STUDY: Hindi makatulog? Maaaring makatulong di-umano ang mainit na paligo

Alamin sa pag-aaral na ito kung paano nga ba makakatulong ang mainit na paligo sa iyong matiwasay na pagtulog buong gabi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi makatulog? Ayon sa isang pag-aaral sa Unibersidad ng Texas sa Austin, maaaring makatulog di-umano sa iyong pagtulog ang mainit na paligo isang oras o dalawa bago matulog.

Temperatura ng katawan

Ayon sa doctor na si Shahab Haghayegh ang temperatura di-umano ng katawan ay pabago-bago sa buong araw at ang temperatura ng katawan bago matulog ay bumababa hanggang 0.5 at 1 degree Fahrenheit. Nangyayari ito dahil sa nire-regulate ng hypothalamus sa utak ang temperatura ng katawan isa na nga rito ang sleep-wake cycle ng isang tao.

Pahayag nga ni Dr. Haghayegh at ang kanyang team sa nalathala sa Sleep Medicine Reviews, ideal di-umano na mainit na paligo ay umaabot sa temperatura na 104 hanggang 109 degrees Fahrenheit upang ma-maximize di-umano ang epekto nito sa temperatura ng ating katawan.
 
Ang naging pagsusuri nga ay dapat water-based passive heating ang makakatulong sa ating pagtulog at mag-cool off ang katawan natin.

Ano ang resulta ng pag-aaral?

Ayon kay Dr. Haghayegh, ang mainit na paligo ay dapat talagang gawin ng mga isa o dalawang oras ang pagitan sa pagtulog dahil hindi ganun ka-epektibo ito kung 15 minuto bago matulog dahil baka hindi raw pareho ang maging epekto nito.

Importante rin daw na 104 hanggang 109 degrees ang temperatura, dahil nga sa mainit na paligo nagkakaroon ng inverse effect ito sa ating mga katawan kung kaya’t ito ay nagcoo-cool down ito bago matulog. Kung maliligo tayo ng malamig na tubig mas marahil mahirapan nga raw tayong makatulog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ginagamit nga di-umano ng team ni Dr. Haghayegh ang pag-aaral na ito upang makabuo ng isang prototype na water bed na gagamit nga ng tubig upang makatulong ma-regulate ang isang temperatura ng tao at blood pressure nito at syempre ma-optimize ang pagtulog nito buong gabi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
 
Source: CNN
 
Basahin: