Narinig mo na ba ang hiwalayan ng mag-asawa sa tuwing paglagpas daw ng walong taon? Ano-ano nga ba ang dahilan nito? Pag-usapan natin iyan sa artikulong ito.
Iba’t ibang dahilan kung bakit maraming mag-asawa ang naghihiwalay pagtapos ng 8 taong pagsasama
Ano-ano ang dahilan kung bakit nauuwi sa hiwalayan ng mag-asawa matapos ang walong taong pagsasama? Alamin iyan dito. | Larawan mula sa Pexels
Mahirap talagang abutin ang forever, ika nga. Ang sabi pa nga sa ilang pag-aaral, marami raw sa mga mag-asawa ay naghihiwalay pagsapit ng walong taon.
Sa maraming taong pagsasamang ito ay tiyak maraming pagbabago. Naririyan ang emotional, mental, at iba pang aspeto. Kaya nga hindi maiiwasang hindi na rin nagtatagpo ang mga gusto at hindi ninyo gusto.
Inilista namin ang ilang sa mga dahilan kung bakit hindi nagtatagal ang magkarelasyon matapos ang walong taon:
1. Walang pagbabago kaya nauuwi sa hiwalayan ng mag-asawa.
Ang hindi pagbabago ay isang dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag-asawa. | Larawang mula sa Pexels
Maaaring maraming chance nang pinagbigyan ang isa’t isa. Sa mga unang taon ay maaaring kinakapa pa ang pagbabago. Kung matapos ang ilang taong pagsasama at ganito pa rin, nagiging dahilan ito para magsawa sa isa’t isa.
2. Magkaiba na ng goals sa buhay kaya naman iba na rin ang priority.
Dahil nga hindi naiiwasana ng changes, maaaring ang goals ay magkaiba na rin. Siguro ay hindi na ninyo natatanaw ang isa’t isa sa future, usapin man iyan ng career o pagsasama.
3. Napagod sa isa’t isa at humantong sa paghihiwalayan.
Maaaring pagod na rin sa isa’t isa kaya nagdedesisyon ang mag-asawa na itigil na ang pagsasama. | Larawan mula sa Pexels
Hindi biro ang walong taong pagsasama. Darating din talaga kayo sa puntong magsasawa na kayo sa isa’t isa. Ito ang karaniwang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa. Kung minsan ay nauuwi sa paghahanap ng iba para makaramdam ulit ng kilig sa relasyon.
Kung nararamdaman mo nang ganito na kayo kahit wala pa ang walong taon, mahalagang mapag-usapan na ito kaagad. Tandaan na komunikasyon pa rin ang susi sa pagresolba ng mga bagay lalo sa relasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!