House Bill 3957: "Stealthing" bilang sexual assault

Layon ng House Bill 3957 na parusahan ang mga manloloko na nagtatanggal ng condom sa gitna ng pagtatalik. Alamin ang detalye dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang stealthing ay ang pagtanggal sa suot na condom sa gitna ng pagtatalik nang walang pahintulot ng partner. Ayon sa ipinasang House Bill 3957, ito ay dapat kilalanin bilang paraan ng sexual assault.

House Bill 3957 laban sa “stealthing”

Ang Representatives na sila Alfredo Garbin at Elizaldy Co ng Ako Bikol party-list ay nagsumite ng House Bill 3957. Nais nila na makilala ang stealthing bilang sexual assault sa ilalim ng Anti-Rape Law of 1997.

Kanilang layunin protektahan ang lahat ng klase ng sexual partner, ano man ang kanilang kasarian o gender identification. Nais nilang bigyan ng kapangyarihan ang lahat ng tao laban sa lahat ng uri ng pang-aabusong sekswal.

Stealthing

Sa ilalim ng na-file na House Bill, ang stealthing ay maaaring mangyari sa ilang paraan:

  • Pagpapaniwala sa partner na gagamit ng proteksyon kahit pa wala talagang balak para mapapayag itong makipagtalik.
  • Pagtanggal ng nasabing protective device sa gitna ng pakikipagtalik nang walang pahintulot ng sexual partner.
  • Sadyang pagsira o pagsugat sa gagamitin o ginagamit na protective device.
  • Sadyang paghawa ng sakit o pagbuntis sa sexual partner sa pamamagitan ng mga nabanggit na paraan.

Kung malaman ng biktima na isinasagawa ang stealthing at umayaw ito makipagtalik ngunit pinilit parin ng sexual partner, ito ay sasa-ilalim sa aktong rape.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga Parusa

Ang mga mahahatulan ng guilty sa stealthing ay  magmumulta nang hindi bababa sa P100,000 ngunit hindi lalagpas ng P500,000. Sila rin ay makukulong nang 12 taon hanggang 14 taon at 8 buwan.

Kapag mahawaan ng sakit o nabuntis ang biktima dahil sa stealthing, ang guilty ay magmumulta nang hindi bababa sa P200,000 ngunit hindi hihigit sa P700,000. Sila rin ay makukulong nang mula 17 taon at 4 na buwan hanggang 20 taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag sinadyang mahawaan ng sakit o buntisin ang biktima sa pamamagitan ng stealthing, ang guilty ay magmumulta nang hindi bababa sa P1 milyon ngunit hindi lalagpas sa P5 milyon. Sila rin ay makukulong nang mula 20 taon hanggang 40 taon.

 

Nais nila Garbin at Co na mabawasan ang mga nagsasagawa ng stealthing sa lahat ng kasarian.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: GMA News Online

Basahin: Sadistic husband forces wife into prostitution, sexually abuses 6-year-old daughter