Babae, hindi na tinuloy ang pagpapakasal, tinawag pang "pangit" ang boyfriend

Plano na raw nilang magpakasal, ngunit bigla raw nakipaghiwalay ang kaniyang girlfriend na di umano'y hindi pa annuled sa dating asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Komplikado ang pagkakaroon ng relasyon. Kung sa mga mag-asawa nga ay nagkakaroon na ng hindi pagkakaunawaan, lalo na kung sa mga mag-nobyo pa lamang. 

Ganito ang nangyari sa dating magkarelasyon, matapos silang magkahiwalay sa isa’t-isa. Ayon pa sa ulat ay hindi pa annuled sa dating asawa ang babae, at tinawag pa raw nitong “pangit” ang kaniyang boyfriend.

Babae, hindi tinuloy ang pagpapakasal, at tinawag na “pangit” ang boyfriend

Kwento ng 34-anyos na OFW na si Ferdinand Agam, malaki na raw ang kaniyang naipadalang pera sa girlfriend niya na si Lyn Migano dito sa Pilipinas nang siya ay hiwalayan nito. Dagdag pa niya, tinawag pa raw siyang panget matapos sabihin ni Lyn na hindi na raw tuloy ang kanilang kasal.

Dahil dito, lubos ang naging kalungkutan ni Ferdinand, na bukod sa nagpundar ng malaking pera para sa kanilang relasyon, ay hiniwalayan pa ng kaniyang girlfriend.

Ayon naman kay Lyn, hindi naman raw siya nakipaghiwalay sa kaniyang dating nobyo dahil sa hitsura nito. Aniya, napaka-seloso raw kasi ni Ferdinand, at pinagseselosan pa ang dati niyang asawa dahil hindi pa annuled ang dalawa.

Dagdag pa ni Lyn, inaway raw siya ni Ferdinand dahil pinayagan niyang sumama ang ama ng kaniyang anak sa graduation ng bata. Inakala ni Ferdinand na magkakabalikan na raw sila ng dating asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito rin daw ay isa sa mga dahilan kung bakit piniling hiwalayan ni Lyn ang nobyo, kahit na mayroon na silang planong magpakasal.

Panoorin dito ang video ng insidente:

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi puwedeng magpakasal kung hindi pa annuled sa dating asawa

Para sa maraming mga Pilipino, sagrado ang pagpapakasal. Hangga’t-maaari nga ay ayaw ng mga mag-asawa na maghiwalay, at pinipiling solusyonan muna ang mga problema.

Ngunit mayroong ilang mga pagkakataon na hindi talaga nagkakasundo ang mga mag-asawa. At dahil wala pang diborsyo sa bansa, annulment lang ang magagawa nila. Ibig sabihin, ipapawalang-bisa ang kasal sa korte, at matapos nito ay puwede nang makapag-asawa ang na-annul.

Dahil na rin siguro sa gastos na kinakailangan sa annulment, hindi na nagagawa ng ilang mga nais humiwalay sa asawa ang magpa-annul. Ngunit kahit na hindi na sila nagsasama sa iisang bubong, hindi nito ibig sabihin na puwede na silang magpakasal sa ibang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Importante na annuled muna ang isang tao bago siya makapag-asawa muli, dahil kahit na hiwalay sila ng dating asawa, sa mata ng batas ay kasal pa rin sila. Kung hindi magpa-annul, ay posibleng magkaroon ng maraming komplikasyon at problema kung gugustuhin ng isang tao na magpakasal muli.

Source: Facebook

Basahin: Divorce and annulment in the Philippines: What’s the difference?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara