Para sa mga moms natin na hirap dumumi pagkatapos manganak, talaga namang isa ito sa struggle ninyo. Karaniwang nararanasan ng mga nanay pagkatapos manganak ay ang constipation.
Problem solved na mga mommy! Sapagkat narito ang mga dapat gawin para maiwasan ang constipation at makadumi na ng maayos ang ating pinay moms.
Postpartum recovery: 8 tips sa pagdumi para sa mga bagong panganak
Sa pagbubuntis, mararanasan mong manganak ng tatlong beses. Una ay ang baby, sumunod ang placenta at pinakahuli ang iyong unang pagdumi.
1. Palaging uminom ng tubig
Hindi pa tapos ang laban ni mommy pagkatapos nilang manganak. Kailangan mong magkaroon ng sapat na fluid sa iyong katawan para sa magandang bowel movements. Kailangan ng iyong bituka ang tubig para sa magandng pag absord ng nutrients mula sa kinain mong pagkain.
Maaaring ihalo ang coconut water sa tubig na iinumin mo. Ito ay mataas sa potassium at may pagkakatulad sa electrolyte beverage.
2. Kumain ng tama
Hindi lang dapat kumain ng healthy foods habang nagbubuntis. Mahalaga pa rin na ipagpatuloy ito kahit na tapos nang manganak. Tandaan, ikaw ay nagpapadede pa rin sa iyong newborn baby. Mahalaga ito sa pag-produce ng breast milk.
Bukod dito, ang mga pagkaing mataas sa fiber katulad ng apple, saging, patatas, carrots o oatmeal ay mahalaga sa pagkakaroon ng magandang bowel movement. Kasama na rito ang fiber supplement katulad ng Metamucil.
Tumatagal ng 3 buwan ang constipation ng bagong panganak kaya naman kailangang tandaan ang mga ito.
3. Tandaan ang tamang paghinga!
Nakakatulong ang maayos na paghinga para makalabas ang iyong dumi.
Kapag dumudumi ang isang tao, ang lagi nilang ginagawa ay hihinga, pipigilan ito at saka ibubuga. Sadly, hindi ito makakatulong para sa constipated moms. Ang kailangan mong gawin ay huminga at saka dahan-dahang pakawalan ang hangin kasama na ang paglabas ng iyong dumi. Ingat lang lalo na sa mga dumaan sa c-section!
4. Humingi ng advice sa iyong doktor
Kung ikaw ay nakakaranas ng constipation at marami na ang nasubukang tips tungkol rito, maaaring humingi ng advice sa iyong doktor kung ano ang kailangan mong gawin para lumambot ang iyong dumi. Maaaring humingi ng gamot na pangpalambot ng dumi. Mahalaga na magpakonsulta muna sa iyong doctor bago sumubok ng mga ganitong bagay.
5. Exercise? Exercise!
Mahalaga ang proper exercise sa mga buntis ngunit hindi lahat ay inaabiso para rito. Lalo na kung ikaw ay may sensitibong pagbubuntis o dumaan sa c-section. Ngunit kung makakaya at safe namang mag ehersisyo, magsagawa ng daily exercise. Umpisahan sa paglalakad!
6. Gumamit ng donut pillow
Para sa mga nanay na mayroong hemorrhoids, makakatulong ang paggamit ng donut pillow o sitz bath. Maaalis nito kahit papaano ang discomfort na nararamdaman sa ibabang parte.
7. Iwasan ang pagkain ng mga mamantika
Isa sa mga nakakaapekto sa paglabas ng dumi ng tao ay ang kinakain nila. Kaya naman iwasan muna ang pagkain ng mamantika at matatabang pagkain. Mas makabubuti na kumain ng gulay o prutas na mataas sa fiber.
8. Bilangin ang pagdumi
Mahalagang i-track ang bilang ng pagpunta sa banyo para dumumi. Magadang ugaliin ito lalo na kung ikaw ay magpapakonsulta sa doktor. Madaling malalaman nila ang iyong kalagayan dahil dito.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.