Naging usap-usapan kamakailan ang reaksyon ng batang si Zela Morena, anak ng content creators na sina Omni at Bryce, sa mga bashers na pinupuna ang kanyang kulay ng balat. Sa halip na magalit o maapektuhan, buong tapang niyang hinarap ang mga komento gamit ang pasensya at positibong pananaw.
Mababasa sa artikulong ito:
- Zela Morena sinagot mga bashers!
- Paano protektahan ang anak sa masasakit na salita ng iba
Zela Morena sinagot ang bashers: Just love your skin color!
Sa isang video, binasa ni Zela ang mga negatibong komento tulad ng “Grabeng itim niyan” at “Angel and devil.” Sa kanyang sagot, sinambit niya, “I was born with this color. God made me like this… just love your skin color.” Sa dulo, pinapaalala niya na ang tunay na mahalaga ay kung paano mo nakikita ang iyong sarili: “Always think that you’re beautiful. It doesn’t matter what they say.”
Hindi bago sa publiko ang ganitong klaseng pambabatikos sa mga bata. Ang anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali ay tinawag na “tabachoy,” habang si Jude, anak nina Janella Salvador at Markus Paterson, ay nakatanggap din ng body-shaming. Si Bianca Gonzalez, nanindigan naman para sa kanyang anak nang mabash dahil sa kulay ng balat. Tulad ni Zela, ipinagtanggol ng mga magulang na ito ang kanilang mga anak sa harap ng masasakit na salita.
Paano protektahan ang anak sa masasakit na salita ng iba
Hindi madali na ilayo ang anak mula sa panghuhusga ng iba. Kahit anong gawin natin, sa paglawak ng mundo nila, makakasalamuha at makakasalamuha sila ng mga taong posibleng manlait, mangmaliit at mangmata sa kania. Pero ano nga ba ang pwede nating gawin para kahit paano ay maiwasan ang negatibong epekto nito sa kanila?
- Turuan ang anak ng self-love: Katulad ni Zela, mahalagang ituro sa bata na mahalin ang sarili. Ang tiwala sa sarili ay proteksyon laban sa negatibong opinyon ng iba.
- Magbigay ng suporta: Ipaalala sa kanila na sila’y minamahal at tanggap ng kanilang pamilya anuman ang sinasabi ng iba.
- Tuminding laban sa pambabatikos: Bilang magulang, huwag matakot na ipahayag ang paninindigan upang protektahan ang anak.
- Gawing aral ang masasakit na salita: Tulad ng ginawa ni Zela, gamitin ang sitwasyon upang turuan ang bata ng positibong pananaw at pasensya.
Ang kwento ni Zela ay patunay na ang pagiging matatag at pagmamahal sa sarili ay mabisang sandata laban sa bashers.