Ang screen time ng mga sanggol ay dapat hindi pinapahintulutan hanggang wala pa silang dalawang taong gulang. Ang paglimita naman ng screen time hanggang isang oras lamang bawat araw ay pinapayo sa mga 2 taong gulang hanggang 4 na taong gulang.
Ang payo na ito ng WHO ay tumutuon sa mga batang hinahayaan manood sa TV o computer screen at binibigyan ng tablet at mobile phones para maaliw. Nais ng WHO na tanggalin ang kawalang galaw ng mga bata, isa sa mga pinakamalaking sanhi ng pagkamatay at mga sakit na konektado sa pagiging sobrang taba. Ito ang unang beses na nagpapayo ang WHO tungkol sa pisikal na aktibidad, kawalang galaw na paguugali at pagtulog ng bata na wala pang 5 taong gulang.
Kasama sa babala ng WHO laban sa screen time, sinasabi rin nila na ang mga sanggol ay hindi dapat lumalagpas nang isang oras sa car seat, stroller o carrier.
Mga payo ng WHO
Para sa mga sanggol
- Maging aktibo nang maraming beses sa isang araw, kasama na ang 30 minuto na nakadapa
- Bawal ang screentime
- 14 hanggang 17 na oras nang tulog para sa mga bagong panganak at 12 hanggang 16 na oras naman sa mga 4 hanggang 11 na buwan.
- Hindi dapat naka-upo sa isang lugar nang lagpas isang oras
Para sa mga 1 hanggang 2 taong gulang
- Hindi bababa nang 3 oras na pagiging aktibo sa isang araw
- Walang screen time sa mga 1 taong gulang at hindi lalagpas nang isang oras na screen time para sa mga 2 taong gulang
- Hindi dapat nakaupo sa isang lugar nang lagpas isang oras
Para sa mga 3 hanggang 4 na taong gulang
- Hindi bababa nang 3 oras na pagiging aktibo sa isang araw, kung saan may isang aktibidad na talagang nakakapagod
- Hanggang isang oras na screen time, mas maganda kung mas mababa
- 10 hanggang 13 na oras nang tulog
- Hindi dapat naka-upo sa isang lugar nang lagpas isang oras
Ayon sa mga eksperto
Sa US, pinapayo ng mga eksperto na huwag papagamitin ng gadgets ang mga bata bago mag 18 na buwan ang edad. Sa Canada, hindi inirerekomenda ang screen time sa mga bata bago mag 2 taong gulang.
Ngunit sa UK, hindi pinipigilan ang mga magulang na magbigay ng screentime sa mga bata. Ito ay dahil sa kakulangan ng ebidensya ng WHO. Sinasabi rin ng mga eksperto sa UK na hindi maiiwasan ang screen time lalo na kung may iba pang bata na masmatatanda sa pamamahay.
Ang magagawa ng mga magulang
Ayon sa Royal College of Paediatrics and Child Health, maaaring itanong ng mga magulang sa kanilang sarili ang mga sumusunod:
- Kontrolado baa ng binibigay na screen time sa mga bata?
- Nakakahadlang ba ito sa mga gustong gawin ng pamilya?
- Naaapektuhan ba nito ang pagtulog ng mga bata?
- Nako-kontrol ba ang pagkain ng bata habang nanonood o naglalaro?
- Kung ang pamilya ay nasisiyahan sa mga sagot sa mga tanong na ito, masasabi na tama lamang ang kanilang ibinibigay na screen time sa mga bata.
Source: BBC
Basahin: Your kids don’t have a problem with screen time – YOU do!