Hindi makakain ng tama sa unang Trimester ng Pagbubuntis

The views and information expressed in this article are those of the author and are not necessarily endorsed by Tickled Media or its affiliates. Tickled Media and its affiliates can in no way whatsoever be held responsible for the content of such articles nor can it be held liable for any direct or indirect damage that may arise from them.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Good day, Mommies. Unang pagbubuntis ko po ito at sa ngayon po ay mag aanim na buwan na po. Share ko lang po ang experience ko noong first trimester pa lang po ng pagbubuntis ko.

Dati pa man ay alam ko na ang paglilihi ng isang buntis ay hindi raw madali dahil iba-iba ang nararanasan ng mga nagdadalang-tao. Simula po nung nalaman ko na buntis ako ay nasabi ko po talaga na hindi biro dahil sa part ko, hindi rin naging madali.

Sa pagbubuntis ko pong ito, una ko pong nasabihan ang pamilya ko, ang ate, mama at papa ko pero nasa bahay po iyon ng ate ko dahil nagbabakasyon sila nun sa kanila. Kami ng partner ko ay umuwi doon ng dalawang araw lamang para makasama din sila.

Isang araw po kasi habang kumakain na kaming lahat ng almusal ay napansin ko na nawala ang gana ko sa pagkain, yun bang ayoko talaga ang amoy at lasa niya. Kaya dun nagsimula na hindi na ako nakakakain ng marami at maayos. Ayaw ko po ang amoy ng kanin, ayaw ko rin po ang lasa ng lechon manok at inihaw na karne ng baboy, pati na rin ang lasa ng gatas at soft drinks.

Parang nag-iba lahat, pero sabi ng pamilya at partner ko kailangan, parin may laman ang tiyan ko. Kaya ang ginawa ko na lang po ay pinilit ko pong kumain ng kanin at ulam. Para magawa ko yun, sinabayan ko na lang ng pag-inom ng tubig para kahit papano ay may laman ang aking tiyan at hindi mag-trigger ang aking ulcer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sobrang nahihirapan po ako kasi kahit gustuhin ko po talagang kumain kung anong pagkain meron kami at ng marami ay hindi ko po magawa.

Ang nangyari po tuloy, pangalawang prenatal checkup ko po sa OB ko ay nasabihan ako ng assistant secretary niya pagkatapos makuha ang timbang ko na bumaba daw po ang timbang ko at tinanong ako na wala raw po ba akong gana kumain. Kaya sabi ko, kahit anong pilit ko hanggang limang kutsara lang talaga ng kanin na may ulam at kailangan ko pong sabayan sa pag-inom ng tubig para lamang po malunok ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Buti na lang at hindi ko po sinusuka kasi iniisip ko na paano na lamang ang aking ulcer ang sakit pa naman pag nag-trigger.

Napansin ko po nun na ang tinatanggap lamang ng aking sikmura na pwede ko talaga malunok ay mga prutas o ‘di kaya ay mga gulay na hindi matatapang ang amoy.

Pagkatapos po ng apat na buwan, saka po lamang nabalik ang aking gana sa lahat ng pagkain at masayang masaya ako doon kasi hindi na ako namimili at makakain ko na ang gusto ko po. Mas lalong mababalik na rin po ang aking tamang timbang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iyon lang po at Maraming Salamat sa pagbabasa.