Kapag ang babae ay namatayan ng asawa, ang tawag sa kanya ay byuda. Samantalang kapag naman ang lalaki ay namatayan ng asawa, ang tawag sa kanya ay byudo. At kapag namatay ang isang anak ng magulang, ang tawag sa kanya ay ulila. Ngunit ano ang maitatawag mo sa magulang na namatayan ng anak? Walang salita ang kayang makapagbigay ng depinisyon ukol dito. Dahil ang tanging sakit at lungkot lang ang mararamdaman.
Sa kasamaang palad, ang ina na si Jang Ji Sung ay kailangang dumaan sa isang napakahirap na pagsubok. Ito ay nang mamatay ang kaniyang anak na si Nayeon, tatlong taon na ang nakakalipas.
How does virtual reality work?
Ngunit dahil sa tulong ng isang virtual reality (VR) muling nakasama at nakausap ng ina ang kanyang anak kahit sa maikling oras. Inere ang documentary na ito noong February 6 sa MBC. Ito ay may pinamagatang 너를 마났다 (Meeting You)
Ina, nakasama ulit ang namayapang anak sa pamamagitan ng virtual reality (VR)
Ang documentary ay naglalaman ng muling pagkikita ng isang ina at ang kanyang namayapang anak. Ito ay sa tulong ng virtual reality.
Ayon sa MBC, inabot din halos ng 8 months ang paggawa ng naturang virtual reality. Gumamit sila ng motion capture technology para marecord ang bawat galaw ng kanilang batang artista, na kanilang gagamitin para sa virtual Nayeon. Para naman sa boses, ginamit din nila ang boses ng batang artista para rito. Ang ginamit na location sa VR ay isang parke kung saan madalas silang nagkikita dati.
Sa video, makikita ang madamdaming pag-uusap ng nanay at ng anak. Habang nanood sa monitor ang kanyang asawa at tatlo pang mga bata.
“Mum, where have you been?”
Bumuhos ang mga luha ng inang si Ji Sung ng makita ang kaniyang virtual na anak sa screen habang binibitawan ang mga katagang “Mom, where have you been? Did you think of me?”
Makikita sa video na sinusubukang hawakan ng ina ang kaniyang anak. Ang sabi nito sa sa interview na “I wanted to touch my daughter. I tried to hold her hand and stroke her hair.”
Sa VR, muling nagkaroon ng pagkakataon ang mag-ina na mahawakan ang kamay ng kanyang anak. Pagkatapos kumanta ng ‘Happy Birthday’ song para kay Nayeon, sila ay kumain ng seaweed soup (tradition Korean birthday dish) at kumain ng birthday cake na matagal nang gustong makain ng anak.
Pagkatapos i-blow ni Nayeon ang mga kandila ng kanyang cake, siya ay nag-iwan ng kanyang birthday wish.
“Please don’t let my dad smoke and please don’t let my mum cry.”
Ang muling pagkikita ng mag-ina sa virtual reality ay nagtapos ng humiga na sa kama si Nayeon. Binasa rin nito ang letter na bigay sa kanyang nanay. Isang kataga naman ang iniwan ni Nayeon na nagpaiyak s kanyang nanay. “Mom, goodbye. I love you.” na saka naman tinugunan ng nanay. “Me too.”
Agad na nakatulog si Nayeon at parang mahika na bigla na lamang itong naging paru-paro.
Pagkatapos ng muling pagkikita ng inang si Ji Sung at sa kanyang anak, ibinahagi nito na kahit hindi ito mismo ang kanyang anak na si Nayeon, naramdaman pa rin nito ang kanyang presensya. Dagdag pa niya na ang kaniyang karanasan na ito ay lalong magbibigay ng dahilan sa kaniya upang mahalin ng lubusan ang kanyang anak.
Si Nayeon ay pang-apat na anak ni Ji Sung. Siya ay na-diagnose ng rare cancer na Hemochromatosis. Ang sakit na ito ay kapag ang isang tao ay sobra sobra na ang pagtanggap ng kanyang katawan ng iron. Sinisira nito ang internal organs katulad ng atay. Sa ganitong kondisyon, wala pa ring nadidiskubreng lunas para rito.
Taong 2017 nang mamatay si Nayeon sa edad na 7.