Holiday sulit savings tips ba ang hanap mo ngayong pasko? Narito ang ilang hakbang na maari mong gawin.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Holiday sulit savings tips sa pamimili ngayong pasko.
Mga holiday sulit savings tips sa pamimili ngayong pasko
Pagdating sa pagiging praktikal sa pamimili lalo na ng mga pang-regalo may isang lugar na paboritong puntahan ng mga Pilipino. Ito ay ang Divisoria na hindi lang basta mura ang paninda, lahat pa ng kailangan mo ay nandoon na. Pero hindi lahat sa atin ay kaya magpunta sa Divisoria para mamili. Kaya naman ang tanong ng ibang mommies, paano pa makakatipid sa pamimili ngayong pasko? Narito ang ilang hakbang na maari mong gawin.
-
Mag-order online at gumamit ng mga vouchers.
Ito ang pinaka-in na style ngayon sa pag-shoshopping. Dahil sa pamamagitan ng online shopping hindi ka na magpupunta sa mall at makikipagsiksikan. Hindi mo narin kailangang maglakad para maghanap kung saan mas mura ang bagay na bibilhin mo. Ngayon, puwede mo na itong gawin gamit ang iyong cellphone.
At ang pinaka-nakakatuwa pa ay may mga vouchers na libreng ipinamimigay ng mga online shopping platforms. Ikaw man ay first-time online shopper o madalas ng mamili may free vouchers na magagamit mo sa iyong par-shoshopping.
Larawan mula sa Shutterstock
-
Gamitin ang iyong rewards.
Kung regular na namimili nitong buong taon, ikaw rin ay nakaipon na ng reward points. This is the time na dapat mo na itong gamitin. I-check kung ilan na ang iyong rewards points at gamitin ito para makapamili o kaya naman ay maka-discount sa iyong pamimili.
Ang mga rewards system sa pamimili ay hindi lang inioffer ng mga credit cards. Meron din nito ang maraming stores sa mga shopping malls, kahit sa mga online shopping websites na binibisita mo. Minsan ay mayroon pa ngang mga cash-back offers na magiging malaking tulong rin sa pamimili mo.
-
Maghintay ng sale.
Usong-uso din ngayon ang mga sale. Mapa-online man o sa mga shopping malls kaliwa’t-kanan ang mga sale ngayon. Dito mo mabibili ng mas mura ang iba’t-ibang produkto. Pero isa sa pinaka-wais na step para masigurong bagsak presyo ang produktong mabibili mo ay ang maghintay sa clearance sale.
Ang clearance sale ay ginagawa sa pagtatapos ng taon. Ito ay para masiguro ng mga shops at stores na mauubos ang kanilang produkto sa kasalukuyang taon at mapalitan ng bagong produkto ngayong darating na new year.
Larawan mula sa Shutterstock
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!