Hindi magkasundo sa pagdidisiplina sa mga anak? Pamilyar ka ba sa parenting double standards? Kung hindi ay basahin ito dahil kailangan mong malaman na may masama itong epekto sa iyong anak.
Hindi magkasundo sa pagdidisiplina
Sa post na ito mula sa Mommy Diaries PH, makikita na hindi talaga nakabubuti sa bata ang pagkakaroon ng magkaibang standards.
Upang mas mapalawak pa ang usaping ito, kinapanayam namin siya at ito ang mga importanteng bagay na kailangan niyong malaman tungkol sa hindi magkasundo sa pagdidisiplina o parenting double standards.
Mas madali silang mapasunod
“Kasi mas malinaw sa bata kung ano ang bawal sa hindi. Alam niya ‘pag sinabing hindi ay “hindi” ang sagot sa parehong magulang niya at kakalakihan niya ang ganitong disiplina.”
Kapag kasi hindi pareho ang desisyon ng mommy at daddy, puwedeng maghanap ng kakampi ang bata sa inyong dalawa. Sa ganitong paraan, mas mahihirapan kang pasunurin siya dahil sa tingin niya ay palaging may papanig sa kanya.
Pagkakasundo ng mag-asawa sa mga rules at pagdidisiplina ng anak
“We gather our thoughts sa mga ginawa ng anak namin. Kung may kailangan kaming ibahin sa approach namin sa pagpapalaki sa kanya at pag disiplina, pinaguusapan namin ‘yun nang maayos.”
Wala namang hindi madadaan sa pag-uusap. Sa una talaga ay magkakaroon ng differences ngunit hindi naman ito dapat ikabahala. Habang tumatagal ay maiwo-work out niyo rin ito at sa huli ay magkakaroon ng pagkakaintindihan tungkol sa hangarin ng isa’t isa. Pareho niyo lang naman na gusto ang best para sa inyong mga anak, kaya lang ay kadalasang nagkakaiba ng pananaw at approach ang bawat magulang.
Ang importansya ng communication sa mag-asawa para sa pagpapalaki ng anak
“Sa pamilya, we have to be united, para mapuntahan natin ang goal, ang maging happy at harmonious ang pamilya, at maging “home” talaga ang home. Kasi nandito ang foundation ng pagkatao nila, sa bahay.”
Nasa mga magulang nakasalalay ang pagkahubog ng ugali at pagkatao ng mga anak. Kaya naman dapat ay kayo mismo ng iyong asawa ay mayroong open communication.
Tips para sa mga hindi maiwasan na hindi magkasundo sa pagdidisiplina
“Kailangan na ang intensyon ay pang long term — ang mapalaking mabuti ang mga bata — alam ang tama sa mali, mabuti ang puso, may concern sa kapwa, sensitive sa nararamdaman ng mga tao na nasa paligid nila at iba pa.
Kasi minsan, mag-gi-give in tayo sa mga pakiusap ng bata o iyak. Short term, sasaya sila kasi binigay natin ang gusto nila.
Pero long term, matututo sila na i-manipulate tayo. Ang maiisip nila, iiyak na lang ako kasi dati ganun ang ginawa ko, tapos binigay ni nanay o tatay ang gusto ko.
Maliban dito, hindi natin maituturo sa kanila ang pagiging disiplinado. Ang value ng mga bagay, sense of responsibility to name a few.”
Basahin:
Parenting trends na siguradong mauuso sa 2020
Source: