pa. Pero hindi nagpapigil noon ang kaniyang biyenan na naka-videocall pa ang ex-partner ng mister niya.
Kaya naman dahil doon ay minabuti nalang ng netizen na iwasan nalang ang kaniyang biyenan. Isang bagay na sinang-ayunan ng anak nito na sinabing hindi rin katanggap-tanggap ang ginawa ng ina.
Ganito rin ba kung makitungo ang biyenan mo sayo? Ano ang iyong ginagawa upang maiwasang magkasamaan ang loob ninyo?
Hindi kasundo ang biyenan? Mga posibleng dahilan
Ayon kay Dr. Ramani Durvasula, isang psychologist at relationship expert may dalawang dahilan kung bakit nagkakaroon ng hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga in-laws. Ito ay ang boundaries at expectations.
“Families can have rather strange boundaries. When an in-law enters a new family situation, he or she inherits those boundaries and the problems associated with those boundaries, [which] can manifest in lots of ways.”
Ito ang pahayag ni Dr. Durvasula. Paliwanag niya ang boundaries ay tumutukoy sa pakikialam ng mga in-laws sa buhay ng bagong mag-asawa. Ang expectations o ang pagkakaiba ng nakasanayan ng magbiyenan o kanilang inaasahan sa bawat isa.
Ayon pa rin kay Dr. Durvasula, bagamat ang mga ito ay hindi na mababago. May mga paraan naman upang hindi masira ng mga ito ang relasyon ng mag-biyenan. Ito ay nakasalalay sayo o sayong asawa.
Ilan nga sa mga paraang ito ay ang sumusunod na makakatulong para maging maayos ang relasyon sa biyenan mo.
Tips para maging maayos ang relasyon mo sa biyenan mo
1. Itrato sila sa paraan na gusto mong tratuhin ka nila.
Ika ng isang kasabihan, “kung ayaw mong gawin sayo ay huwag mo ring gawin sa kapwa mo.” Kaya kung gusto mong maging maayos ang pakikitungo sa ‘yo ng biyenan mo ay ayusin mo rin ang pakikitungo sa kanila. I-respeto mo sila kung gusto mong respetuhin ka nila at higit sa lahat ay pakitaan sila ng maganda.
2. Panatilihing mababa ang ekspektasyon mo sa kanila.
Laging isaisip na ang pamilya mong pinagmulan ay hindi tulad ng pamilya ng iyong asawa. Kaya naman panigurado may mga bagay kayong hindi mapagkakasunduan. Upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan mabuting ikaw na lang ang mag-adjust. I-set lang ang iyong expectation ng tama para hindi ka masyadong ma-disappoint o madismaya.
3. Tanggapin na ang iyong biyenan ay parte na ng iyong buhay.
Kung sigurado ka na ang iyong mister o partner ang nais mo ng makasama sa habang-buhay ay kailangan mo na tanggapin ang mga magulang at pamilya niya na hindi iba sa ‘yo. Kaya naman minsan bagama’t mahirap ay kailangan mo nalang tanggapin ang pakikialam nito sa buhay mo at ng iyong asawa. Hayaan mong maging lessons ang mga ginagawa niya sa relasyon ninyo para ito ay ma-experience mo at matuto ka mula rito.
4. Mag-adjust at respetuhin ang mga biyenan mo.
Kung pinili mong makasama ang anak nila ay kailangan mo ring matutong mag-adjust sa buhay na mayroon sila. Kailangan mong matuto ring makasanayan ang mga tradisyon at paniniwala nila. Higit sa lahat ay kailangan mong respetuhin sa kung sino sila tulad ng respetong ibinibigay mo sa iyong magulang.
5. I-compliment ang anak niya pati na ang iyong biyenan.
Isa sa mga paraan upang mapalapit sa ‘yo ang isang tao ay ang makarinig siya mula sa ‘yo ng mga positibong remarks o komento. Bagama’t minsan ay may makikita kang mali sa ugali o ginagawa ng biyenan mo ay dapat iwasan mong punahin ito. Sa halip, pansinin lang at purihin ang nakikita mong maganda niyang ginagawa sa ‘yo pati na ng kaniyang anak.
6. Hingin ang kaniyang payo o advice.
Para maiparamdam na nirerespeto mo ang iyong biyenan ay makakatulong din na hingin ang kaniyang payo sa mga bagay-bagay na kinahaharap ng iyong pamilya. Bagama’t hindi naman dapat at kailangan mong sundin ang mga payo na ito, magiging positibo ang pakiramdam na ibibigay nito sa iyong biyenan.
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
7. Bigyan siya ng regalo o pasalubong sa tuwing bumibisita kayo sa kaniya.
Hindi naman sa nais mong bilhin ang maayos na pakikitungo ng iyong biyenan, ngunit ang pagbibigay sa kaniya ng regalo o material na bagay ay magbibigay sa kaniya ng impression na siya ay lagi mong inaalala at tine-treasure mo na siya ay parte ng iyong pamilya.
8. I-offer ang iyong tulong sa iyong biyenan sa lahat ng oras.
Ang magkakapamilya ay dapat nagtutulungan. Kaya naman bilang pangalawa mo ng magulang ay dapat lagi mong i-offer ang iyong tulong sa iyong mga biyenan. Ito man ay sa kahit anong paraan na alam mong makakatulong o magpapagaan ng kanilang buhay.
9. Magbigay at laging palawakin ang iyong pang-unawa.
Bagama’t mahirap ay kailangan mong magbigay at umintindi para sa ikabubuti ng iyong pamilya. Hindi rin dapat naiipit sa kahit anumang isyu mo ang iyong anak at asawa. At imbis na pagsimulan ng gulo ay dapat maging instrumento ka sa maayos na pagsasama sa loob ng inyong pamilya.
Source:
KidSpot, NBC News, Psychology Today
Photo:
BASAHIN:
17 Senyales na ayaw sa iyo ng iyong biyenan
7 signs na masyadong nega ang biyenan mo
10 tips para masolusyunan ang problema sa biyenan