Ina Raymundo, Sunshine Cruz at Max Collins agaw pansin na mga hot mommas sa nagdaang Bench Fashion Week 2024

Ina at Sunshine parang hindi tumatanda dahil sa fit at maganda nilang pangangatawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hot mommas na sina Ina Raymundo, Sunshine Cruz at Max Collins agaw-pansin ang pagrampa sa nagdaang Bench Fashion Week 2024.

  • Bench Fashion Week 2024.
  • Hot mommas na rumampa sa Bench Fashion Week

Bench Fashion Week 2024

Usap-usapan ngayon ang nagdaang Bench Fashion Week 2024. Dahil sa nasabing event maraming kilalang artista ang rumampa suot ang mga damit na idinesenyo at gawa ng kilalang Filipino clothing line.

Nangunguna nga sa mga rumampa ay ang aktres na si Kathryn Bernardo na talagang ramdam ang stage presence paglabas niya ng runway. Nagpakita rin ng kanilang modeling skills ang kambal na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na sina Atasha at Andres. Ganoon rin ang magboyfriend at girlfriend na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Hot mommas na rumampa sa Bench Fashion Week

Larawan mula sa Bench Facebook Page

Pero maliban sa mga nabanggit na young stars, mas agaw pansin ang mga hot mommas na rumampa sa nasabing fashion event. Dahil kahit may mga anak na, ay napanatili parin nila ang maganda at fit nilang katawan. Nangunguna na nga dyan ang aktres na si Max Collins.

Si Max kitang-kita na alagang-alaga ang kaniyang figure. Ito ay sa kabila na siya ay mayroon ng 3 year old na anak na si Skye.

Marami naman ang napa-sana all ng lumabas sa runway ang aktres na si Sunshine Cruz. Dahil kahit 46 years old, si Sunshine parang hindi tumatanda. At higit sa lahat flawless at sexy parin ang katawan na lalong pinalutang ng all-black bikina niya.

Larawan mula sa Bench Facebook Page

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napa-wow rin ang audience ng rumampa ang aktres na si Ina Raymundo. Si Ina kahit may limang anak ay fresh na fresh parin. Higit sa lahat young looking parin at hindi tumatanda sa edad na 48-anyos.

Ayon kay Ina, sa kaniyang Instagram post, hindi normal na ginagawa ng 48-years-old na babae ang ginagawa niya. Kaya naman very thankful siya sa oportunidad na ibinigay sa kaniya.

“This is not something a 48 year old, mom of 5 usually does- to walk down the runway among a slew of stars. It was empowering. Thank you for the opportunity @benchtm♥️.”

Ito ang sabi pa ni Ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Bench Facebook Page

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement