Ano nga ba ang pinagkaiba ng Homeschooling sa Distance learning?

Alamin ang mga method na gagamitin kung paano magiging possible ang pagbubukas ng klase ngayong darating na Agosto sa bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Homeschooling vs distance learning: Narito ang ipinagkaiba ng distance learning at homeschooling in the Philippines.

Distance learning at homeschooling in the Philippines

Patuloy ang pagbubukas ng klase ngayong Agosto. At ito ay gagawing posible sa pamamagitan ng different modes of learning tulad ng homeschooling at distance learning. Pero marami parin sa ating mga magulang ang naguguluhan pa sa set-up na ito. Ano nga ba ang kaibahan ng dalawang modes of learning na ito? At ano ba ang learning set-up na swak o perfect para sa anak mo.

Image from Freepik

Homeschooling vs distance learning

Ang homeschooling at distance learning ay parehong tumutukoy sa remote learning. O ang hindi na kailangan pang pumasok sa tradisyonal na paaralan o face-to-face classes ang isang estudyante upang ma-kompleto ang mga requirements niya sa eskwelahan. Ngunit may mga aspeto na nagkakaiba ang dalawang modes of learning na ito. Isa nga sa pangunahing pagkakaiba nila ay sa kung sino ang mangunguna o magtuturo sa isang bata ng kaniyang mga leksyon.

Paano isinasagawa ang homeschooling?

Image from Freepik

Sa homeschooling, ang responsibilidad ng pagtuturo ay nasa mga magulang. Sila ang bahala mag-handa ng leksyon na ituturo sa kanilang anak. Basta’t ito ay alinsunod sa curriculum na itinakda sa school year ng isang bata. Kaya naman sa homeschooling ay mas hawak ng nagtuturong magulang at kaniyang anak ang oras na kung kailan nila gustong isagawa ang klase.

Accreditation sa pamamagitan ng homeschool providers

Para naman ma-accredit ang ginawang pag-aaral ng isang estudyante sa pamamagitan ng homeschooling ay may dalawang paraan na maaring gawin. Una ay sa pamamagitan ng tulong mula sa mga homeschool providers. Ito ay ang mga institusyon na accredited ng DepEd na makakatulong sa mga magulang sa pagsasaayos ng accreditation ng kanilang homeschooled na anak. Sila na ang bahalang magsagawa ng mga paper works, formalities at iba pang dapat kailanganin sa homeschooling set-up ng isang bata. Sa kanila rin maaring makakuha ng kopya ng DepEd accredited homeschool curriculum.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon ay marami ng homeschool provider sa bansa na maaring makatulong sa mga nagnanais na simulan ito ng kanilang anak. Pagdating naman sa gagastusin, ayon nga sa mga magulang na nakasubok na nito ay mas mababa ang magagastos rito kumpara sa kung pag-aaralin sa private school ang isang bata. Dahil ang homeschool annual fee ng isang homeschool na bata ay hindi bababa sa P15,000 para sa kinder. At aabot naman ng hanggang P60,000 para sa mga highschool students.

Naka-depende ang babayarang homeschool fee sa pipiliing homeschool provider para sa iyong anak. Ngunit karamihan sa mga ito ay nagbibigay ng hanggang sa 50% discount kung higit sa isang bata sa inyong pamilya ang mag-aavail ng serbisyo nila.

Independent homeschooling at accreditation

Mayroon ring opsyon na kung saan ang mga magulang ay hindi na kailangan pang i-enroll sa isang homeschool provider ang kanilang anak. At kanila itong tuturuan base sa sa preferred nilang resources at curriculum. Bagamat mainam kung ibabase nila ito sa DepEd accredited homeschool curriculum. Dahil sa oras na kailangan na nilang pumasok sa tradisyonal na eskwelahan o ma-credit ang kanilang napag-aralan ay kailangan nilang sumailaim sa mga DepEd exams. Tulad ng Philippine Educational Placement Test (PEPT) o Accreditation and Equivalency (A&E) Exam na nasa ilalim ng Alternative Learning System.

Sa homeschooling set-up na ito ay nakadepende ang magagastos sa mga requirements o materials na gagamitin sa pagtuturo sa isang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang distance learning?

Image from Freepik

Samantala ang distance learning naman ay ang uri ng remote learning na kung saan ang pagtuturo sa isang bata ay gagawin parin ng isang guro. Ito ay maaring sa pamamagitan ng virtual classes sa tulong ng Skype o iba pang video conferencing o messaging software.

Sa distance learning ay maaring ring magpadala lang ng modules o lessons sa isang bata na kailangan niyang pag-aralan at ma-comply. Ito ang magsisilbing niyang requirements para makapasa at ma-kumpleto ang isang curriculum.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan ang distance learning dito sa Pilipinas ay maisasagawa sa pamamagitan ng tatlong paraan:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tatlong paraan ng distance learning sa Pilipinas

1. Online learning o sa pamamagitan ng DepEd Commons.

Para sa mga estudyanteng may access sa internet ang distance learning ay isasagawa sa pamamagitan DepEd Commons. Ito ang online education platform ng DepEd na maaring bisitahin ng mga estudyante para sa kanilang lessons na dapat pag-aralan. Mayroong mga lessons rito na para sa mga kindergarten hanggang sa grade 12 na estudyante. Ang mga leksyon rito ay maaring ma-access na naka-depende sa eskwelahan at grade na pinag-enrollan ng mag-aaral.

2. Printed modules na i-dedeliver o pipick-upin ng mga magulang.

Para sa mga estudyante na walang access sa internet o walang magagamit na gadget ay may mga printed modules na ipamimigay sa kanila. Ito ay maaring i-deliver ng deretso sa kanila o kaya naman ay kanilang pipick-upin sa paaralan na pinag-enrollan. Ang mga modules na ito ay nagtataglay ng leksyon at mga pagsusulit na dapat ma-kompleto at maipasa ng isang batang mag-aaral.

3. Pagbibigay ng lessons sa pamamagitan ng radio at telebisyon.

Maari ring i-deliver o maipaabot ang mga leksyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng radio at telebisyon. At ito ay gagawing possible sa pamamagitan ng mga radio stations at TV stations na pinapatakbo ng gobyerno.

Ayon sa DepEd, ang gagamitin paring basehan sa method na ito ay ang mga self-learning modules at printed learning materials na nagmula sa kanilang ahensya. Ang mga ito ay i-coconvert lang sa radio o TV script upang maituro sa mga mag-aaral. Saka sila i-tratrack ng kanilang guro o eskwelahang pinag-enrollan para sa kanilang improvement at completion sa curriculum.

Homeschooling vs Distance learning

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

Rappler, Official Gazette, The Asianparent PH

Basahin:

Homeschooling 101: What You Need To Know and How To Get Started

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement