Hindi pa handang maging tatay. Ito ang lagi nating sinasabi sa mga lalaking tumatalikod sa kanilang responsibilidad. O kaya naman ay hindi pa rin ginugustong magkaanak sila ng kanilang partner. Pero kahit ang mga lalaking magkaka-anak na o buntis na ang asawa ay nakakaramdam parin ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga dahilan kung bakit hindi pa handang maging tatay ang lalaki
- Pahayag ng eksperto patungkol rito
Ayon sa isang pag-aaral, ang mga dahilan kung bakit ganito ang pananaw ng lalaki ay hindi lang basta dahil sa bigat ng responsibilidad ng pagiging magulang. Marami rin silang ibang factors na isinasaalang-alang at kinatatakutan. Sa pamamagitan ng content analysis ay narito nga ang natuklasan ng isang pag-aaral.
Mga dahilan bakit hindi pa handang maging tatay ang ilang lalaki
Karamihan umano sa mga pag-aaral tungkol sa kahandaan ng pagiging isang magulang ay tumutukoy lamang sa nararamdaman o point of view ng mga babae, isang pag-aaral ang sinubok na maunawaan naman ang point of view ng mga lalaki ukol sa usapin. Isinagawa ito sa pamamagitan ng content analysis na ibinase sa mga post sa isang forum sa Reddit. Ang pag-aaral ay isinagawa ng mga clinical psychologist na sina Pamela D. Pilkington at Holly Rominov na pinamagatang Fathers’ Worries During Pregnancy: A Qualitative Content Analysis of Reddit.
Sa pagsasagawa ng pag-aaral ay unang pinili ng mga researcher ang mga post na tumutukoy sa fear at worries ng mga lalaki na malapit ng maging isang magulang. Saka nila nito isinala at inalyze para makabuo ng konklusyon. Sa kabuuan ay nakakalap sila ng 535 post sa Reddit tungkol sa usapin mula sa 426 na iba’t ibang users. Narito ang kanilang natuklasan.
Baby photo created by freepik – www.freepik.com
Nag-aalala sila sa maging well-being o buhay ng kanilang magiging anak.
Nasa 50.8% ng kabuuang bilang ng mga post ng mga lalaking napabilang sa ginawang analysis ang nagsabing labis silang nag-aalala sa magiging buhay ng kanilang magiging anak. Partikular na ang tiyansa na sila ay mawala o maging biktima ng miscarriage na ikinatatakot ng 23.0% ng mga lalaking napabilang sa pag-aaral. Lalo na ang may partner na nasa 1-3 trimester palang ang pagbubuntis. May 2.8% naman ng mga post ang nagsabing natatakot rin sila sa posibilidad na magkaroon ng abnormalities ang kanilang magiging anak. Habang may 4.0% ng mga post ang nagsabing nag-aalala sila sa kahihinatnan o kabutihan ng sanggol kapag ito ay naipanganak na.
Nag-aalala sila sa maging well-being ng kanilang partner.
Maliban sa kahihinatnan ng kanilang magiging anak ay natatakot rin sila sa maaaring mangyari sa kanilang partner. Nag-aalala sila sa epekto ng panganganak at kalusugan ng kanilang partner. O ang banta nito sa kanilang buhay na ipinahiwatig ng 10.8% ng mga nakalap nilang posts.
Photo by Amina Filkins from Pexels
BASAHIN:
Kahulugan ng pagmamahal: Pagkakaiba ng pagkagusto at umiibig
STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa
STUDY: Mas mahaba raw ang buhay ng mga tatay kapag may anak na babae
Iniisip nila na maaaring magdulot ito ng pagbabago sa pagsasama nilang mag-partner o kaya naman ay may problema pa silang kinakaharap.
Isa rin sa inaalala ng mga lalaki ay ang maaaring magdulot ng pagbabago sa pagsasama nilang mag-partner ang pagdating ng isang sanggol. Nasa 1.9% ng post ang nagsabing maaaring mabago nito ang kanilang sex life. Habang may 4.2% ng posts ang nagsabing sa kasulukuyan ay may problema silang magka-partner na nagdagdag sa pag-aalinlangan nila.
Pag-aalala na maaaring mabago nito ang kanilang lifestyle at hindi pa handa sa role ng pagiging ama.
May 2.3% ng post ang nagsabing natatakot din sila na ang pagiging ama ay maaaring magdulot ng pagbabago sa lifestyle nila. Habang nasa 5.3% ng mga post ang sinasabing hindi pa talaga sila handa sa role ng pagiging ama. Lalo na kung babalensehin ang oras sa pagiging ama ng tahanan sa kanilang career o hanapbuhay.
Baby photo created by freepik – www.freepik.com
Wala pa silang sapat na ipon para matustusan ang pangangailangan ng kanilang anak.
Isa pa nga sa sinasibi nilang dahilan kung bakit hindi pa handang maging tatay ang mga lalaking napabilang sa pag-aaral ay ang katumbas na responsibilidad at gastos nito. Nasa 7.0% ng nakalap na posts ang nagpahiwatig nito.
Maliban nga sa mga nabanggit, ilan pa sa mga nakalap na dahilan ng pag-aaral ay ang kinakaharap na problema ng mga lalaki sa kanilang pamilya o kaibigan. Ganoon din sa kanilang trabaho. Inaalala rin nila ang magiging gender ng kanilang anak. Kung ano ang ipapangalan sa kanilang anak at kung magiging compatible ba ito sa kanilang alagang hayop.
Mula sa naging resulta ng isinagawang pag-aaral ay may rekumendasyon ang mga researcher na nagsagawa nito. Ito ay ang dapat mas malinawagan ang mga lalaki sa role at responsibilidad ng pagiging ama. Makakatulong umano ang social media upang ito ay maisagawa. Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng forum na pangungunahan ng mga experts at health professionals. Dahil sila ang tamang tao na makakasagot sa mga concerns at worries nila sa pagbubuntis at panganganak. Pati na sa pagtupad ng kanilang bagong responsibilidad sa pagbuo ng isang pamilya.
Source:
Photo:
Photo by Laura Garcia from Pexels