Hindi madali maging nanay

The views and information expressed in this article are those of the author and are not necessarily endorsed by Tickled Media or its affiliates. Tickled Media and its affiliates can in no way whatsoever be held responsible for the content of such articles nor can it be held liable for any direct or indirect damage that may arise from them.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Akala ko dati ‘pag naging nanay ka na, mag-aalaga ka lang na anak mo, okay na. ‘Yun pala, sobrang hirap mag-alaga ng anak.

Magkakanda-sugat-sugat ang dede mo sa pagpapa-breastfeed. O kaya ay butas ang bulsa dahil sa sobrang mahal ng gatas at diaper at hindi sapat ang suweldo ng asawa mo. Sobrang hirap maglaba at mag-asikaso pa sa bahay.

Hinding-hindi mo pwede pagsabayin lalo na kung maliit pa lang ‘yong anak mo at wala kang kasamang ibang tao sa bahay mo dahil Ang asawa mo, nasa malayong ;ugar para maghanap ng trabaho para pangbuhay sa inyo.

May mga oras na nalilito ka, hindi mo alam ang gagawin at kung ano-ano na iniisip mo. ‘Yong tipong hindi ka makapunta ng CR dahil kakatalikod mo mo pa lang kay baby iiyak agad. At ikaw naman itong dali-daling tatakbo para buhatin ang anak. Tayong mga nanay, hindi natin matiis ang ating anak, kaunting iyak lang, buhat at padede agad.

Mahirap maging nanay, sa mga katulad kong nakakaranas na ‘di na makaligo ng matagal at makasuklay ng maayos pero ganunpaman, kahit mahirap maging magulang, masaya tayo dito dahil kahit anong hirap ng ginagawa natin, isang ngiti lang ng mga anghel natin, nawawala agad mga pagod natin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

‘Pag naging nanay ka na, hindi mo na iiisipin sarili mo dahil nakatuon na atensiyon mo sa anak mo, ‘yong pangangailangan mo, isasantabi mo na ‘yan. ‘Pag naging nanay ka na, marami kang gustong plano para sa anak mo dahil tayong mga nanay, wala tayong ibang hinangad kundi kabutihan para sa ating mga minamahal na anak.

‘Pag naging nanay ka na, ‘yong mga ginagawa mo nung dalaga ka pa, bihira mo nalang magagawa dahil may limitasyon at responsibilidad ka na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya sa lahat ng katulad kong mga nanay diyan, saludo ako sa inyo. Kahit gaano kahirap ang buhay ngayon, lagi lang magdarasal at huwag mawalan ng pag-asa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

jalyme pahe