ALAMIN: Ang mga tips kung paano magpalaki ng isang 'gifted' na bata

Ang mga gifted na bata bagamat may natatanging kakayahan ay bata parin. Kaya naman mahalaga ang suporta at gabay ng kanilang mga magulang sa maayos na pagpapalaki sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

How to raise gifted child? Narito ang mga tips kung paano ayon sa mga eksperto.

Image from Freepik

Katangian ng gifted na bata

“Children who give evidence of high-performance capability in areas such as intellectual, creative, artistic, leadership capacity, or specific academic fields, and who require services or activities not ordinarily provided by the school in order to fully develop such capabilities.”

Ito ang pagsasalarawan ni Dr. Gail Gross, isang human behavior and family expert, sa mga gifted child. Dagdag pa niya ang mga gifted na bata ay biologically different mula sa typical na mga bata. Dahil ang kanilang utak ay mas active at biologically more abundant. Ang rason kung bakit sila matanong, magaling mag-proseso ng impormasyon, mag-focus at mag-concentrate.

Pero hindi rin tulad ng typical na bata, ang mga gifted child ay mas nakakaranas umano ng emotional stress. Kaya naman maliban sa pag-iimprove ng kanilang kakayahan, napakahalaga ng ginagampanang papel ng mga magulang upang malampasan ito ng kanilang anak. Sa isang libro nga na isinulat ng mga authors mula sa US National Association of Gifted Children ay natalakay ang mahalagang papel na ito. Pati na ang mga tips at paraan kung paano mapapalaki ng mga magulang ang kanilang gifted na anak sa healthy at happy na paraan. Ang mga how to raise gifted child tips na ito ay ang sumusunod:

How to raise gifted child

1. Gawing priority ang kaniyang happiness at health.

Bagamat may kakaiba at natatanging kakayahan ang iyong anak ay mahalagang gawing priority parin ang kaniyang kasiyahan at kalusugan. Gawin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kalayaan sa kaniya sa mga bagay na gusto niyang gawin. Tulad ng paglalaro o pakikipag-halubilo sa kapwa niya bata. Mahalaga ito upang hindi siya makaramdam ng pressure at stress sa natatanging kakayahang mayroon siya. Dahil kung hindi, ang pressure at stress ay magdudulot ng impact sa kaniyang kalusugan partikular na sa kaniyang mental health.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Alamin ang mga educational programming options at strategies na makakatulong upang mas ma-develop pa ang kakayahan ng iyong anak.

Upang mas ma-improve at ma-develop ang natatanging kakayahan na mayroon ang iyong anak ay mahalagang suportahan at gabayan siya rito. Gawin ito sa pamamagitan ng paghahanap ng mga schools o educational strategies na mas mahahasa pa ang kaniyang skills at talent sa paraang mai-enjoy niya. Sa ngayon, maraming mga eskwelahan na ang nag-ooffer ng mga lessons at programs na akma para sa mga gifted child.

Image from Freepik

3. Maging educated tungkol sa special needs ng iyong gifted child.

Maliban sa hindi paglalagay ng stress at pressure sa iyong gifted na anak. Mahalaga ring bilang isang magulang ay matutunan mo kung paano maibibigay ang special needs niya. Gawin ito sa pamamagitan ng pagbabasa o pagsali sa mga grupo na makakatulong sayo sa pagpapalaki ng iyong anak. Isang magandang paraan rin ito upang makakilala o makaalam ka pa ng ibang paraan at option upang mas ma-develop ang skills at talents niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Turuan ang iyong anak tungkol sa realidad ng buhay.

Bagamat masasabing advanced o malawak ang pang-unawa ng iyong gifted na anak, siya ay bata parin. At may mga bagay parin siyang hindi naiintindihan na tanging isang adult lang na napagdaanan na ito ang makakapagpaliwanag. Kaya naman maliban sa paghahasa ng kaniyang talent at kakayahan ay mahalagang ituro mo rin sa kaniya ang realidad ng buhay. Turuan siya sa mga gawaing-bahay na kakailanganin niya habang siya ay lumalaki. Pati na ang iba pang aspeto ng buhay tulad ng pakikipag-kapwa. At huwag siyang ikahon sa puro pag-aaral lamang.

5. Hayaan ang iyong anak na matuto sa kaniyang pagkakamali.

Hindi dahil siya ay may natatanging kakayahan ang iyong gifted na anak ay isa ng perpekto. May mga aspeto ng buhay o mga bagay na hindi niya kayang gawin, O kaya naman ay hindi niya kayang gawin ng tama tulad ng ibang bata. Ngunit dapat hindi mo siya pigilan na ito ay subukan. Hayaan siyang gawin ito at matuto sa oras na siya ay nagkamali. Sa ganitong paraan ay hindi lang ang kaniyang intellectual health ang nag-iimprove. Kung hindi pati ang kaniyang self-esteem na mahalaga upang mas ma-improve pa ang kakayahan niya.

6. I-motivate ang iyong anak.

Ang mga gifted na bata, sa kanilang murang edad ay hindi aware sa natatanging kakayahan na mayroon sila. Para sa kanila, ito lamang ay normal na bahagi ng kanilang buhay bata. Ikaw, bilang magulang ang makakapansin nito. At ikaw, bilang magulang rin ang responsible upang ito ay matutunang ma-appreciate ng iyong anak. Para gawin ito ay dapat i-motivate mo ang iyong anak na mas i-improve pa ang kaniyang kakayahan. Suportahan siya at ipakita sa kaniya ang iyong kumpyansa at tiwala. Sa ganitong paraan ay hindi lang siya gaganahang pagbutihin pa ang talent at skills niya. Lalaki rin siyang may tiwala at confident sa sarili niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

7. Respetuhin, i-appreciate at i-reward ang iyong gifted na anak.

Gawing happy at healthy ang learning development ng iyong gifted na anak sa pamamagitan ng pagpaparamdam sa kaniya ng iyong appreciation. Ipakita sa kaniya kung gaano ka-proud na ikaw ang magulang niya. At i-reward din siya sa bawat natatanging galing na ipinapakita niya upang mas ma-inspire pa siyang pagbutihin pa ito.

Higit sa lahat ay ipakita rin sa kaniya ang respeto mo sa kaniyang kakayahan. Hayaan siyang mamili ng mga bagay na gusto niyang gawin na alam niyang mas magiging komportable at masaya siya. Ngunit magkaganoon man, dapat ikaw ay lagi lang nakasuporta. At nakagabay sa iyong anak anumang oras, magawa niya man ito ng mali o tama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

SOURCE: Psychology Today, Huffpost

BASAHIN: 20 Signs na ang iyong anak ay “Gifted”