Nakakaramdam ka ba na tila hindi mo mahal ang sarili mong anak? May iba’t ibang dahilan ang eksperto kung bakit dumadaan sa ganitong phase ang isang magulang.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Pananaw ng mga eksperto hinggil sa pakiramdam na hindi mo mahal ang anak mo
- Dapat gawin kung nakakaramdam nito
Pananaw ng mga eksperto hinggil sa pakiramdam na hindi mo mahal ang anak mo
Minsan mo na rin bang tinitigan ang anak habang natutulog at naisip na hindi mo ito mahal? O kaya naman hindi ka masaya sa maraming accomplishments na nagagawa niya?
Palagi na lamang bang negative na emosyon ang nababato mo sa kanya? Ang mga dahilang ito ang maaaring maging sanhi upang maisip mong hindi mo mahal ang iyong anak.
Kung naiisip mong masama ka dahil dito, huwag kang mag-alala dahil maraming magulang ang may kaparehong kalagayan tulad ng iyo.
Marami ang maaaring panggalingang dahilan kung bakit nararanasan ito ng mga magulang.
Ayon sa mga eksperto, ito ang ilan sa kanila:
- Pagkakaroon ng postpartum depression – Ang postpartum depression ay ang ‘chemical changes that your body goes through during pregnancy and delivery often affect your emotions and can create conditions powerful enough to cause depression after birth.’
Maaaring maging pangunahing dahilan kung bakit nararamdaman mong hindi mo mahal ang anak mo ay dahil sa kalagayang ito na nararanasan ng halos malaking populasyon ng mga nagbuntis.
Dahil sa biglaang pagbabago sa emosyon, nagdudulot ito ng depression na sadyang nakaaapekto sa tao upang lalong mahirapang mahalin ang sarili at ang iba.
- Maraming pagsisisi sa buhay – Kung pakiramdam mo ay marami kang hindi pa nagagawang nais mo matupad sa buhay malaki ang tyansang isisisi mo ito sa iyong anak kung bakit ito nangyayari.
Posibleng maisip mo na malaking parte kung bakit hindi mo magawa ang mga pangarap mo ay dahil napupunta na lamang ito sa pag-aalaga ng iyong anak.
- Pagkakaroon ng childhood trauma – Maaaring isa ka sa mga magulang na nagkaroon ng neglectful na magulang kaya maraming beses mong naranasang hindi ka mahal nila. Ang mga ganitong pagkakataon ay nadadala hanggang sa pagtanda. Kaya naman naipapasa ng mga may childhood trauma na nanay ang ganito sa kanilang anak.
Mapapansing mong naaabuso mo na rin ang anak dahil sa mga negative interactions ninyo, emosyonal man o physical.
- Pakiramdam ng pagseselos sa sariling anak – May mga pagkakataon na nakikipag-compete ang mga magulang sa sarili nilang anak. Maaari ring galing ang ganitong reaksyon kung sa pinagmulan mong pamilya ay nakuha mo ang pagkakaroon ng mababang self-esteem.
Nakikipaglaban ka pa rin na mapansin ka dahil mula ito sa karanasan noong pagkabata. Kaya nga maaaring magkaroon ng pagkakataong sa tuwing may nagagawa ang anak o napapapansin ng iba ay hindi mo ina-acknowledge ang galing niya.
Dadating sa punto na kung labis-labis na atensyon at accomplishments ang mayroon sila ay gagawin mo ang lahat mapababa lamang ang kanilang self-esteem.
- Hindi masaya sa asawa – Isa sa pwedeng panggalingang dahilan ang hindi pagiging masaya sa buhay may asawa. Maaari kasing tinitignan mo ang anak bilang natatanging dahilan kung bakit pa kayo nagsasama ng iyong asawa.
Maiiisip mo na kung wala siya matagal ka nang nakawala sa relasyon na hindi ka naman na masaya. Kaya nga may mga pagkakataong mabubuhos mo ang frustration na ito sa iyong anak.
- Kaliwa’t kanang trauma sa magulang – Dahil minsan ka ring naging bata, malaking papel ang history ng iyong pamilya kung bakit maraming negative emotions ang napapasa sa anak.
Isa sa pinakadahilan ang pagkakaroon ng toxic na magulang. Kadalasang nagiging defense mechanism ng ganitong tao ang paglimot sa pagpaparamdam ng pagmamahal sa iba.
BASAHIN:
Postpartum tummy: Normal bang mukha pa rin akong buntis after manganak?
Ano ang baby growth spurts at paano maaalagaang mabuti ang iyong anak sa stage na ito?
A mom’s traumatic birth experience: “I got a total of four IEs, I was already bleeding”
Dapat gawin kung nakakaramdam nito
Kung ang ilan sa mga ito ay nararanasan mo ngayong magulang ka na, pinaka mainam na gawin ay ang kumonsulta sa eksperto hinggil sa iyong kalagayan.
Sa pamamagitan ng self-analysis malalaman mo ang iba’t ibang developmental history na maaaring panggalingan ng iyong negative emotions. Sa pagbabalik tanaw sa iyong kabataan, makikita mo ang mga childhood patterns na nakaaapekto sa pagtrato mo sa iyong anak.
Mabibigyan pa ng lunas ang iyong past trauma at magkakaroon ka ng self-awareness tungkol sa iyong parenting style. Ito ay kung hihingi ka ng tulong sa mga eksperto. Sa pamamagitan nito mapapabuti ang relasyon ninyong mag-ina.